61- steps

796 16 0
                                    

Morri's POV

Nilapag nya ang isang tray na may lamang chicken with spaghetti. Drinks,sundae, at fries.

"Ang dami naman n'yan" reklamo ko. Sya kasi ang nagbayad kahit may pera naman ako. Nag Aya Lang ako dito pero wala akong balak na magpalibre kahit na nililigawan n'ya ako.

Dapat patas Lang kaya sa susunod ako na talaga Ang magbabayad.

"Isipin mo na Lang na 'yan Yung pagkagusto mo sa akin" nakangising Sabi nito.

"Lol. Ang kapal mo ah"

"Bakit?Hindi ba?"

"Slight Lang" Sabi ko at tumawa. Nag umpisa na kaming kumain at magkwentuhan.

"May joke ako sa'yo" panimula n'ya.

"Wait,nakakatawa ba 'yan?" Tanong ko dito Kaya natawa s'ya.

Wala pa nga eh tawa agad??

"Nakakaiyak Ito humanda ka na" pagbibiro nya.

"Sige,go"

"Joke joke joke" bibong Sabi n'ya kaya natigil ako sa pagsubo ng ice cream ko.

Seryoso ba s'ya??grabe Hindi man Lang ako natawa.

"Haha"

Napakamot naman sya ng ulo Kaya ako na nag nagsalita.

"Anong apelyido ni Shawn?"

Umayos Ito ng upo at sumagot.

"Ano?"

"Naol" sagot ko at tumawa ng malakas.

Natawa sya pero nakataas ang isang kilay.

"Paano 'yun?" Tanong nya.

"Shawn Naol" Sabi ko at tumawa ulit. Natawa lang Ito.

"Gan'yanKasi magjoke. Wala Kang kwenta magjoke eh. Nakakadepress lang"

"Pasensya na. Hindi ako magaling sa jokes eh" sagot nya.

"Okay Lang. Oh Ito pa Isa..." Sabi ko at nag isip ng joke.

"Sige ano 'yun?" Nakangiting tanong nito na medyo nakatanghod pa sa akin.

"Bakit takot si number 6 Kay number 7?"

Nag isip Ito sandali bago sumagot.

"Kasi mas malaki sya?" Seryosong tanong nito.

" tama"

"Joke 'yun?"

"Oo" natatawang sagot ko

"Hindi naman nakakatawa eh"seryosong Sabi n'ya Kaya napakunot Ang noo ko.

"Ang kj mo naman"

Natawa Lang Ito. Matapos nun ay tinapos namin ang pagkain at dumiretso sa quantum. Maraming mga teenagers dito Kaya mas pinili naming dito mag laro.

"Ako sa mga tokens ngayon para patas" Sabi ko na naglabas na ng pera sa wallet at pinapalitan agad Ito sa counter ng token. Hindi na Ito umimik at hinintay na Lang na bigyan ako ng tokens.

"Dapat marami tayong makuhang tickets para makuha natin 'yung malaking teddy bear na 'yun" Sabi ko sabay turo sa pinakamalaking bear na nakalagay sa estante malapit sa counter.

"6000 tickets Yung kailangan d'yan ah" parang gusto n'yang umatras sa sinabi ko.

"Kaya nga,mas okay na 'yan kesa naman bumili' ka pa ng bago tapos ibibigay mo Lang sa akin"

"Wow sure ka ba na bibigyan Kita?" Pagsusubok nya sa akin.

Inirapan ko Lang Ito.

Minsan pilosopo. Minsan seryoso. Sa totoo Lang medyo naiinis na ako sa kanya. Manliligaw daw pero hindi naman sweet ,kapag ako nanligaw dito baka mamatay sya sa kilig.

"biro Lang. " Sabi nito at hinila na ako papunta sa may larong basketball.

"Hindi ako marunong N'yan" reklamo ko dito na balak na sanang pumunta sa ibang palaruan.

"Masaya Ito" Sabi nya at nagwink sa akin.

S'ya na ang naghulog ng tokens para sa akin at nag umpisa na kaming magshoot. Sa mga unang bola ay hindi ko man Lang Ito nashushoot Kaya inaasar n'ya ako.

"Ano ba 'yan?duling ka ba?shoot mo 'yung bola" Sabi n'ya habang nagshushoot ng bola sa ring nya.

"Kapag duling dalawa paningin engot" inis na Sabi ko dito. At magshoot na. Sa wakas nakashoot na ako!!!

"Ang kyut mo pala kapag naiinis" mas lalong bumilis ang paggalaw ng Ring namin Kaya Hindi ko na s'ya nasagot. Nakikita ko Lang sya sa peripheral vision ko na minsa'y tumitingin sa akin at biglang ngingiti.

Tsss. Nagandahan ka na naman?

"Maganda ka Kasi Morrie" Sabi nya habang nagshushoot pa din.

"Alam ko. Kaya nga nagustuhan mo ako 'di ba?" Nakangiting Sabi ko habang tutok ang atensyon sa nilalaro.

" may sasabihin ako sayo mamaya..." Sabi nito at magseryoso na sa nilalaro.

Sasabihin n'yang mahal na mahal nya ako. Magpapakasal kami sa isang napakagandang simbahan,magkakaroon kami ng limang anak,haha,Okay sige.

"Ang advance mo mag isip"

"Eh?nababasa mo ba iniisip ko?"

"Hindi"

Tinapos namin ang laro at pumunta naman sa ibang games. Mukhang imposible nga Ang makakuha kami ng 6000 tickets ngayong araw.

Umupo kami sa isang upuan na nasa isang games.

"Next time na Lang ulit. Promise kukunin natin 'yung teddy bear" sambit nito na ginulo pa ang buhok ko.

"Sige,pagod na  ako eh. Pero Hindi ako napapagod na mahalin ka"

"Mahal agad?"

"Oo. Nag I love you ka na nga sa akin eh bigla mo Lang binawi"

"Gusto ko Kasi na mas makilala mo pa ako"

"Okay sige. Kikilalanin Kita. Magkwento ka na" sambit ko na ang tinutukoy ay ang sinabi n'ya kanina.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng quantum. Dumiretso kami sa food court at matapos nun ay iniwan nya ako sandali para bumili ng ice cream.

Pagkabalik n'ya ay nakangiti Lang Ito habang hawak Ang Hershey's flavoured ice cream na kinse pesos ang Isa.

"Para sa'yo"

"Ang Laban na 'to" dugtong ko Kaya natawa s'ya.

Pinagtitinginan sya ng ibang tao dahil na rin sa pisikal nitong anyo. Matangkad na medyo payat pero ayos Lang naman. Yung Korean style ng hair nya na nakabagsak Lang. Matangos na ilong,maputi  at medyo seryosong mukha.

In short pogi sya pero misteryoso.

"Magkwento ka na" Sabi ko habang dinidilaan Yung ice cream. Nakatingin Lang sya sa akin habang ginagawa iyon.

"Siguro dahil sa mga lines mo Kaya ako nahulog sa'yo. Ikaw Lang Kasi 'yung babaeng nakilala ko na iba ang daldal"

"Ah,share mo Lang?" Natatawang Sabi ko dito.

"Oo"

"'yun Lang?"

"Yes"

"Wow. Ang ngaleng"

"Ang kyut mo"natatawa na namang Sabi n'ya

"I know. Ako naman Ang magkukwento"....."Sabi ni mizu may transferee pero Sabi ko Wala akong pakialam"

"Pero ayun nung kinausap Kita ang cold mo para Kang yelo"

"Baliw"

"Baliw sa'yo nga Lang"

"Tapos ayun, bumabanat ako ng lines sa'yo. Hindi ko namalayan gusto na pala Kita kiligin ka,please" Sabi ko at tumawa ng malakas.

"Hindi pa Tayo mag on di ba?Kaya ayun. Gaya ng sinabi ko kikilalanin muna Kita"

"Sige"Sabi nito habang nakangiti.

"I do" humagalpak ako ng tawa at Hindi pinakailaman ang maaaring sabihin ng iba.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon