44- dream

875 26 0
                                    

Morri's POV

Tiningnan ko ang pulso ko at nakita Ang malaking pagbabago ng ranking ko.

Rank 2000

"Mataas na rank ko ngayon guys. Panigurado mas mataas na ang rank ni Morrie ngayon" sambit ni rix na tuwang tuwa sa nakita. Kahit pala hindi na kasali ang ibang estudyante ay mananatili Ang rank nila at bababa.

"Ano na rank n'yo?" Tanong ni shin.

"Rank 2000" sagot ko. Namangha naman sila at tinapik tapik ang balikat ko.

"Rank 2341 akin" Sabi naman ni shin. Nagpatuloy Lang sila sa pagsasabi ng rank at napansin ko ang napakalaking pagbabago nito. Hindi na ako magtataka dahil talaga namang napakadaming obstacle ang humarang sa amin para matapos iyon.

"We did it guys. Sa susunod na activity ay mas galingan pa natin para makakuha na tayo ng badge" sambit ni shin at pinauwi na kami.

Sa araw na ito ay napakiusapan ko si mizu na magsabay kami pauwi. Wala na kasi si jeru dahil Hindi naman namin ito kagrupo.

"Okay na ba Kayo?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"Okay naman kami. Masaya. Nakakakilig"sagot nya kaya naman napanatag ang loob ko. Naramdaman ko na sincere s'ya sa sinabi n'yang iyon at may patutunguhan ang pagkakaroon nila ng magandang komunikasyon.

" mabuti naman" tatango tango kong sagot dito.  Nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon ito sa akin at ngumiti Kaya naman tumingin ako dito.

"Ang ganda mo pala"

"Maliit na bagay" sagot ko sa kanya.

"lol. Ang ganda mong itapon sa basurahan"ngumiwi ako sa sinabi nya. Sinungaling talaga.

"Sana Morrie magkatuluyan kami,alam kong masyado pang maaga para hilingin ko ito pero sana talaga" tipid na ngiti Ang pinakita nya matapos sabihin iyon.

"Sana"

Nang makalabas na kami sa school ay naghiwalay na kami ng daan. Sumakay s'ya sa Jeep habang ako naman ay nag umpisa ng maglakad.
Pagkauwi ko ay nagbihis agad ako at naglinis ng bahay. Pagabi na rin kaya nagluto na ako ng hapunan namin. Hindi maganda ang pakiramdam ngayon ng Lolo ko Kaya naman wala akong mapagtripan. Hindi ko naman pwedeng pagtripan si lola dahil baka magkasakit sya sa puso. Parehas  pa na malakas ang pangangatawan nila ngunit mas mabuti na ang Hindi sila masyadong mahirapan sa mga gawain para mas magtagal pa ang buhay nila.

Ayoko namang maiwan ako dito mag isa dahil Wala akong makakatuwang sa buhay. Panigurado ay uuwi dito sila mama pero aalis din agad. Kinagabihan ay maaga akong natulog  Nag iwan ako ng message kay mizu bago iyon.

Me:

Goodnight na mizu.

Hindi ko alam kung nireplyan n'ya iyon kaagad dahil nag out na agad ako  

"Jeru?" Tanong ko habang nakatingin Kay jeru na may kasamang ibang babae. Nanlumo at nagulat ako nang makitang si sari iyon.

Kahit Hindi ako ang karelasyon n'ya ay nangilid ang luha ko at tinalikuran silang dalawa.

"Morrie!" Sigaw ni sari pero Hindi ko ito pinakinggan.

Nagising ako kinaumagahan na may luha sa mga Mata. Agad ko itong pinalis at pilit na tinanggal sa isip ko. Isa itong panaginip. Ang panaginip ay kabaliktaran sa reyalidad. Imposibleng lokohin nya si mizu dahil Hindi pa naman sila,haha!.

Naligo na agad ako at nagbihis ng uniporme sa school. Sinuot ko ang bracelet ko at nagwisik ng pabango sa pulso,likod ng Tenga at sa damit.

"Lola aalis na po ako. Uuwi po ako ng maaga mamaya" pamamaalam ko Kay Lola.

"Sige Apo"

Humalik ako sa pisngi nya at matapos naman ay si lolo ang hinalikan ko. Nakahiga pa din Ito at tulog na tulog.
Masaya kong nilakad ang daan papunta sa eskwelahan. Marami akong nakasabay na mga estudyante at karamihan sa kanila ay mga nag uusap patungkol sa kaganapan sa academy.

"Oo nga. Rank one sya" rinig kong Sabi ng isang babae.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ang school. Pumasok ako ng gate at tinalunton Ang daan papunta sa room.

Hays. Miss na Kita Rus.

Nang makarating ako sa room ay medyo madami na sila. Nandoon na si jeru Kaya naman binaba ko ang bag ko at tumabi sa kanya. Wala pa si mizu Kaya may time pa ako para makipag usap.

"Hi jeru!" Masayang bati ko dito. Itinabi nya ang cellphone nya at ngumiti sa akin.

"Ikaw pala 'yan Morrie. Anong meron?"tanong nya.

"gusto mo si mizu,'di ba?" Pang aasar ko agad dito. Napansin ko ang pamumula ng Tenga nya Kaya Alam Kong kinikilig sya.

"'Wag kang maingay" bulong nya kaya nakumpirma kong may gusto talaga s'ya dito.

Sabi na nga ba,iba talaga ang panaginip sa reyalidad.

"Okay sige. Kung gusto mo tutulungan kita para mapa-oo sya" sambit ko.

"Naku 'wag na. Kaya ko na" Sabi nito Kaya naman nakipag apir ako sa kanya.

Bumalik ako sa upuan at nag cellphone na Lang.

Michelle:

Goodnight din.

Ngayon ko Lang ito naseen Kaya nag react na Lang ako. Binago ko Ang nickname nya para Hindi na ako malito.  Hindi na ako pumasok ng maaga ngayon dahil ayoko ng Makita ang kakaibang wangis na iyon na kamukha ni shin. Hindi na ako natatakot dahil lumipas na ang mga araw ngunit hindi pa din iyon nawawala sa isip ko Kaya para makasigurado na Hindi ko na Ito makikita ay pumapasok na Lang ako mga ilang minuto bago mag umpisa Ang klase.

"Good morning class" pagbati ni ma'am Anita.

Nakaupo kami habang bumabati. Nasanay na ako sa ganito Kaya Hindi na ako pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Lumingon ako sa upuan ni shin at inalala Ang mga araw na nandyan pa sya,nakaupo,nagbabasa,titingin sa akin ng seryoso,nakangiti.

Miss na miss na Kita

Ilang linggo pa akong maghihintay para Makita ulit sya ngunit titiisin ko na Lang. Sa bawat panahon na lumilipas mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya kahit alam kong Wala naman itong patutunguhan. Mahirap palang i-uncrush ang isang tao.

Ayos lang ito sa akin. Ang mahalaga ay Makita ko s'ya dahil namimiss ko na ang presensya n'ya.

"Next month ay students day. Magkakaroon ng program ang school at kasabay na rin nito ang pagtatapos ng activity. Inaasahan ko na makikipag cooperate Kayo. Pinag uusapan pa ang magaganap doon Kaya hintayin na Lang natin ang announcement ni sir Zea" sambit ni ma'am at umalis na.

Pinalitan naman sya ng teacher namin sa DRRRR. Nagdiscuss Lang sya ngayon ng mga impending signs at nakinig Lang kami. Hindi maingay Ang room namin hindi gaya ng room namin noong junior high Kaya naman parang mas nagugustuhan ko na dito.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon