14- Activity # 1

1.1K 29 0
                                    

Shin's POV

"Ayun na " natutuwang Sabi ng mga kagrupo ko. Nandun na rin ang ibang estudyante at pinapasok sa isang napakaliwanang na ilaw. Nang maKarating kami ay pumila na kami para pumasok doon.

"Kumpleto pa ba Tayo?" Nagbibirong tanong ko. Tumingin tingin naman Ang kagrupo namin sa isat isa.

"Ilan ba Tayo?" Tanong ni mizu.

"I think 11" sagot ko.

Nagbilang kami ngunit kinabahan ako nang magkulang.

"10 Lang Tayo. Sinong kulang?!" Sigaw ko na.

"Si..."

"Si Morrie nawawala!" Sigaw ni Cali.

"Shit!"

"Nasaan na sya?" Nag aalalang tanong ni riyu.

"Hindi ko Alam"

"Babalik ako. Bumalik na Kayo roon" utos ko sa Kanila.

"Ako na. Nakabisado ko Ang mga dinaanan natin" presinta ni Rus. Tinitigan ko Lang sya ng sabihin nya iyon. Seryoso Lang Ang tingin nito sa akin,sa amin.

"Sige,bilisan mo ah" Sabi ko naman.
Umalis na si Rus at kami naman ay pumila na rin. Hindi nagtagal ay nakapasok na kami sa liwanag at inilabas kami nito sa room namin. Nakaupo sa Kani kanilang mga upuan.

"Group 1...usap Tayo!" Sigaw ko Kaya lumapit sila sa akin.
Kulang pa rin kami. Yung Iba naming kaklase nandoon na pero may kulang pa rin.

" Hindi nyo ba napansin Kung paano sya nawala?" Tanong ko.
Masyadong nakakapagtaka na biglang nangyari Yun.

"Kanina sumigaw pa sya nung Nakita nya Yung ilaw eh pero after nun Hindi ko na sya narinig" Sabi ni Cali.

Nakayuko Lang Ang iba. Parang nag iisip. Natahimik na lang kami at hinintay na makabalik sila rus. Lumipas pa Ang ilang minuto at Hindi ko Alam Kung anong oras na nang makabalik sila Rus sa mismong harap ng room. Parang bigla Lang silang nagteleport. Nakasalabay sa kanya si Morrie na walang Malay. Nagtinginan lang Ang mga kaklase namin at agad namin silang dinaluhan. Hiniga ni Rus si Morrie sa lapag ng maayos at tinulungan naman namin sya. Naghanda si mizu ng tubig habang Ang iba ay pinaypayan sya. Nakaupo Lang kami sa harap nya pero Hindi naman sobrang lapit para Hindi sya mahirapang huminga.

"Anong nangyari??saan mo sya nakita?" Tanong ko Kay Rus na nakatingin Lang Kay Morrie.

"Sa kaninang pwesto Nung sumigaw sya. Nakasandal sya sa isang puno. Nakapikit na "Sabi nya.

Tumango Lang ako. Halatang naguguluhan din Ang mga kagrupo ko sa nangyari.

"Parang umiyak sya" Sabi ni riyu. Nang tiningnan ko si morrie ay napansin ko ang ibang luha sa pisngi nito. Bakit kaya sya umiyak?

"Dalhin na Kaya natin sya sa clinic?" Tanong ni Cali.

"Hindi na. Panigurado marami na ring nasa clinic" Sabi ni Rus na parang Alam na Alam nya talaga na marami ng Tao roon.

"Ang ganda pala nya" Sabi ni rex.

Seryoso sya doon?

"Yeah" pag sang ayon ni riyu.

Naghintay pa kami ng ilang minuto at Hindi kami nabigo dahil nagising na sya. Kinusot nya ang mga Mata nya na patang napuwing. Pinipilit pikit sya at biglang dumidilat.

"Okay ka na?" Tanong ni sari.

Hindi kaagad sya nakasagot at tumingin Lang sa Amin.

"Anong nangyari?" Tanong nya na Hindi sinagot Ang tanong kanina.

"naiwan ka doon Kaya binalikan ka ni Rus" paliwanag ko. Tumingin naman sya Kay Rus at ngumiti. Seryoso pa rin Ang mukha ni Rus.

Salamat" Sabi nya at tumayo na. Tumayo na din kami at bumalik sa Kani kanilang mga upuan. Dumating bigla si ma'am Kaya manahimik na kami. Tiningnan nya muna Ang buong klase at pumalakpak.

"Ang galing nyo" Sabi nya.

Ha?

"Walang nawala sa inyo bago tuluyang dumilim doon. Sa ibang section may mga nAiwAn pero magiging okay Lang din sila" Sabi nya.

"Ma'am ano po bang nangyari?" Tanong ko.

"Activity iyon. Masaya ba?"

Wala namang masaya dun. Muntik nang may mapahamak sa Amin!

"Opo ma'am!" Sigaw ng Isa Kong kaklase na parang tuwang tuwa talaga sya.

"By next Monday may bagong activity. Sana may natutunan kayong technique habang ginagawa aying activity. Pwede na kayong umuwi" Sabi nya.

"Ma'am maaga pa po" Sabi ko.

Tumawa Lang Ito bago sumagot. "alas tres na. Thank you for your cooperation" Sabi nya at nilisan na Ang room.

Naguluhan kami. May ilang halos Mabaliw kakaisip. May ibang natawa. Naamaze. Naiyak. Tiningnan ko Ang relo ko at Tama nga sya. Alas tres na.

Paano nangyari Yun??halos isang oras Lang kami nandoon. Dapat alas nuebe pa Lang.

Nag sialisan na ang iba kong kaklase habang Ang iba ay nanatili naman. Nagulat ako dahil nagtipon tipon na naman Ang mga kagrupo ko. Parang may gustong pag usapan.

Umupo ako sa bakanteng upuan at tumingin sa kanila.

"They control the time. Hawak nila Ito Kaya nagkaganun. Hindi ko Alam Kung anong nangyari pero....nakakamangha" Sabi ni Morgan.

"Kung paano nag iba Yung setting natin. Kung paano Tayo nakapasok sa isang malaking ilaw. Kung paano maging ganun mabilis Ang oras ay Hindi natin Alam" Sabi ko.

"Sabi mo Rus rank Yung nasa wrist natin di ba?" Tanong ni rix.

Tumango Lang si rus.Tiningnan namin Ang palapulsuhan namin at namangha ako.

Rank 4672

Ang taas ah. Pangtapon.

"Wow  may rank nga..meron din Kayo guys?" Tanong no Morgan na namamangha pa din.

"Yes"

"Oo,Ang galing"

"Rank 4554 ako" Sabi ni morgan.

Mas mataas sya. Paano nangyari Yun??

"Ang ranking ay nakabase sa performance natin Kaya kailangan Hindi lang natin lalagpasan Yung obstacle. Kailangan nating magpakitang gilas" sambit ni Rus. Tumango tango Lang kami.

Ang galing. Paano nila nagagawa Ito.

***

Naglalakad na kami pauwi nang mapag usapan ulit namin Yung nangyari kanina.

"Ang galing Noh??" Sabi ni rix.

"Oo" sagot ko.

"Ang galing ni Rus 'no?" Tanong nya ulit.

"Anong magaling don?!" Inis na tanong ko.

"Nakabisado nya Yung dinaanan natin. Parang Ang dami nyang Alam na Hindi natin Alam Kaya Ang galing nya" paliwanag nya.

"Tama ka dyan" pag sang ayon naman ni rex.

Nakatahimik Lang si riyu.

"Parang kakaiba nga sya" biglang Sabi nya Kaya napatigil kami. "Iba syang tumingin Kay Morrie" seryosong dagdag nya.

"What?!"

"Lah oa ka pre" si rix. Natawa Lang si rex habang ako naman ay sinamaan Lang sila ng tingin.

" nasabi ko Lang Yun dahil ganun Yung napansin ko pero baka ganun Lang sya dahil...sya Lang Yung medyo kaclose ni Rus" paliwanag ni riyu.

Okay?????

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon