- 13 -

210 7 0
                                    

Confused!

Nagising ako nakatihayang sa kama habang ang ulo ni Jjj ay nakapatong sa aking dibdib. Ewan ko ba, bagaman asiwa ako sa aming posisyon, dinedma ko na lang. Hinayaan ko na lang siya matulog sa aking dibdib habang akap-akap niya ako.

"People come
People go
It doesn't really matter
'Cause I still don't know
If they can share
The colors of a heart"

Nakatingala ako pinagmamasdan ang ceiling at nagmuni-muni. Mula nang mawala ang ka-inosentehan ko, takot na akong magtiwala o mapalapit ang loob sa ibang tao kaya mas ginugusto kong laging nag-iisa.

"Time will tell
I may see
That someone
Who will matter
Will just turn around
And change my world
With skies of gray to blue"

Pero sa sitwasyon ko ngayon, 'di ko ma-explain. Wala pang twenty-four hours kong kakilala si Jjj, mixed emotions ang aking nararamdaman. Nayayamot ako kasi feeling close siya agad. Pero sa isang banda, sincere ang dating ng mga pinakikita niya na walang halong ka-plastikan o malisya. Parang siyang bata masyadong expressive ng kanyang nararamdaman. Pero sa isang banda rin naman, may pagka-brat.

"Color me lonely
That may be true
Color me lonely
If it's all the same to you
But someone will come
Paint all the hues
Coloring me something else
Please do"

Haist! Basta magulo!

"How long have you been awake?"

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Jjj.

"Long enough." Sagot ko sabay hampas sa kanya ulo.

"Ouch! Why did you hit me?"

"Geez man, get off me already you're freakin' heavy!"

"Sorry. I didn't mean to sleep on you like this."

"Whatever!"

"How are you feeling?"

"I'll live."

Matapos mag-breakfast tumambay lang ako sa garden nila. 'Yun breakfast namin pang-late lunch at early merienda na kasi alas dos na kami nagising.

Naglakad-lakad ako sa garden nila Jjj. Iniwanan muna niya akong mag-isa kasi tumawag ang mga magulang niya na nagbabakasyon sa ibang bansa. Malaki talaga ang bahay nila. May swimming pool pa.

Pumunta ako sa side ng pool at binabad ko ang aking mga paa sa tubig.

"So, what do you want to do now?" Tanong ni Jjj pagkalapit sa akin.

Tumayo ako at pagkatapos itinulak ko siya sa pool. Tawa ako ng tawa sa aking ginawa.

Malalim pala ang area ng pool kung saan kami malapit. Matagal na nakalubog si Jjj bago ito nag-resurface sa tubig.

"I don't know... how to... swim!" Sigaw ni Jjj habang pinipilit 'wag lumubog ang ulo niya sa tubig.

Una, inakala ko ginu-good time lang niya ako para tumalon ako sa pool. Pero noong lumubog muli ang buong katawan niya at nakita kong talagang nagpa-panick siya, nag-dive na ako sa pool para sagipin siya.

Sinisid ko siya at kita ko talagang nahihirapan siyang lumangoy. Hinawakan ko siya at itinaas. Nang umahon na ang ulo namin sa tubig nakayakap ang mga bisig ni Jjj sa aking leeg.

"Asshole!" Sambit ni Jjj pagkatapos umubo at idinura ang tubig na kanyang nainom galing sa pool.

"I'm sorry... I didn't know... I assumed since you have a pool..." Sabi ko nang makaahon kami sa pool.

Natigilan ako sa sinasabi ko nang biglang yakapin ako ni Jjj at umiyak na parang bata.

Natigilan ako sa sinasabi ko nang biglang yakapin ako ni Jjj at umiyak na parang bata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglipad ni Astroboy (Flight of Astroboy) 🏳️🌈 [boyxboy] [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon