Epilogue

1.2K 28 1
                                    

Morri's POV

"Mahal pakibantayan si Zac ah magluluto Lang ako" utos ko Kay markuz na nanonood Lang naman ng TV sa Sala.

"Sige,mahal"

Napangiti ako sa sinagot n'ya sa akin. Two years ago ay kinasal kami ni Markuz. Nakatira kami ngayon sa bahay na pinagawa para sa amin Sana ni Rus. Nang makabalik ako five years ago sa kasalukuyan ay nakatingin pa rin ako sa picture namin ni Rus. Ngunit agad kong naagapan ang mga luha ko para Hindi na kami mag away.

Ang tagal na rin simula noong mamatay si Rus. Six years na rin. Ang daming nangyari sa buhay ko simula nang bumalik ako sa kasalukuyan.
Ang dami Kong natutunan dahil doon. At mas pinili kong pahalagahan ang mga taong magbibigay sa akin ng saya habang nabubuhay ako.

Zac ang ipinangalan namin sa anak namin dahil isinunod ko Ito sa pangalan si Rus.

Rushan Zaccharid.

Zacchaeus Matthew ang whole name nito at isang taong gulang na s'ya ngayon. Yung mga kaibigan ko dati ay mga nagpakasal na din. Si Cali at riyu ay bagong kasal pa Lang at nag honey moon sila sa London. Si sari naman ay nakapangasawa ng isang Japanese international Si Aiki ngayon ay isa ng Madre sa isang church sa Bulacan pero tinapos n'ya ang kursong legal Management. Si rix at rex ay may mga karelasyon na.

Habang kami naman ni Markuz ay masaya na sa piling ng isat Isa. Minsan ay dumadalaw kami sa puntod ni Rus at nagdala ng bulaklak. Nagpapasalamat din kami sa bahay na binigay nya sa akin,sa Amin. Sila mama at papa naman ay nagstay na sa bahay para bantayan sila Lolo at lola.

Nang matapos magluto ay kumain na kami sa isang round table. Buhat buhat mo markuz si Zac habang sinusubuan Ito.

"Magpakasal ulit Tayo" nakangiting sambit ni markuz.

"May pera ka?" Pang aasar ko dito.

"Wala,pagmamahal Lang" Sabi nito at tumawa.

"Sa'yo na pagmamahal mo"

"Eh...I love you"

"I love you too, ikaw maghugas ng pinagkainan natin ah" Sabi ko at kinindatan Ito.

"Sige. Ikaw naman dito Kay zac tapos sundan agad natin s'ya"

"Che!edi sundan mo"

"Joke Lang. Punta tayong academy mamaya"

Tumango lang ako sa kanya. Ang tagal na din simula ng pumunta ako doon. Hindi ko na ginamit ang Isa pang pagkakataon para bumalik sa nakaraan dahil ayoko nang masaktan pa. Kinahapunan ay pumunta kami sa academy. Sinuot namin ang uniform namin dahil kasya pa naman Ito sa Amin. Sinuotan lang namin si Zac ng kaparehong kulay ng sa Amin para magmukha kaming isang pamilya.

Nasa harap na kami ngayon ng school at masaya kong sinariwa ang bawat alaala.

Yung unang pasukan.

Yung nakilala ko si Rus.

Yung mga activities.

Nung grumaduate ako.

At nung bumalik ako sa nakaraan.

Isang malawak na ngiti ang ipinakita ko sa mga dumadaan.

"Dito natin pag aralin si Zac ah" suhestiyon ni markuz.

"Sige ba" sambit ko at naglakad na papunta sa loob ng Riverretus High Academy

Sa ngayon ay nag uumpisa pa Lang Ang bagong yugto ng buhay ko. Marami pang magiging kaganapan sa akin,sa Amin habang lumilipas ang mga araw. Ngunit sa panahong Ito ay tapos na ang aming mga tungkulin sa paaralang Ito. Tapos na ako sa mga misteryong nangyari sa buhay ko

Sa mga kalungkutan.

Sa buhay estudyante.

Magiging masaya na Lang ako sa buhay may asawa habang pinipilit lunukin ang lahat ng sakit na naranasan ko. Napatingin ako sa room namin. Sa upuan ko noong high school pa Lang ako,sa upuan namin ni Rus.

Wala ng tao doon dahil nagsiuwian na ang mga estudyante. Nginitian ko ang Rus na nakita kong nakaupo doon habang nakatingin sa amin.

I love you Morrie, forever

Bumuntong hininga ako at muling ngumiti.

I love you too Rus,forever

Bumaba na kami ng building ni markuz at tiningnan pa ang buong school.

"Ang daming memories 'no?" Tanong nito.

"Oo ang dami. Kasing dami ng pagmamahal ko sa'yo"

"Mahal mo na talaga ako ah. Buti naman"

"Malamang ikaw na ang Mahal ko ngayon" Sabi ko at hinalikan Ito.

"Kung Hindi namatay si Rus dahil sa cancer,dapat Sana naamin ko na..."

"Na?" Tanong ko dito.

"Gusto ko s'ya" Sabi ni markuz at tumawa.

"Baliw"

Binuhat nya si Zac at hinalikan sa labi. Hinalikan nya din ako at masaya kaming lumabas sa academy. Sa lugar Kung saan nag umpisa Ang lahat

Sa lugar na tatapos din sa lahat.

.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon