54- saved her

900 20 0
                                    

Shin's POV

"Ahh,so nakilala mo ako noon pa?"

"Oo, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ito" parang bigla s'yang nahiya sa sinabi nya.
Sasagot na sana ako nang biglang lumapit si Morrie sa akin at inakbayan ako.

"Gusto mo s'ya?" Tanong nya na nakatingin Kay Mel.

"Uhmmm,Oo" sagot ni Mel.

Humiwalay sa akin si Morrie at hinawakan ako sa balikat.

"Pagkakataon mo na ito shin. Magkakagirlfriend ka na" excited na Sabi nito.

"Edi ikaw na Lang"

"Haha. Biro Lang"....."may iba na s'yang gusto Mel, gusto mo pa rin s'ya?" Tanong ni Morrie Kay Mel na ikinagulat ko.

Tumango Lang si Mel.

"Eh mukhang wala kang pag asa kasi gusto rin s'ya ng babae" Sabi nito kaya napakunot ang noo ko.

"Talaga?"

"Talagang talaga" Sabi nito.

"Okay" malungkot na Sabi ni Mel at umalis na sa harapan namin. Umupo naman si Morrie sa harap ko.

"May naghahanap sayo ah. Sammy ang pangalan. Harot ka ng harot,puntahan mo na" seryosong Sabi ni Morrie. Tumingin ako sa labas ng room at nakita si Sammy. Naghihintay Ito sa corridor. Nakatingin sa akin,sa amin,kay Morrie.

"Puntahan ko Lang,ah"

"Go Lang"

Lumabas ako ng room at kinausap si Sammy.

Unknown's POV

"May sumaksak sa akin kagabi sa labanan. Hindi ko nakita kung Sino. Pero kakampi natin s'ya" sambit ni Samantha.

"Wala kang clue kung Sino?" Tanong naman ng lider namin. Kung tutuusin ay pwede namang ako na ang lider pero tinatamad ako.

"Wala,pero may niligtas s'yang isang babae kaya ganun"

Napatingin sa akin ang lider namin kaya naman nagpanggap ako na malalim ang iniisip.

"Baka napagkamalan mo Lang na kakampi natin" sambit ko.

"Napagkamalan man o hindi ay traydor s'ya. Hindi pwedeng nagligtas sya ng kung sino lang para makapag proceed s'ya sa mga activities. Kapag nahuli ko kung Sino 'yun ay ipatatanggal ko sya sa academy" sambit ng lider namin.

Ipatatanggal huh?baka sya ang ipatanggal ko. Lumabas kami ng room at magkasabay kami ni Samantha pababa ng hagdan.

"Alam Kong ikaw 'yun"

Kinabahan ako sa sinabi nya. Natigil ako sa paglalakad at hinarap s'ya.

"May ebidensya ka?" Tanong ko dito.

"Sapat ng ebidensya na gusto mo s'ya kaya nililigtas mo sya"

"Hindi ko s'ya gusto"

"Edi lumabas din ang totoo" natatawang Sabi nya.

Nahuli nya ko sa sarili kong bibig!dapat ay nag ingat ako sa mga sinabi ko!

"Bakit mo ba iyon ginagawa?kilala mo ba s'ya?" Tanong nito. Napahilamos ako ng mukha ko dahil sa inis.

"Kilala ko s'ya Kaya ko s'ya niligtas. Saka Hindi naman natin alam kung s'ya ba ang mananalo Kaya walang kaso 'yun kahit iligtas ko sya!"

"Pero nakakapag proceed s'ya sa mga activities kahit hindi na dapat !" Tumaas na rin ang Boses n'ya sa akin.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon