33- talent

974 27 0
                                    

Morri's POV

Intermediate Value Theorem

Hmmmm?

Medyo madali kumpara sa nakaraang lessons. Matapos Ang lesson sa math ay meron pang isang subject which is Biology. At mabiti na lang,wala si ma'am.

Lumingon agad ako sa pwesto ni rus at nag beautiful eyes. Seryoso Lang Itong nakatingin sa akin na parang Ang lalim ng  iniisip.

"May pupuntahan ako" sambit nya habang nakatingin Lang sa akin.

Napaayos ako ng upo at hinarap sya.

"Kailan??

"Saan??

"Paano?"

"Bakit?

"Bakit Hindi mo ako gusto?"

Ngumisi Lang Ito.

"Baka sa Monday Hindi na ako makapasok"

Awww. Bakit? :(((

"Saan ka pupunta?" Tanong ko dito.
Napabuntong hininga Ito ng malalim bago nakasagot.

"May iniuutos Kasi Yung parents ko dun sa Manila"

"Hanggang kailan naman?"

"Hindi ko pa Alam "

"Eh,paano na ako??paano na Tayo?" Malungkot na Sabi ko dito.

"Walang Tayo" nakangiting Sabi nito.

"Huy, grabe ka sa akin" Sabi ko at nakapout pa Ang labi.

" Wala naman Kasi talagang Tayo"

"Edi lagyan mo ng Tayo"Hindi ako nito pinansin bagkus ay nagcellphone na Lang.

Bakit Kasi Hindi nya ako gusto?okay naman ako ah?dahil ba nagmumura ako?masyadong maingay?mapang asar??madaldal??makulit?maganda?mabait sa personal?

Malalim na buntong hininga Ang pinakawalan ko. Ang unfair Lan, bakit Hindi natin makuha Yung mga bagay na gusto natin. Minsan Lang ako magkagusto pero ganito pa nangyari. I know that a person can get what they need instead of what they want,but sometimes,they need to experiece such things to be happy, although we badly need to get what we need but geting what we want is what our hearts desire.

Nagkacrush na din ako dati pero hindi naman ganito kalalim. May Nagkakagusto pero Hindi ko ine-entertain. Lumipas Lang Ang mga oras nang Hindi ako nakikipag usap. Wala rin naman kasing mangyayari Kung makikipag usap ako.

Buti pa itong sila jeru at mizu,dahil sa akin,hindi na sila nagtatago ng  feelings nila para sa crush nila.

Si sari,ayun may boyfriend pa rin.

Si Cali naman,hindi pa nya sinasabi Kay riyu na crush nya Ito pero dahil nga pasmado bibig ko,ay napapasaringna ko ito.

Pero Kung sakali man na magkaboyfriend akoTitigilan ko na nag pagsasabi ng  jowa dahil boyfriend na ang sasabihin ko.

Hindi ko naman sya pinulot sa kung saan Lang para tawaging jowa. Everything takes time,I am aware that  someday I can get what I want,hindi ako nagmamadaling magkaroon ng karelasyon,parang ang saya lang isipin ng thought na may boyfriend kahit alam ko ang consequences.

Nang mag uwian na ay nag ayos Lang ako ng gamit ko at isinukbit ang bag ko. Nakaalis na agad si Rus na parang nagmamadali talaga.

"Mizu sabay na Tayo?"

"Hindi na. Mauna ka na,kasabay ko si jeru eh" nakangiting sagot nya.

Sana all 'di ba??

Mag Isa akong lumabas ng room at tinalunton Ang pababa ng hagdan. Marami akong nakasabay na mga estudyante. Halatang masaya sila sa buhay nila ngayon. Siguro dahil Hindi nila iniisip Yung crush nila. Paano Kaya Kung Wala akong crush ngayon?masaya Kaya ako?

O Kaya Kung may crush nga ako pero crush din ako. Gusto ko Yung feeling ng kina-crushback

"Miss!"naalarma ako sa boses ng lalaki na nasa tabi ko na.Lumayo ako ng  kaunti ngunit sumunod Lang Ito sa akin. Nasa tapat kami ngayon ng  field at naglalakad palabas ng school.
Huminto ako para makausap sya. Baka Kasi may kailangan sya sa akin.

"Kamusta ka na?" Tanong nya na nakangiti pa ng  todong Todo.

Ngumiti din ako. Maganda naman approach nya sa akin dapat ganun din ako sa kanya.

"Ayos Lang naman,bakit??"

Napakamot Ito sa ulo nya at napangiti ng alanganin. 

"Hindi ko pa Alam pangalan mo"

Natawa ako ng  palihim. Hindi ko pa nga pala s'ya kilala. Isang buwan ko na syang nakikita sa school pero Hindi naman madalas. Hindi pa kami nagpapakilala sa isat isa. S'ya 'yung lalaking nakausap ko nung first day.

" Morrie Jane,Morrie na lang"sambit ko at naglahad ng  kamay.

"Archaeus,ark na Lang" nakipagkamay sya sa akin at agad ding binawi. Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nag uusap.

"Okay ka Lang ba sa activity ng school?" Tanong nya.

Hindi.

"Oo naman. "tipid na sagot ko. Natawa Ito sa naging sagot ko.

"Anong rank ka na?"

"3006" nahihiyang Sabi ko. Ang baba eh.

"Ahhh okay Lang 'yan. Galingan mo pa ah. Maraming benefits itong activity na Ito. Trust me"

"Anong rank ka na ba?"

"Rank 9"

Nanlaki Ang Mata ko sa narinig ko. Literal na nanlaki. Paano nangyari Yun?

"Paano mo nagawa 'yun?" Tanong ko dito.

Lumingon sya sa paligid at hinawakan Ang kamay ko. Hinila nya ako papunta sa isang plant box na pwedeng upuan.

"Uhmmm...sabihin na nating magaling talaga ako" proud na sagot nya. Umirap Lang ako dito. Walang kwentang kausap.

"Hoy, wag Kang ganyan,nababasa ko iniisip mo" Sabi nya na nakahawak pa Ang hintuturo sa magkabila nitong sintido.

"Ahh talaga??edi wow"

"Maniwala ka sa akin,baliw" natatawang Sabi nya sa akin.

"Oh sige anong nasa isip ko?"

Napakapangit mo ark.

"Na pangit ako" seryosong sagot nya.

Hala.

Napaharap ako ng maayos sa kanya at hinanda Ang sarili para magtanong 

"Paano mo nagawa?"

"Ang Sabi nila,once na nakapasok ka sa rank 100 magkakaroon ka ng kakaibang talento. Eh sa ngayon,nababasa ko pa Lang ang iniisip ng ibang Tao 'yun pa Lang. Hindi ko Alam Kung ano pa Yung ibang talento na sinasabi nila.

"baka naman may lahi Kang manghuhula"

" meron nga" natatawang sambit n'ya

"Kaya naman pala eh. Baka naloko ka Lang ng mga nagsabi nun" Sabi ko at tumayo na.

Lintek. Scam toh.

"bahala na. Basta naniniwala ako. Galingan mo na Lang para malaman mo Kung totoo talaga" Sabi nya sa akin at tumayo na din.

Naglakad na kami palabas ng school. Nagpaalam na sya sa akin na uuwi na sya at nasa kabilang kalsada pa Ang tatahakin nya para makauwi sa bahay nila.

Ako naman ay tumayo Lang sandali sa harap ng school at nag isip isip.

Parang Hindi naman totoo. Ayokong maniwala,baka umasa ako. Ayoko na ring ipagpatuloy pa Ang pagkakagusto ko Kay Rus,kung talagang gusto nya ako sya na Ang maghabol,charr.

Hindi ko Alam Kung kailan mawawala ang feelings ko para sa kanya. Bahala na si God sa akin at sa journey ko sa buhay.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon