69- Quarrel

777 25 0
                                    

Shin's POV

Kinabukasan ay pumasok na ako ng maaga sa  school. Isinuot ko ang PE uniform ko at nag spray ng scents sa katawan ko. Bagamat alam ko na pagpapawisan rin ako habang naglalakad ay pinili ko pa rin ang maging maayos sa katawan. Nakasabay ko si Riyu na s'yang may pinakamalapit na bahay mula sa school.

"Musta pre?Saya ba maging kapatid?" Seryosong tanong ni riyu habang naglalakad kami.

"Ayos Lang naman"

"Okay"tipid na sagot nito.

"Ano na nga pala ang nangyari kahapon sa school?" Tanong ko.

"Okay Lang si Morrie,masayahin pa rin hanggang ngayon" natatawang sagot nito.

"Ang tanong ko ay 'yung sa school Hindi sa kan'ya"

"weh?"

Binatukan ko Lang Ito at nagtawanan kami. Mabuti na Lang at nakamoved on s'ya kaagad Kay Morrie. Siguro dahil Hindi pa masyadong malalim ang pagtingin nya dito. Kung tutuusin ay crush n'ya pa lang Ito o baka happy crush. Masyado lang talaga s'yang nagpadalos dalos sa kanyang desisyon.

"Kamusta na Kayo ni Cali?" Tanong ko dito Kaya napalingon agad s'ya sa akin at tumawa.

"Ayos Lang naman. Normal na pakikipag usap Lang"

"Hindi mo ba s'ya gusto?" Tanong ko dito. Ilang Segundo s'yang hindi nagsalita.

"Gusto ko munang maging sigurado pre. Ayokong umamin na naman tapos hindi pa pala ako sure na gusto ko s'ya. Nararamdaman ko naman na gusto n'ya ako at gusto ko sya pero hindi pa  oras para manligaw"

"Ang lalim" natatawang sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakapasok na kami sa gate nang natanawan ko si Sammy,naghihintay s'ya sa akin.

"Shin" nakangiting tawag nito sa akin Kaya lumapit ako dito.

"Pre,mauna ka na" Sabi ko Kay riyu at agad naman itong nagpatuloy sa pagpunta sa room.

"Anong meron?" Tanong ko dito.

"Close kayo ni Morrie Hindi ba?" Tanong nito na kinagulat ko.

Ano naman ngayon??

"Slight Lang. " Sagot ko dito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko talaga lubos akalain na magagawa nya 'yun Kay Morrie. Ano kayang dahilan n'ya?mabuti na lang at hindi nagtapos ang journey ni Morrie sa activity bagkus ay bumaba lang Ang rank nito.

"Okay,tara na" Sabi nito at hinawakan Ang braso ko. Agad ko itong tinanggal kaya napatitig s'ya sa akin.

"Wag Kkng gan'yan Sammy" seryosong Sabi ko at naglakad na. Sumunod na Lang s'ya sa akin at Wala ng kahit isang salita ang lumabas sa aming bibig habang naglalakad papunta ng room. Naghiwalay kami nang pumasok na ako ng room. Hindi ako nagpaalam sa kanya dahil nainis ako sa ginawa n'ya. Paupo pa Lang ako sa upuan ko nang mapansin ko ang matalim na tingin sa akin ni Morrie. Kumunot ang noo ko dahil doon.

Tumayo sya at lumapit sa akin. Hinila nya ang braso ko palabas ng room habang ang ibang mga kaklase ko naman ay nakatingin Lang sa amin.
Medyo nakangiti si riyu habang si rix at rex naman ay nang aasar na.

"Bakit mo kasama 'yun?magkasabwat Kayo 'no?" Tanong nito.

"Mas nauna ko syang nakilala kesa sa'yo eh"

"Mamatay na nagtanong"

"Huy grabe ka,hindi ko s'ya kasabwat.  Bakit ko naman gagawin 'yun sa'yo?"

"Aba aalay ko,baliw ka pala eh"inis na Sabi nito.

"Pwede ba Morrie,'wag mo akong paghinalaan" naiinis na ring Sabi ko dito.

"Kapag nalaman kong magkasabwat Kayo. Kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo"

Parang nabingi ako sa sinabi n'ya at Hindi agad nakasagot,bakit n'ya ba ako pinagbibintangan?!

"Porke ba magkasama kami magkasabwat na agad?eh Hindi naman kami magkasama sa activity Nung nangyari 'yun,bakit ako?!" Napagtaasan ko na s'ya ng Boses Kaya mas Lalong nagsalubong Ang kilay nya.

"Ikaw saka si Rus ang kasama ko noon. Nung nawala ka,napalitan nung babaeng 'yun si Rus, in short nandun ka Kaya hindi malayong kasabwat ka n'ya"

"Tigilan mo nga ako!" Inis na Sabi ko dito.

"Gago ka!" Sigaw nito at pumasok na sa room. Alam Kong may nakarinig sa Amin ngunit Hindi ko iyon pinansin. Padabog akong umupo sa upuan ko at nilabas Ang cellphone ko.

"LQ Kayo, pre?" Tanong ni rix.

"Pakyu ka pre!" Inis na Sabi ko dito.

Agad Kong binuksan Ang messenger app ko at chinat si Sammy.

Me:

'Wag na wag mong gagalawin si morrie. Hindi na ako natutuwa sa'yo!

Blinock ko sya sa messenger pati sa Facebook. Alam kong Wala akong karapatan na gawin iyon dahil hindi naman kami ang nag away ngunit sangkot s'ya dito Kaya nainis na rin ako. Nang lumingon ako sa pwesto ni Morrie ay salubong pa rin ang kilay nito. Nang magtama ang mga Mata namin ay pinakyuhan nya ako.

Bwisit talaga 'tong babaeng 'to!

Hindi naging maganda ang araw ko Kaya naman naapektuhan ang studies ko. Hindi ako nakinig sa mga lessons at lutang kapag nagrerecite. Lumipas pa Ang mga oras at para ako Lang ang Tao sa mundo. Hindi ko pinapansin sila rix dahil nainis talaga ako sa ginawa ni morrie pati si Sammy.

"Eh bakit Kayo nag away??nahuli ba n'yang may kachat jang ibang babae?" Seryosong tanong ni rix ngunit Alam Kong nagbibiro Ito.

Nasa canteen kami at kasalukuyang kumakain. Kasabayan namin ang ibang section at pilit na nakipagsiksikan para lang makakuha ng pwesto sa mga mesa.

"Hindi ko Alam dun,nababaliw na yata"

"Baka nabaliw na kakaisip sa'yo pre" si rix ulit.

"Pwede ba?tumigil ka nga kung Hindi tatanggalin ko 'yang taba sa katawan mo!"

"Ahy scary,natakot ako" natatawang Sabi nya kaya sinamaan ko Lang Ito ng tingin. Nagpatuloy kami sa pagkain at tinitingnan Lang ako ng tatlo. Nang makabalik kami sa room ay ang sama pa rin ng titig sa akin ni Morrie. Kung nakakamatay lang Ang titig n'ya baka namatay na ako at pati Ang future life ko ay nawala na rin.

"Oh Kay sakit namang pag ibig 'to, bakit ginago mo?Sana pinatay mo na Lang ako"pagkanta ni rex habang naglalakad kami pauwi sa subdivision.

"Putangina mo. Mamatay ka na para mawala ...ka na sa paningin ko" kanta ko na ginaya ang tono n'ya Kaya nagtawanan Lang sila.

Natawa na din ako dahil naging harsh ako sa kanya. Kailangan kong ipahinga Ang isip ko at patunayan ko kay Morrie na Mali sya sa iniisip n'ya. 

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon