41- solved

870 39 2
                                    

Morri's POV

Lumapit sya sa akin na may pagtataka sa mga Mata.

"Bakit?"

"Namiss kita" nakangiting Sabi ko dito. Nanlaki Ang mga Mata n'ya sa sinabi ko Kaya naman binawi ko agad Ito.

"Joke Lang. Samahan mo na ako" Sabi ko at hinila ang braso nya. Lumabas kami ng room dahil may aalamin akong mga bagay bagay.

"Hala si president at vice President magkahawak kamay!" Rinig kong sigaw ni Morgan. Nagsitinginan sa amin Ang mga kaklase ko Kaya pumasok agad ako ng room at sinabihan Ito.

"May pinapagawa Lang sa amin 'yung ibang teacher. Guys wag kayong maingay ah. Babalik kami agad" sambit ko at lumabas na ulit ng room. Naghihintay naman si shin doon na parang timang.

"Anong gagawin natin?" Tanong nya.

Hindi ko muna Ito sinagot bagkus ay naglakad kami pababa ng hagdan. Hindi na din sya nagsalita. Nang nakababa kami ay saka ko Lang Ito sinagot.

"Nung pangalawang activity natin,may biglang humila sa paa ko Kaya muntik na akong malunod" huminto sya sa paglalakad Kaya huminto din ako. Humarap sya sa akin at tiningnan ako sa mga Mata.

"Buti Hindi ka nalunod"

"Syempre Hindi ako papayag na malunod ako,'noh?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nagpatuloy naman ako sa pagkukuwento.

"Nakita ko 'yung humila sa akin at tandang tanda ko pa rin 'yung hitsura nya. Pero Hindi 'yun Ang pakay ko ngayon. Gusto Kong malaman Kung ano Yung nangyayari sa mga estudyanteng Hindi nakakalampas sa mg obstacle sa activity"

"Ahh" maikling sambit nya.

"Nagtitipid ka?" Pagbibiro ko dito.

"Hindi naman. May iniisip Lang ako"

"Wow Sana all may isip". Tumawa Lang Ito.

Nagmasid kami sa buong lugar at napansin namin na walang masyadong estudyante dito Kaya pumunta kami sa bandang dulo ng school. Sa may bandang mini forest.
Umupo kami sa isang upuan na katabi ng puno at pinagmasdan Ang mga estudyante roon.  Halos katabi Lang nito ang isang food court kaya medyo maraming estudyante. Ibang grade level na Ang nandito Kaya may ibang magla-lunch pa Lang. Napansin ko Ang isang grupo ng mga kababaihan na Nasa grade 10 pa Lang. Nalaman ko Ito batay sa kulay NG ID lace nila.

"Huy. Ang seryoso mo naman"

"Oo nga. Masakit ba ngipin mo?"

"Hindi. Baka nagbreak sila ng boyfriend n'ya"

"Hindi kami nagbreak. Hindi rin masakit Ang ngipin ko. Talagang tinatamad Lang akong makipag usap"sagot ng  babaeng tinatanong nila.

"Pero in fairness ah. Ang active mo na sa mga recitation"

"Gan'yan ba talaga kapag Hindi nakalagpas sa activity?" Tanong ng isang babae Kaya naman siniko ko si shin at nginuso sa kanya Ang pinapakinggan ko.

"Pakinggan mo 'yung pinag uusapan nila" bulong ko sa kanya. Tahimik Lang Ito habang nakikinig. Ako naman ay medyo nakatingin sa mga nag uusap.


"Hindi naman. Nanghihinayang nga ako dahil Hindi na ako kasali doon pero ayos Lang. Atleast makakapagfocus na ako sa mga lessons" sambit ng  babae.

"Ahh. Hayaan mo magpapahuli din kami sa mga bitag para sama Sama na Tayo"

"Ikaw na Lang. Gusto ko pang lumaban. Ang Saya Kaya" Sabi nito at nagtawanan na sila.

Lumipat kami ng ibang pwesto para pag usapan Ang narinig kanina.

"Narinig mo lahat?" Tanong ko dito.

"Hindi eh. Yung kalahati Lang"

"Ang Sabi ay mas nakakapag focus na sila sa pag aaral dahil tanggal na sila sa activity"

"Edi mabuti. Parang gusto ko na Lang din na magpatalo"  excited na Sabi nito.

"Wag. Kailangan nating manalo" Sabi ko at nag wink dito.  

Matapos nun ay bumalik na kami sa room. Wala pang tatlumpung minuto Ang itinagal namin doon at may napala naman kami sa paglabas namin. Pagkabalik namin ay may nagbabatuhan ng mga papel at Ang iba  naman ay sapatos na Ang ibinabato. May ibang tumigil nang pumasok kami. Ang karamihan ay nagpatuloy Lang sa ginagawa.

Umupo ako sa upuan ko at nilabas ang cellphone ko. Pinagpatuloy ko na ang pag-a-add sa mga kaklase ko sa facebook. Nang matapos iyon ay nag scroll na Lang ako sa account ko. Nagshare din ako ng  mga memes at quotes.

"Ang baho ng sapatos mo pre. Amoy daga!" Sigaw ni John sabay bato ng sapatos Kay Morgan.

Lunes ngayon pero walang activity dahil sa awarding. Tinitigan ko Ang uniform ko na nakasiksik Lang sa bag ko.

Bukas mayayakap mo na ako

Busy ako sa pagsecellphone nang lumapit sa akin si sari. Umupo sya sa harap ko dahil Wala namang nakaupo doon. Naglalaro pa Kasi si Mel.

"Morrie" malungkot na Sabi nya. Tinitigan ko Ang mukha nya at mukhang Alam ko na ang problema nya.

"Okay Lang 'yan. Wag kang malungkot. Marami pa namang lalaki dyan eh. Sabi ko Kasi sayo Wala namang forever chinachat mo pa rin" natawa ako sa huli Kong sinabi. Sinamaan naman ako ng tingin ni sari.

"Bakit Alam mo agad?" Tanong nya.

"Nararamdaman ko eh. Saka Hindi ka naman Basta Basta lumalapit sa akin. Wala naman akong ibang Alam sa'yo bukod sa pangalan mo at Yung boyfriend mo" paliwanag ko. Nag umpisang mangilid Ang mga luha nya Kaya lumapit ako dito at niyakap Ito. Napansin din ako ng  iba Kong kaklase Kaya nakiusyoso sila.

"Wag ka ng umiyak" sinserong Sabi ko habang hinahagod Ang likod nya.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni aiki na lumapit pa sa akin.

"Natatae sya. Sarado Yung cr Kaya Eto,umiiyak"

Humiwalay agad sa akin si sari at hinampas ako.

"Wag kang maniniwala d'yan aiki,epal na naman 'yan eh" Sabi nito habang lumuluha pa din.

Niyakap ko ulit Ito ng mahigpit hanggang sa Hindi na sya nakahinga at tuluyan ng namatay. Charr!!

"Jowa problem" Sabi ko Kay aiki. Tumango Lang Ito at nakiyakap na din sa Amin.

Lah. Feeling close. Haha lol.

"Okay Lang 'yan sari. Isipin mo na Lang na walang Permanente sa mundo,may umaalis at may darating. Kung Hindi mo sya nakikita bilang asawa mo in the future mas okay na din Ang maghiwalay Kayo..."

Napangiti ako sa sinabi ni aiki. Wala syang karanasan sa pag ibig pero ang dami nyang payo Kay sari. Matapos ng madrama naming pag uusap ay nag usap usap naman kami about sa Kung saan saan Lang para mapatawa namin si sari. Alam Kong kahit ngumingiti sya ngayon ay magiging malungkot pa din Ito kapag nag iisa na.

Isa 'yan sa dahilan Kung bakit ayaw kong magkaroon ng boyfriend. Parang  uhaw Lang ako sa karelasyon pero Ang habol ko Lang naman ay Ang crushback at Ang feeling ng may nag aadmire sa akin.

Sabi ko naman Kasi Kay sari na walang forever Hindi pa nakinig sa akin,'yan tuloy.



Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon