56- Memories

865 25 3
                                    

Shin's POV

"Kami na ni Rus" rinig kong sabi ni  Morrie habang naglalakad kami papunta sa lilim ng puno para magpahinga. Kakatapos Lang namin maglaro sa field at tirik na tirik ang araw kaya mas napagod ako.

Sila na pala huh?Ang bilis. Pinag isipan ba n'ya 'yan?

Nagkasagutan kami ni Morrie dahil nga  pagod ako at hindi ko rin nagustuhan ang narinig ko. Alam Kong Wala akong pagtingin sa kanya ngunit may parte sa puso ko na hinahanggaan sya.

Pagkabalik namin sa room ay pinamigay na ni ma'am Deles ang sanaysay namin tungkol sa pag ibig. Nakakuha ako ng  mataas na score pero walang incentives. Nakinig na Lang ako sa mga sumunod na subject at Hindi na nakapag usap pa hanggang sa nakauwi na ako sa bahay.

Halos sabay Lang kaming nakauwi ni ate. Galing din sya ng school nila pero sa Manila pa. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit pambahay. Matapos nun ay bumaba na ako papunta sa Sala. Sakto namang kakaupo Lang sa sofa ni ate at binuksan Ang tv.

"Okay ka na?"

Napakunot Ang noo ko sa sinabi nito.

"Oo naman,bakit?"

"Lol. Ang tahimik mo Kaya kahapon. Hindi ka makausap ng maayos tapos nakatulala ka Lang. Busted ka ano?" Natatawang Sabi nito. Wala na sa tv Ang atensyon.

"Hindi ako nabusted Kasi Wala naman akong nililigawan. Pagod Lang ako nun Kaya....ganun..." Paliwanag ko dito.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Iba pa rin Ang daloy ng oras tuwing nagkaka activity sa oras dito sa bahay. Ang weird pero nakakamangha. Nasa  kwarto na ako nang nagising ako. Wala akong maalala na kinausap nila ako.
Agad akong umakyat sa kwarto at binuksan Ang laptop ko.

Me:

Guys?

Seen by everyone.

Riyu:

Bakit pre?

Me:

Naaalala nyo pa Yung nangyari after ng activity??Yung mismong nangyari sa bahay n'yo. Ano Yung mga ginawa nyo?

Rix:

Kumain Lang ako nun pagkagising ko eh. Hindi naman na ako kinausap nila mommy dahil busy sila

Rex:

Naligo ako pagkagising ko.

Riyu:

Halos isang buong araw tayo dun pero pagkabalik natin dito ay parang Wala namang pinagbago Ang oras. Wala akong ginawang iba pero nagtataka ako kung paano Tayo nakabalik?

Me:

Ayun na nga. Paano Tayo nakabalik?bakit ang bagal ng oras doon. Hindi ba Tayo magtatanong Kay sir Zea.

Rix:

Wag na. Hindi na kailangan. Ang cool Kaya

Rex:

I agree with that. Sounds weird pero nag eenjoy ako Lalo na Nung labanan

Me:

Kahit Kung paano Lang Tayo nakabalik dito??Sabi Kasi ni ate Ang weird ko raw Nung umuwi ako eh. Ibig sabihin alas tres pa Rin tayo nakauwi pero unconscious Yung isip natin Kaya Wala tayong maalala...

Riyu:

Siguro pero wala namang nangyaring masama sa atin Kaya Hindi na natin kailangan mag alala

Me:

Pero baka Kasi gusto n'yo Lang malaman

Rix:

'wag na,hindi na kailangan. Masaya na ako.

Me:

Okay.

Kinagabihan ay umuwi na sila mama at papa kasama si rock pero Hindi kaagad ako bumaba.

"Kung unconscious kami nung umuwi dito....malamang ayun 'yung time na...naghahanap kami ng pagkain sa gubat...nakikipag usap sa isa't Isa...nagugutom...at noong pumikit kami para matulog....ay s'ya namang pagtulog namin sa kasalukuyan.  Tapos nagtuloy tuloy ang tulog namin hanggang kinabukasan" pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

"Wala naman sigurong nangyaring iba bukod doon?"

"Markuz bumaba ka na raw. Kakain na Tayo" sigaw ni ate Mula sa Labas ng kwarto. Agad akong tumayo at dumiretso sa kusina. Sakto namang nakahain na Ang pagkain at ako na Lang ang hinihintay. Umupo na ako katabi ni ate habang si rock naman ay katabi ni mama.

"Kamusta Ang pag aaral?" Tanong ni papa.

"Ayos Lang naman ako pa. May babayaran kami para sa isang event" sagot ni ate.

"Okay Lang din ako,pa"

"Okay sige. Magsesend ako ng pera sa account mo" Sabi ni papa Kay ate.

Sana all may account. Fb account Lang akin eh.

Matapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto at nagpahinga. Mahaba haba pa Ang lalakbayin namin bago makarating ng college. Idagdag pa Ang kakaibang offer ng riverretus High Academy. Ang kakaibang school na Hindi lang sipag ang hinahasa kung hindi pati ang talento mo sa ibang bagay.

Ayoko ng isipin pa ang mga kaganapan sa buhay ko. May tatlo pa kaming activity at pagkatapos nun ay paniguradong second sem na. Kasabay nun Yung students day.

"Hays. Wala pa pala akong kapartner" inis na Sabi ko sa sarili ko.

Mukhang Wala akong choice, si Mel ang makakapartner ko. Tatanungin ko s'ya bukas. Wag nya sanang bigyan ng malisya Kasi Wala akong balak na ligawan sya.

Nakakahiya mang Aminin pero wala pa akong nagiging girlfriend sa edad Kong Ito. Minor pa ako at proud ako dun. May tamang panahon naman Kasi para sa pag ibig pero...

Bakit parang ang dali para sa Kanila na maghanap ng taong mamahalin nila. Hindi ba dapat kikilatisin mo muna Ito. Yung iba Kasi ay kilig Lang Ang habol Kaya kapag Wala ng nararamdamang kilig ay nakikipaghiwalay na. Tapos isisisi nila sa kapartner nila Yung mga nangyari sa Kanila.

"Kapag ako talaga nagkagirlfriend,sya na 'yun"

Pumikit ako matapos Ang naisip. Ilang oras na Lang ang itutulog ko at kinabukasan na naman. Ayoko sanang pansinin si Morrie dahil nakaramdam ako ng inis sa kanya pero bahala na.
Kung mabilis syang magdesisyon ay bahala na sya sa buhay nya.

"Ligawan mo na Kasi markuz ang Hina mo naman eh" pangungumbinsi sa akin ni rix.

May codename na kami dati pa Lang dahil dito na kami nag aral sa Riverretus High Academy since grade 7. Pero Hindi pa kami sanay dito at Wala pang ibang kaganapan bukod sa mag aral at mangopya.

Grade 9 na kami at kasalukuyang nasa canteen NG school.

"Ayokong magmadali. Kikilalanin ko muna s'ya at ganun din sya sa akin. Pagkatapos nun ay saka ako manliligaw"

"Kapag ikaw naunahan wag Kang iiyak ah. Hindi malayong maraming magkagusto Kay Christine. Campus crush 'yan eh" sabat ni rex.

"Ako na bahala pre. Maghintay Lang kayo"









Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon