63- Activity # 5

769 18 0
                                    

Shin's POV

"Manliligaw ka na?" Tanong ni riyu sa akin. Nasa mini forest kami ng school at nakatingin Lang sa mga dumadaang estudyante.

"Aamin muna ako mamaya tapos manghihingi ako ng permiso para manligaw"

"Aba binata na si markuz ah" natatawang Sabi ni rix.

"Malaki na 'yung alaga eh, pwede ng sumugod sa labanan" sambit ni rex at humagalpak ng tawa. Napakabastos talaga nito kahit kailan

"Gago ka pre ang bastos mo" inis na Sabi ko dito.

"Wala naman akong ibang ibig sabihin dun eh"

"Pakyu ka ',wag ako" Sabi ko at naglakad na kami pabalik ng room.

After ng lessons ay kinausap ko sila riyu para mauna ng umuwi sa bahay. Gusto ko kasing kaming dalawa Lang ang nandoon ni Christine dahil paniguradong manggugulo lang ang mga iyon.

Pumunta ako sa bleachers ng covered court dahil dito ko sya madalas nakikita kapag uwian na. Nakita ko s'yang nakaupo malapit sa stage. Nakasalpak ang earphones sa Tenga at tumataas baba ang paa nito na parang  sinasabayan ang beat ng kanta.

Palapit na ako sa kanya nang biglang may dumating na lalaki. Agad akong umupo sa Isa sa mga bleachers at nagkunwaring may kinakausap sa cellphone ko.

"Nandyan ka na pala babe,tara na" Sabi ng lalaki at inalalayan s'yang tumayo. Matapos nun ay umalis na sila ng court at dumiretso palabas sa gate.

Naiwan akong nakatulala sa bleachers.

Babe???

Sila na pala,naunahan ako.

****

"Ano?!" Sigaw ni rex matapos kong ikwento ang mga narinig ko kahapon. Nasa bahay kami nila riyu at may balak na mag overnight.

"Oo nga puta paulit ulit ka eh. Naunahan ako 'yun na 'yun" inis na Sabi ko at nag ellphone na Lang.

" Ang bagal mo Kasi eh 'yan tuloy" pang aasar nila.

"Grabe ang pogi mo pero Wala ka man Lang makuhang isang babae. Baka nakatadhana talagang magkaroon ka Lang ng maraming admirers pero Wala kang makakatuluyan" si rex.

"Parang ako Lang ah,kayo  din naman walang girlfriend eh"

"Syempre Hindi pa naman namin nahahanap 'yung para sa amin. Kapag nahanap namin 'yun saka kami aaksyon" paliwanag ni rix.

"Wow akala ko puro kainan Lang alam mo aaya ang laki laki mo na eh "

" akala ko din kakain Lang ako habang buhay "

Isa isang nagsilabasan sa harap ko sila Morrie at ang iba pa n'yang kamukha. Nang bilangin ko Ito ay nasa labing dalawa sila. Hassle,isang Morrie nga lang sumasakit na ulo ko,isang dosena pa!

"Ikaw ay naatasang piliin kung sino sa kanila ang totoong Morrie. Kapag nagkamali ka ay may parusang kapalit"

"Ha?!" Sigaw ko sa isang Boses.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon