78- Students day

746 18 0
                                    

Shin's POV

"Markuz papasok na ako sa kwarto ikaw na bahala d'yan" pag uutos sa akin ni mama. Tumango Lang ako at tumingin na sa mga kaklase kong naglalaro. Ang Saya pala ng ganito. Sama sama kayong magkakatropa. Nasa monoblock chair kami nakaupo kasama si rix,rex,riyu,Rus at Morgan. Nasa couch naman 'yung mga girls.
Mataas ang pagtingin ko sa mga babae Kaya mas inuuna ko sila palagi. Kahit sa activities kapakanan muna nila ang iniisip ko.

"Oh sayo na tumapat Sari"

"Okay. What now?"

"Truth or Dare?"

"Uhmmm...truth na Lang" sagot ni sari.

"Sino crush mo sa ngayon?" Tanong ni Morrie Kaya napatingin kami sa kan'ya. Tahimik kaming naghihintay ng maisasagot n'ya sa amin.

"Pwede bang clue na Lang?" Tanong nya.

"Okay " sagot ni riyu.

"Uhmmm...he's also a Grade 11 student"

"'yun na 'yon?" Tanong ni rex.

"Yes". Natawa sila sa naging sagot ni sari. Kung tutuusin ay Wala s'ya halos naisagot sa pinakatanong ni Morrie.
Inikot pa ang malaking bote at tumapat Ito Kay Morrie.

"Truth or Dare?" Tanong ni mizu.

"Dare na Lang" excited na sagot nito.

"Batukan mo si shin" suhestiyon ni Cali Kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw" natatawang sagot ni Morrie at walang pakundangan akong binatukan.

"Ang sakit nun ah" reklamo ko dito.

"sorry" sagot nito

"Oh next na next na" sambit ni Morgan na kinalampag pa ang bote.

"Mizu,ikaw na"

"Truth na Lang" tipid na Sabi nito.

"Are you okay?" Tanong ni Morrie kaya naman tiningnan ko ang reaksyon ni mizu. Mukha naman s'yang okay eh.

"Yes and No"

"Bakit?"

"Isang tanong Lang" Sabi nito at tumawa. Wala na kaming nagawa Kaya inikot na Lang muli Ang bote.

"Shin, ikaw na"

"Truth or Dare?"

"Dare"

Baka Kasi kapag sinabi kong truth itanong nila kung Sino Yung gusto ko eh.

"Uhmmm...sabihin mo ' I love you" utos ni aiki.

"Bakit iyan?"

"Basta" sagot nito.

Bumuntong hininga ako at nagsalita.

"I love you"

"I love you too" sagot ni aiki Kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya. Kumabog ang puso ko at nakaramdam ako ng hiya.

"Huy aiki" paniniko ni Cali sa kanya.

"Joke Lang Yun mga baliw" sagot ni Aiki Kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hays. Akala ko totoo na eh!

Nang matapos ang laro ay napagpasyahan na nilang umuwi. Hinatid ko Lang sila sa guard house at pagkatapos ay nagpaalam na.

"Bye na"

"Bye!"

"Paalam"

"Bukas ulit. Magpapogi kayo ah!" Sigaw ni aiki.

Bumalik ako sa bahay at nagpahinga na. Inisip kong magpagupit para bukas ngunit wala na akong sapat na oras para doon. Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag ayos ng sarili. Sinuot ko Ang uniform ko at nag spray ng pabango. Isinuot ko ang mamahalin kong relo at nilagyan ng gel ang buhok. Sinigurado Kong gwapo ako bago pumasok dahil may pinag usapan kami ni Mel. Hays. No choice talaga ako sa kan'ya.

Nang pumasok ako ng room ay nakahanda na ang lahat para doon. May ibang nagpa straight ng buhok. May nagpakulot. May nag make up pa. At Yung iba ay simple Lang. Nang tingnan ko si Mel ay namangha ako sa hitsura nya. Ang simple nyang tingnan sa light make up n'ya. Naka braid Ang straight nyang buhok sa gilid at may suot na hikaw. Hindi nakaligtas sa akin ang malarosas syang labi at ang malawak n'yang ngiti.

"Pogi mo naman" pambabati nito.

"Sabi mo magpapogi eh"

"Eh??pogi ka na ah"

"Maganda ka na rin nagpaganda ka pa"

"For you" Sabi nito. 

Alas nuebe daw ang start ng program. Mauuna ang recognition bago ang mismong party. Nakasuot ng magandang dress Ang mga teachers namin. May ibang napakaformal tingnan. Pinapila ko ang buong section at pumunta sa court. Nandoon na rin ang ibang Senior high school students.

"Good morning Riverrian" sambit ni sir Zea

"Good morning sir Zea"

"As  the introduction of the Students day,may we call the winner of the Activities being provided by our school. Ms. Morrie Jane Reyes"

Nagpalakpakan ang mga estudyante at nakita ko namang naglalakad na  paakyat ng stage si Morrie. Tinanggap nya ang isang badge. Certificate at marami pang iba. Nang matapos iyon ay nagpatugtog na Ang DJ ng school na sinasabayan ng emcee ng program. Gaya ng sinabi ay may sayawan,kainan,kantahan at kung ano ano pa. Nang sumayaw kami ni Mel ay Hindi ako nailang dahil marami naman tao sa tabi namin. Sila rix naman ay halatang naiilang sa mga kapartner nila.

"You're beautiful" nakangiting sambit ko Kay Mel.

"Salamat"

"Thank you sa pagpayag ah"

"You're welcome. Ganun talaga pag no choice" Sabi nito at tumawa. Tinawanan ko Lang Ito kahit Alam Kong labag ito sa loob n'ya. Iba ang nakakuha ng best couple awards Kaya ayos Lang Ito sa akin. Nang matapos ang program ay hinalikan ko sa pisngi si Mel bilang pasasalamat. Nagulat Ito at namula ang kanyang pisngi.

"Thank you. Nag enjoy ako"

"Uhmmm...w-wala Yun" sambit nito at naglakad na papunta sa room. Matapos Kasi nito ay uwian na. Makakapagpahinga na kami at Wala ng ibang iisipin Kung hindi ang mag aral na Lang.

Excited na akong makagraduate sa school na Ito. Excited na akong magcollege at magkatrabaho. Excited na akong makilala 'yung the one ko.

Sana meron. 

"Huy tawag ka ni Morrie!" Sigaw ni riyu sa akin habang naglalakad kami papunta sa room.

Bakit Kaya?

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon