59- Unknown

881 29 10
                                    

Morri's POV

Matapos Ang panonood at pagkain ay nag paalam na kami Kay Rus para umuwi. Hindi na nya ako hinatid dahil marami naman akong kasama.

"Grabe talaga 'yung bahay nila 'no?Ang ganda" manghang Sabi ni Cali.

"Gala ulit tayo dun next time" sambit ni rix Kaya nagtawanan Lang kami. Kanya kanya kami ng liko ng kalsada para makauwi na sa Kani kanilang mga bahay.

Nasa bag ko ang chocolates na binigay ni rus. Nakalagay Ito sa isang box at may ribbon pa. Mamaya ko Ito bubuksan kapag nasa bahay na.

Alas singko na Kaya naman nagpalit na agad ako ng damit pambahay at naglinis ng paligid. Nilutuan ko na rin sila Lolo at lola para makakain na kami mamaya. Pumasok ako sa kwarto at binuksan Ang bag ko. Inilabas ko ang kulay pulang box at tinanggal ang ribbon. Tumambad sa akin ang napakadaming chocolates na halatang galing pa sa ibang Bansa. Kinain ko Ang iba nito at chinat si Rus.

Me:

Salamat ah.

Agad naman iyong nagreply.

Rus:

Walang anuman. Kitakits sa Monday

Nagreact na Lang ako sa message n'ya at nilantakan Ang mga chocolates.

Nang tuluyan nang gumabi ay lumabas ako ng kwarto at tinawag sila Lolo at lola para kumain. Inalalayan ko sila papunta ng Mesa at nagsimula ng maghapunan.

"Pasensya na apo ah. Hindi na kami masyadong makagawa dito sa bahay" sambit ni Lola.

"Ayos Lang Yun 'la. Alam ko naman po na matanda na kayo kaya medyo mahina na 'yung mga buto n'yo "

"O s'ya sige" Sabi ni lola Kaya nagpatuloy na kami sa pagkain. Naging mabilis ang paghahapunan namin at hinatid ko na sila sa kwarto nila. Humalik ako sa noo nito at dumiretso na sa kusina dahil tinatawag na ako ng mga hugasin.

Habang maghuhugas ay sumagi sa isipan ko ang nasaksihan kanina.

Si shin pati 'yung babae...

Hindi ako pwedeng magkamali sa babaeng yun. Kilalang kilala ko s'ya kaya naman naguluhan na ng tuluyan ang isip ko. Ang dami ko ng napanaginipan at ngayon ay nakikita ko na din Ito. Nakakabasa na din ako ng isip ng iba pero 'yung sa babae pa Lang.

Isa ba Ito sa mga kakayahan na mahuhubog ko sa tuwing may activity sa school???

Pumasok ako ng kwarto at nagpahinga na. Sabado bukas Kaya naman maglalaba na ako ng damit ko pati na Rin nila Lola. Wala na akong ibang gagawin bukod doon Kaya naman Kung may mag aaya na gumala ay sasama agad ako.

Unknown's POV

"Hindi mo Lang s'ya kaibigan,kaklase mo rin pala s'ya" sambit sa akin ni Samantha.

Nasa bleachers kami ng school at kasalukuyang nakaupo doon.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko dito.

"Syempre may Mata ako. Palagi ko kayong nakikitang magkasama kapag pumupunta ka sa canteen"

Napanguso ako sa sinabi nya. Alam nya na pala, huh??

"Ano naman ngayon?"

"Una sa lahat kaklase mo sya,pangalawa magkasama kayo pero hindi ka nya masyadong kilala,pangatlo pinapahamak at tinutulungan mo s'ya sa mga activities at ang panghuli,nagkagusto ka sa kanya"

"Tapos?"

Wala na akong pakialam sa kung anong sasabihin nya. Ang mahalaga ay nanatili itong isang sikreto.

"Hindi magtatagal ay malalaman n'ya din 'yan Kaya bakit mo pa itinatago?" Tanong nya.

Napaisip ako sa sinabi nya. Hindi ko Alam kung anong sasabihin n'ya sa akin pero Sana maintindihan n'ya.

"Ayos Lang naman siguro 'yun sa  kanya..." Nag aalangang Sabi ko dito.

Napabuntong hininga Ito ng malalim.

"Alam n'ya bang gusto mo s'ya?" Tanong nito Kaya napatingin ako dito...At ngumiti.

"Hindi pa,pero aamin na ako"sagot ko dito.

Ilang araw Lang nito simula nang nagkasagutan kami pero kinausap nya pa rin ako. Siguro ay naisip na nya na Hindi ko talaga sya gusto dahil may gusto akong iba.

Sabado na at nasa mall ako ngayon para bumili at gumala. Kasama ko ngayon ang Isa sa mga kaibigan ko. Kakauwi nya Lang kahapon galing sa Cebu dahil may trabaho Ito.

Matapos nun ay bumalik na ako sa bahay at nagpahinga. Alam kong medyo matanda na ako para sa kanya pero Hindi n'ya Ito Alam. May tamang panahon naman siguro para sabihin ko iyon Kaya Sana talaga maintindihan nya ako.

Morri's POV

Me:

Hindi mo ba ako yayayaing gumala. Akala ko ba manliligaw ka pagkabalik mo?

Agad namang nagreply si Rus sa akin.

Rus:

Saan mo gusto?

Me:

Kahit sa mall na Lang

Rus:

Uhmmm...sige, pero bukas na Lang

Me:

Sige Lang. Kakatapos ko Lang din naman maglinis ng bahay eh

Rus:

Nakakapagod ba?

Me:

Okay Lang naman. Sanay na ako eh, basta nandyan ka hindi ako mapapagod.

Rus:

Lol

Me:

Haha,  Kinilig ka Lang eh ayaw mo pang aminin.

Rus:

Lol

Me:

Hahahhahalabyu

Rus:

Baliw ka talaga

Me:.

Baliw sayo Lang

Rus:

Patay na patay ka sa akin huh?

Me:

Slight Lang, atleast nainlove ka rin

Rus:

Kulit mo Kasi eh palagi mong sinasabi na gusto mo ako

Me:

ganun talaga ako pag gusto ko ang isang Tao

Rus:

Okay sige. Basta bukas ah?

Me:

Okay. Lovelots. Bye

Rus:

Haha. I like you

Me:

I love you na 'yan pero naging I like you  pa,haha.

Rus:

Nagpaalam ka na tapos Nagchat ka pa

Me:.

Syempre Nagchat ka din

Rus:

Magpahinga ka na

Me:

Okay.

Nagsend s'ya ng sticker at nagreact ako doon. Hapon na at kakatapos ko Lang maglinis Kaya natulog ako para makapag pahinga.

.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon