15- Conundrum

1.1K 36 0
                                    

Morri's POV

Hanggang ngayon Hindi ko pa rin alam kung bakit ganun ang nangyari sa amin. Masyadong magulo at wala man lang akong maisip na dahilan kung bakit naging gano'n.

Bakit hindi ako nakakit?. Bakit kakaiba Yung activity nila? Masaya Yun, exciting,nakakamangha pero bakit gano'n?!

Nag usap usap kami tungkol sa nangyari kahapon pero Wala rin namang naging sagot. Tapos Yung ranking na sinasabi nila.

Rank 4006 ako.  Bakit parang ang taas naman yata?

I mean. Alam ko na 5000 kami dito pero bakit nagkaganun ,wala naman akong naidulot na maganda. Naiwan pa nga ako eh. Nabulag pa ng ilang minuto!!

"Anong rank mo mizu?" Tanong ko agad sa kanya Nung binaba nya ang kanyang bag. Normal life kami ngayon dahil tapos na ang activity.

"Rank 4783 " sagot nya naman.

Oh!Sabi na eh!masyadong mataas Yung akin. Pero kailangang magtanong tanong pa ako.

"Eh ikaw ba?" Tanong nya naman.

Sasabihin ko ba??

"Rank...4767" pagsisinungaling ko.

Kailangan ko itong gawin dahil baka maghinala sila. Ako din naghihinala pero bakit nga Kasi nagkaganito???Lumapit ako Kay Cali at nagtanong din.

"Cali anong rank mo?" Tanong ko.

"Uhmmm..4888" sagot nya.

"Ahh" sagot ko at umalis agad. Baka magtanong agad sya. Kailangang tanungin ko ay 'yung mga taong maraming nagawa kagaya nila Morgan at Rus.

"Morgan anong rank mo?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa pulso nya saka sumagot.

"Rank 4554. Bakit?" Tanong nya.

"Wala Lang " sagot ko at umalis agad.

Dumating anng adviser namin. Hindi ko Alam Kung tuwing kailan Yung schedule nito dahil Hindi ko pa kabisado pero pasulpot sulpot sya para mag announce.

"Every end of the month Ang awarding para sa mga estudyante na malaki Ang itinalon pataas ng rank. Goodluck class" Sabi nya at umalis agad. Yan na naman sya sa kakaibang words of the day.

Bumalik ako sa upuan ko at nag isip muli. Hindi Kaya... may powers ako???

Lumingon ako Kay Rus para magtanong ngunit nagulat na naman ako dahil seryoso itong nakatingin sa akin na parang  may inaasahan syang sasabihin ko.

"Uhmmm..hi"

Tumawa Ito.

"Hello" nakangiti nang Sabi nya. Nawala na Yung seryosong mukha n

"Pwede bang...."

"Rank 3998" biglang Sabi nya.

Napatayo ako at humarap na sa kanya kahit kakaiba Ang ayos ko ngayon. Nakapatong na Kasi Ang paa ko sa upuan at nakahawak ako sa sandalan ng upuan.

"Paano mo nalaman na itatanong ko iyon?" Tanong ko dito.

Tumawa Ito. "narinig ko kanina na nagtatanong ka ng rank nila"

Ang pogi bakit ganun?

"Ahh akala ko nababasa mo Yung nasa utak ko eh"Tumawa na naman Ito.

"'Yan. Ngiti ka Lang palagi or tumawa ka. Mas bagay sayo kapag ganyan ka" nakangiti na ring Sabi ko.

"Ikaw pa Lang nagsasabi nyan" biglang sineryoso Ang mukha nya.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon