05- classmate

1.4K 37 0
                                    

Kinabukasan ay nalate ako ng gising. Alas syete na nang gumayak ako. Nadatnan kong nagbabasa lang ng dyaryo si Lolo habang si Lola naman ay nakaupo Lang sa Tabi nya.

"Kumain ka bago umalis ah" si Lola.

"Opo"

Ganun nga ang ginawa ko. Kumain ako ng tinapay at pinalamanan ko ng keso. Nag init din ako ng tubig para makapag kape. Matapos niyon ay nagpaalam na ako para pumasok ng school. Naglakad na ako papunta sa aking pinakamamahal na eskwelahan .

Dapat Kasi talaga ay Hindi ako dito mag aaral Kaya Lang Wala akong makakasama sa dati naming bahay dahil nga nasa trabaho sila mama. Wala rin naman akong kapatid Kaya Wala akong makakaltukan Kung sakali man. Nandito lahat ng pinsan ko sa Bulacan Kaya napagpasyahan nila mama na dito na Lang ako tumira kasama ng lolo at lola ko. Kapag siguro bumalik na sila mama saka pa Lang kami babalik sa bahay namin sa Bataan.

Kahit nandito ako sa puder ng kamag anak ko ay Wala naman akong masyadong kausap. Kakatwang kapitbahay Lang namin Yung mga Tito ko pati ang pinsan ko pero bihira ko silang makausap.

"Good morning manong guard" bati ko sa guard na nasa tabi ng gate. Tumango Lang ito Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kaunti na Lang Ang mga dumadaang estudyante. Tanda Lang na medyo late na ako.

"Ms. Vice president late ka sa klase ko" rinig Kong Sabi ng adviser namin.

Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil hindi pa  ako nakakapasok  ay sinermunan agad ako.

"Pasensya na ma'am nahuli Lang po ng gising"paliwanag ko dito. 

"Kasalanan ko ba na nahuli ka ng gising?" masungit na tanong sa akin ng teacher ko na ikinagulat ko,ayokong mapahiya dito.

"Hindi ko naman kayo sinisi ma'am"  bulong ko. "sorry po" muli kong sambit.

"Okay sige take your sit" Sabi nito at nagsulat na sa board. 8:01 pa lang naman. Isang minuto lang ako nahuli kaya sa tingin ko ay wala namang kaso iyon.

"Bakit ka nalate?" Rinig Kong Sabi ni mizu. Katabi ko pala sya. Hindi man Lang inayos Yung seating arrangement namin. Kalat kalat Ang boys at girls. Yung ayos naman ng upuan ay walong silya kada Linya. At may limang row naman. Saktong 40 kaming magkakaklase. 

"Kasi nga nalate ako ng gising pasensya naman Tao Lang" Sabi ko at inabala ang sarili ko sa pagkuha ng notebook.

"Eh bakit ka nalate ng gising...puyat ka ba?"

Wow!

"Hindi naman masyado "inis na Sabi ko pero Hindi naman halatang naiinis ako. Nakakainis yung taong makukulit sa totoo lang,maikli pa naman ang pisi ng pasensya ko.

"Ahhh okay....may sinabi kanina si ma'am. May bago daw tayong kaklase pero Hindi ko Alam Kung kailan darating" bulong nito.

"Ahh okay. Wala akong pakialam" tinatamad na Sabi ko at tumingin na sa board at nagsulat na. Nasa dulo ako  at malapit sa pinto. Nasa kaliwa ko si mizu,yung nasa harapan ko ay Hindi ko pa kilala pero babae sya.

"Pogi daw"

"Eh ano ngayon Kung pogi??jojowain ba ako nun?" Matapang Kong tanong.

" grabe ka naman"

Patuloy sya sa pagsasabi ng  walang kwentang bagay. Nakakainis kaya,Hindi nya ba Alam na gusto ko Lang namang mag aral,sinasabi pa na pogi Yung lalaki,eh ano ngang paki ko,kung jowa ko Yan edi may paki ako!

Nag umpisa ng magturo si ma'am na Hindi ko Alam Yung pangalan. Titingnan ko na Lang ulit mamaya sa pintuan. General mathematics Yung itinuturo nya Kaya nakinig Lang ako. Favorite ko math pero sa ibang field Lang. Madali para sa akin ang computation pero hindi ang analization. Maya maya pa ay biglang may dumating. Naramdaman ko Yun dahil nasa dulo ako.

"Ma'am"Boses ng lalaki iyon.

"Ahy nandyan ka na pala,d'yan ka na Lang umupo sa likod dahil Wala ng bakanteng upuan dito" sabi ni ma'am.

Hindi ko nilingon Yung lalaki bagkus ay nakinig Lang ako. Naramdaman ko na sa likod ko sya umupo. Napansin ko rin na parang nailang ng unti si mizu Kaya nainis ako. Hindi ako madaling mattract sa isang lalaki pero once na naattract ako,ipupursue ko talaga sya.

Pamaya Maya pa ay dumating na Yung isa pa naming teacher. Walang introduce yourself na naganap Kaya nagtaka ako. Paano nila malalaman Kung Sino Yung nagrerecite Kung Hindi naman kami kilala.Nagturo Lang din Ito pero English naman Ang subject.

Hindi nagtagal  ay recess na. At kahit unang araw pa Lang ng legit na klase ay nakakapagod na. Sa dati ko kasing school magpapakilala muna Kaya pachill chill Lang kami. Eh dito pagkapasok ng teacher turo agad.

"May kanin Kang baon?" Tanong ko Kay mizu.

"Meron pero mamaya pa ako kakain ng kanin. Bibili muna ako ng snacks sa canteen"

"Pwedeng ibili mo na Lang ako"

"Eh Sinong kasama ko pagpunta doon?" Tanong nya.

Wala pa pala kaming masyadong kaclose dito. Hindi ko alam kung paano ko dila i-approach pero approachable naman ako. 

"Me!!I will also go the canteen. Sabay na Tayo" Sabi ng isang babae.

"Uhmmm"si mizu na nag iisip pa.

" I'm Cali" pakilala ng babae at nilahad ang kamay nito agad naman itong tinanggap ni mizu.

"Mizu"

Tumayo ako para makipagkilala. Nilahad ko din ang kamay ko at nakipag shake hands. Infairness,ang lambot ng kamay nya,hindi kagaya ng kay mizu.

"Morrie" Sabi ko naman. Nagngitian Lang kami.

"Oh ano ibibili mo na ako?" Tanong ko ulit Kay mizu.

"Okay"

"Kahit ano Lang akin Basta biscuit" Sabi ko at ibibigay Yung bente pesos ko.

Lumabas na sila ng room at Ilan na Lang kaming natira. Lumabas din pala si shin pati Yung alagad nya.
Tapos parang naligaw pa si riyu eh mukha namang matino. Uupo na Sana ako ng makitang nakatingin sa akin Yung lalaki. Tumayo ulit ako at humarap sa kanya.

"Morrie nga pala" pagpapakilala ko.

Tiningnan nya Lang ako at binalik na Ang tingin sa desk nya.

"Sungit naman" usal ko.

Kainis ah,ako na nga Yung nakikipagkilala ayaw pa nya. Aba!bihira sa babaeng maganda Gaya ko na nakikipag usa-

"Masyado Kang maingay miss" rinig Kong Sabi nya. Lumingon ako nakitang Ang sama ng tingin nya sa akin.

"Anong sinasabi mo?Ang tahi tahimik ko nga eh"

"Parang Hindi naman" Sabi  nya.

Required bang kapag pogi ay masungit na?Its a big NO,nakakaturn off ang ganyan para sa akin.

"Hindi masama Ang ugali ko" seryosong sabi nya habang nakatingin sa akin

"Bakit?may sinabi ba akong masama Ang ugali mo?" Tanong ko.
Tumingin Lang sya ulit sa desk nya.

Naririnig nya ba Yung sinasabi ko? Mind reader ba sya?

Nakita ko ang pagngisi nito ngunit hindi tumingin sa akin. Baka mind reader nga. Cool!

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon