84- problem

761 15 0
                                    

Morri's POV

"Hala,ang galing!"

Nakatingin ako ngayon sa blueprint na ipinakita sa akin ni Rus. Nasa coffee shop kami ngayon dahil na rin sa kailangan ko ng wifi. May wifi na sa bahay na binili ni mama a day after nilang umuwi. Kakagaling ko Lang sa school at dumiretso agad ako dito para kitain si Rus.

"So sa isang vacant lot ito itatayo mga 500 kilometers ang layo Mula sa bahay nyo. After ng construction pwedeng doon na Tayo Tumira kung papayag ka...pati na ang parents mo pero kung Hindi, pwede naman hayaan na walang Tao dun for how many years" pagpapaliwanag nito.

"Hala s'ya,sure ka na ba sa akin?" Natatawang tanong ko dito. Baka Kasi biglang magbago ang isip nya at marealize na iba pala ang Mahal nya.

"Oo naman. Kung pwede nga Lang na buntisin ka eh gagawin ko na para masigurado ko na sa'kin ka na babagsak."

Nagulat ako sa sinabi nito. Kahit minsan ay Hindi namin napag usapan ang ganyang bagay.

"Ang bilis mo ah. Magtatapos muna ako"

"Biro Lang naman. Sige na nagsearch ka na hangga't may wifi pa"

Agad Kong sinearch ang isang assignment about accounting principles. Matapos nun ay nagsagot na din ako sa workbook ko. Kailangan ko kasing alamin Yung mga techniques Kung paano sagutan.

"Tara na" pang aaya ko dito.

Hinatid n'ya ako pauwi sa bahay namin at doon na rin sya kumain ng hapunan. Matapos nun ay bumalik na sya sa Manila. Lumipas pa ang isang taon at ito na ang  fourth year anniversary namin. Twenty years old na ako habang sya naman ay thirty na.

"Oh paano ba 'yan?Wala bang pakain d'yan?" Tanong ni rix sa akin habang nakatambay kami sa isang court na malapit sa academy. Walang pasok ngayon Kaya naman napagpasyahan naming na manatili na Lang dito. Pamaya Maya ay darating na si rus Kaya naman naeexcite na ako.

"Ang yaman yaman n'yo eh,dapat ikaw ang magpakain" sabat ko dito.

"Oh bakit?ako ba Ang may birthday?"

"Bakit din?sinabi ko bang papakainin ko kayo?"

Maya Maya pa ay nakita kong papalapit na sa amin si Rus. May dala itong plastic ng mcdo. Three years ago ay kinuwento na namin nila Rus at shin Ang nangyari sa mga nagdaang activities. Nagulat sila Lalo na nang malaman nilang sampung taon ang agwat ng edad namin kay Rus ngunit Hindi naman na nila Ito pinakailaman pa bagkus ay naging masaya na Lang para sa amin.

"Let's eat"Sabi nito habang nakataas ang isang plastic na hawak nito.

"Wow,iba  talaga 'pag engineer" namamanghang sambit ni Cali.

Nang matapos kumain ay magkwentuhan Lang kami sa mga bagay bagay. Napansin ko na medyo tahimik si Rus habang Nasa tabi ko Kaya kinausap ko Ito.

"Okay ka Lang,love?"

Bumalik Ito sa wisyo at ngumiti sa akin.

"Oo naman"

"Ako Hindi eh"nagpout ako matapos Kong sabihin iyon.

"Bakit naman?"

"Kasi walang nakatira doon sa bahay na pinagawa mo.."

Natapos na Kasi ang bahay na pinagawa nya isang buwan na ang nakalipas. Nang bisitahin namin Ito ay namangha ako dahil sa ganda ng pagkakadisenyo at sa ganda na din ng mga gamit doon. Halos kumpleto na Ang lahat,kami na lang ang kulang.

"Ayos Lang,kaya ko naman maghintay"

"Ano ba 'yan Rus kinikilig ako" natatawang Sabi ko dito.

"Hoy,Ang dami ng langgam tumigil na kayo" seryosong Sabi ni shin.

"Wag kang epal. Wala ka Lang girlfriend eh" asar ko dito.

"Eh syempre may boyfriend na 'yung gusto n'yang maging girlfriend" pang aasar ni riyu Kaya natahimik kami. Seryoso na ang tingin ngayon ni Rus sa harapan namin.

"Joke Lang"

Awkward ang naging pagtawa ni Rus. Alam nya Kasi ang tinutukoy ni shin. Bakit ba Kasi hindi na lang maghanap ng iba si Shin??Gaya na Lang ni Aiki??si Sari?

Baka lalaki ang gusto nya...

"Hello...love?nasaan ka na?bakit Hindi ka na pumupunta sa bahay namin?" Tanong ko sa kanya na nasa kabilang linya Lang. Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga.

"Pasensya na Morrie,masama Kasi 'yung pakiramdam ko eh..."

"Gusto mong pumunta ako d'yan?"

"Wag!Kaya ko na..."nanghihina nitong sagot.

"Basta magpahinga ka Lang ah,magkita tayo sa Monday ako na pupunta d'yan sa condo mo"

"Sige love" pinutol na nito ang linya Kaya nahiga na Lang ako sa Kama ko. Nitong mga nakaraang araw Kasi ay Hindi na s'ya nakakapunta dito sa bahay. Kahit ang pagpunta sa school ay Hindi na n'ya magawa. Ngayon ko Lang din nalaman na may sakit pala s'ya at kahit gusto Kong pumunta ay Hindi n'ya naman ako pinayagan.
Napatitig ako sa kisame ng bahay at muli na namang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko. Ayokong mangyari ulit iyon.

Gusto ko na s'ya na ang makasama ko habang buhay Kaya hangga't maaari gusto ko s'yang protektahan Kakagaling ko Lang sa school at pinuntahan ko sya sa condo n'ya. Nag-bus Lang ako papunta dito. Ang Sabi nya naman ay nandito Lang s'ya Kaya naman dumiretso na ako.
Pagkabukas ko ng unit nya ay tumambad sa akin Ang malinis n'yang condo. Gaya ng dati ay napaka-organize n'ya sa mga gamit nya.

"Pasok ka" pilit ngiting sambit nito. Umupo ako sa couch nya habang s'ya naman ay kumuha ng pagkain sa ref nito. Bumalik sya at may hawak na pizza at ice cream sa kamay. Nilapag nya Ito sa table at umupo sa harap ko.
Sa isang couch Kasi ako nakaupo imbes na doon sa mahaba.

"Okay ka na?" Tanong ko dito.

"Hindi na ako magiging okay..." Nakayukong sagot nya.

Tumayo ako at umupo sa harap nito. Nakayuko pa rin s'ya at nakabagsak ang buhok hanggang sa noo nito. Itiningala ko ang mukha n'ya at tinanong.

"Bakit love?may problema ba sa company n'yo?" Tanong ko dito.

Umiling Ito at napapikit ng mariin. Bigla pa ay tumulo na nag mga luha sa kanyang mga Mata.

"May tumor ako sa utak" naiiyak na Sabi nito.

Kumabog ng mabilis ang puso ko.

Hindi pwede...

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon