74- Truth

733 18 0
                                    

Shin's POV

Kahit kailan talaga ay taratitat itong si Sammy. Masyadong pala away ang Boses n'ya kaya naman hindi na ako magtataka Kung may kaaway Ito ngayon. Nakipagpalit ako Kay Morrie ng pwesto at sinilip ang nag uusap. Kusang nanlaki ang mga Mata ko nang makita ang kausap ni Sammy.

Si Rus!

Bakit n'ya kasama si Sammy?

Bakit nag aaway sila?

Paano sila nagkakilala?

Paano??

Bakit?

Unti unti akong napaatras at hinarap si Morrie. Inaya ko s'yang umalis na Lang ngunit nagpumilit itong pakinggan Ang pinag uusapan nila. Wala na akong nagawa nang tuluyan syang naglakad papalapit kila Sammy. Alam Kong nabigla dun sya ng makita si Rus Kaya tumigil Ito.

Morri's POV

"Uhmmm...Rus...anong meron?" Mahinahong tanong ni Morrie Kay Rus. Napalunok ng laway si Rus at halatang kinakabahan Ito.

"Wala naman" nakangiting sagot n'ya.

"Anong Wala?aminin mo na!" Sigaw ni Sammy Kaya napakunot ang noo ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay at tiningnan si Rus.

"Aminin Ang alin?" Tanong ko dito.

Lumapit sa akin si Rus. "uwi na tayo hatid Kita" nakangiting Sabi nito at hinawakan ang braso ko ngunit binawi ko Ito.

"Alin ba ang aaminin mo?" Pangungulit ko dito.

"Wala Lang 'yun" nakayukong sambit n'ya.

"Morrie. Sya 'yung lumunod sa'yo sa dagat. " Sabat ni Sammy Kaya natigilan ako. Lumayo ako ng unti Kay Rus at inisip ang sinabi.

Lumunod sa dagat??imposible,babae 'yung lumunod sa akin.

"Babae 'yung humila sa akin at ikaw 'yun" matigas na Sabi ko dito.

"Ginamit n'ya ang katawan ko para lunurin ka"

"Samantha!" Sigaw ni Rus.

Mas lalong naguluhan Ang isip ko. Paanong nangyari 'yun?

"Paano n'ya magagamit ang katawan mo?" Naguguluhang tanong ko dito. Naalala ko na nag iba nga ang imahe ni Sammy noon ngunit hindi ko namukhaan Kung Sino. Basta ang Alam ko Lang ay lalaki s'ya.

"May ginagamit kaming SQR code para magawa ang bagay na gusto namin"

Tiningnan ko si rus na nakayuko Lang sa harap ko.

"Totoo ba?" Tanong ko Kay Rus. Napatingin s'ya sa akin at nakita ko ang nangingilid nyang mga luha sa Mata.

"Oo. Pero tinutulungan Kita Morrie"

"Ha?sa paanong paraan?"

"Ako 'yung sumagip sayo Nung muntik ka ng malunod sa aquarium---"

"Babae ang tumulong sa akin"

"Ako 'yun,ginamit ko ang imahe ni...Samantha...para gawin 'yun"

Napabuntong hininga ako sa narinig.

Tapos?

"Ako 'yung tumulong sayo nung sasaksakin ka ni Samantha sa labanan"

"Ikaw pala 'yung traydor" natatawang Sabi ko dito. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi n'ya.

"And idadagdag ko na rin na ako 'yung nakausap mo Nung time na may magsusuicide sa building" sambit ni Sammy Kaya napatingin ako sa kanya.

"I can hear your thoughts" mahinang sambit ni Rus kaya naman napatingin akong muli sa kanya.

"Huh?"

"Simula nung pumasok ako. Naririnig ko na 'yung inner thoughts mo..."

Nanatili akong tahimik. Kaya pala parang tugma palagi 'yung sinasabi n'ya sa sinabi ko. Siguro dahil 'yun sa SQR code na sinasabi nila.

"Okay?"

"Hindi ka galit?" Tanong ni Rus sa akin.

"Bakit mo nga pala ginagawa 'yun??for a purpose din ba?" Tanong ko dito.

"Yes. For us to know who will be the winner...we need to give many obstacles in every student as the activity proceeds..."

"Okay"

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"Uwi na Tayo. Hatid mo ako ah" nakangiting Sabi ko dito. Tumalikod na ako at nakita ko si shin na nakatingin Lang sa mga kamay namin na magkahawak. 

"Wait!!Hindi ka man Lang magagalit?!" Inis na tanong ni Sammy kaya lumingon ako sa kanya.

"Why would I?" Matatas na English na tanong ko.

Akala mo ikaw Lang marunong mag English?haha.

"Baliw ka talaga" natatawang bulong ni rus. Naririnig n'ya nga pala ang inner thoughts ko.

"He's 26 years old Morrie. Are you gonna date someone who's more than 10 years older than you?" Nakataas ang isang kilay ni Sammy nang sabihin iyon. Agad akong napabitaw sa kamay ni Rus at tiningnan Ito.

Matanda?26 years old?saan Banda?

Lumapit si Sammy Kay Rus at may hinila sa batok nito. Agad na nagliwanag ang mukha ni Rus at nag iba ang ayos ng buhok. Mula sa nakabagsak nitong Korean style hair ay nakataas na Ito na parang naka gel at may salamin na. Pinagmasdan ko Ito at sinuri.

Nanlaki Ang mga may ko nang maalala ang isang pamilyar na mukha.

"Kuya Arvin?" Nakakunot ang noo ko habang sinasabi Ito. Umatras ako at pinantayan si shin na nakita kong nakatingin Lang Kay Rus.

"Sorry" sambit nito Kaya naman nanlambot ang tuhod ko. Ang kaninang namamanghang pakiramdam ay biglang naglaho at napalitan ng pagkalumo.

"Paano?" Tanong ko dito. May tinanggal din si Sammy sa batok n'ya at nag iba Ang hitsura nito.

"Sammy, ikaw ba 'yan?" Tanong ni shin.

"Yes shin. Parehas kaming engineer sa isang company sa manila. Head engineer namin s'ya at matagal na kaming magkakilala"

Hindi pwede Ito. Gusto ko sya,Alam nya iyon pero bakit s'ya nagsinungaling sa akin??Unti unting nagbadya ang mga luha sa mga Mata ko Kaya lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Morrie ...sorry. Ayoko lang na madisappoint ka pag nalaman mo"

"Pwes, Nadisappoint ako dahil nagsinungaling ka sa akin" Sabi ko at hinila si shin palayo sa kanila. Tumulo na ang mga luha ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman.
Dapat nagsabi sya ng totoo,maiintindihan ko naman eh.

"Morrie!" Rinig kong sigaw n'ya ngunit Hindi ko Ito pinansin. Tumakbo ako kasabay si shin. Lumabas kami ng gate at tinahak ang kasalungat na daan papunta sa bahay namin. Sa isang court kami napunta. Tahimik doon dahil hapon na at kaunting oras na Lang ay bababa na Ang araw. Tahimik akong umupo sa isang upuang bato at tinapik Ang gilid ko para maupo doon si shin.
Agad naman s'yang umupo doon at parehas naming pinagsaluhan ang tahimik na paligid at malamig na simoy ng hangin.  Tumigil na rin ako sa pagluha nang narealize na mababaw Ang dahilan ng pagluha ko. Kahit anong gawin ko gusto ko pa rin s'ya Kaya nasasaktan ako.

"Oh" sambit nya at inilahad sa akin ang panyo na ibinigay ko sa kan'ya. Buti ginamit n'ya na Ito ngayon. 

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.

"Kainin mo"

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon