12- Activity # 1

1.2K 34 0
                                    

Morri's POV

Lumipas pa Ang ilang araw at nagweekend na. Hindi pa masyadong nagpapagawa ang mga teachers namin ng mabigat na activity Kaya Wala akong ginawa noong sabado at linggo Kung Hindi Ang mag cellphone. Kumain. Humilata. Kausapin si Lolo at lola. Makipag video chat kila mama at papa. Lumabas ng bahay para tumunganga ulit.

Yung mga pinsan Kong Bata Kasi imbes na maglaro sa Labas ay nagsecellphone na Lang siguro. Yung kaedaran ko naman ganun din. Wala akong makausap dito na kaparehas ng interes ko. Napapanis Lang Yung laway ko tapos ako Lang Yung nakakaamoy nun .

Lunes na naman at sinuot ko Lang Ang jogging pants ko na binili ni mama dati. Buti nagkasya pa sa akin. Black and purple Ang kulay nito at may tatlong line sa gilid. May ribbon din sa gitna. Tinernuhan ko Ito ng white na t-shirt na may nakasulat na.

"Hi I'm sunny" at may drawing na araw na nakangiti pa.

Sinuot ko ang bracelet ko na bihira ko Lang naman Kung isuot. Puro beads Lang Ang design nito at may heart sa gitna. Niladlad ko ulit Ang medyo straight Kong buhok na hanggang bewang. Matapos nun ay nagpaalam na ako na pupunta na sa school.

Naibigay na sa akin kahapon Yung baon ko. Baka Kasi mamaya habulin na naman ako ng Lolo ko at mapagtripan ko na naman. 500 a week Ang baon ko pero dahil Hindi naman ako sumasakay sa sasakyan at may baon akong pang lunch ay unti Lang Ang nagagastos ko.

Kung tutuusin ay Hindi ko na kailangang manghingi pa ng baon pero hinayaan ko na Lang na bigyan ako para makaipon na rin ako. Baka Kasi mamaya may bayaran kami sa school. Hindi naman totoo Yung sinabi ni ma'am na libre libre eh,tsk. Sinungaling.

Alas syete ako pumasok ngayon. Masyado kasi akong maaga Nung nakaraan. Nang malapit na ako sa gate ay nagulat ako sa nakita ko.

May estudyante!Ang dami nila!!!lol maraming estudyante dahil nga school ito pero nakapila sila sa Labas ng gate Kaya nagtanong tanong ako Kung anong meron. Lumapit ako sa gate at napansin ko ang mahaba at siksikang pila.

May pila pa??anong meron??may relief?nagpapamigay ng ticket ng BTS??nagpapamigay ng pera???bibigyan ako ng jowa???

"Kailangan daw pumila para makapag register sa school" Sabi agad ng lalaki sa harap ko. Hindi Ito tumitingin sa akin Kaya ako na Ang nag adjust!

"Ikaw pala Yan???long time no see" nakangising Sabi ko. Sya pala Yun. Yung forever ko. Charr!!Yung lalaki Nung first day!!Yung pinagtripan ko.

"Yeah  akala ko Hindi mo na ako naaalala" Sabi nya pa at hinawakan ako sa balikat Kaya nagulat ako. Minuwestra nya ako sa harap nya Kaya ako na Ang nasa harap nya. Humarap ulit ako sa kanya para makausap ito.

"Bakit Kita makakalimutan eh nandito ka na sa puso ko" nakangiting Sabi ko. Ngiting nang aasar.

"Yiieiieie Sana all" rinig Kong Sabi ng nasa harapan ko. Lalaki ang mga ito at baka kaklase ng kausap ko.

"kinilig naman ako dun" Sabi nya pa.

Baliw. Nagbibiro Lang ako eh.

"So ano ngang meron?nakapagregister na Tayo Nung enrolan ah?"

"Oo nga...pero Kasi Hindi ba may activity ngayon Kaya ganun"Sabi nya at tinulak ako kahit nakaharap ako sa kanya. Umuusad na pala Yung pila. Nakakailang dahil nakahawak sya sa balikat ko!!puta feeling close. Pero Yung activity,grabe namang activity Yun. Sabi na nga ba may kakaiba doon eh.

"Sunod ka na" Sabi nya Kaya tumalikod na ako sa kanya. Pagkapasok ko sa gate at may itinapat Lang sa pulso ko na isang machine tapos okay na.

Ganun Lang pala.

"Salamat ah" Sabi ko sa lalaki.

"Walang anuman Basta ikaw" Sabi nito at ginulo Ang buhok ko.

"Ingat ka!" Sigaw ko dahil tumakbo na sya paalis.

"Ikaw din laham!" Sigaw nya at nagflying kiss pa.

Nagsitinginan sa amin Yung ibang estudyante. Ibat ibang grade level Yun Kaya iba iba din Ang reaction. May ibang kinilig. Yung iba umirap Lang. Naglakad na ulit ako papunta ng room. Malapit ng magtime Kaya minadali ko na Rin pati Ang pag akyat sa hagdan.

Nang maKarating ako ay nag uusap usap na Ang mga kagrupo ko. Ano bang meron??

"Morrie dito ka" sigaw ni shin Nang matanawan ako.

Nilapag ko Ang bag ko sa upuan at dumiretso na sa kanila.  Tumabi ako Kay shin na Ang katabi ay Ang mga alagad nya.

"Ang Sabi ni ma'am kanina nagbago daw Yung time ng activity Kaya kapag 8 na,mag uumpisa na iyon" paliwanag nya.

"Kailan sinabi sayo?" Tanong ko.

"Kanina Lang. Nakasalubong ko sya kanina. Sabi nya i-announce ko Yun sa buong klase" paliwanang nya. Nag uusap usap na rin Yung iba ko pang kaklase. 

"Kailangan daw hanggat maaari magtulungan Tayo" naguguluhang Sabi nya.

"Ano bang klaseng activity Ito?" Tanong ni mizu.

Ang gulo. Ang gulo ng buhay ko kapag Wala sya.

Nakita ko na namang ngumiti si Rus habang nakatingin sa akin.

Baliw na ba s'ya?o sobra lang talaga ang ganda ko oara ngitian nya.

"Hindi ko Rin Alam. Basta sundin na Lang natin Yung sinabi ni ma'am" Sabi nya.

"Eh para San Yung nandun sa gate??Yung tinapat sa pulso ko?" Tanong ko naman.

"It's the rank" sabat ni Rus.

"Rank?" Halos sabay sabay naming tanong.

"Yeah. Siguro makikita natin Ito kapag natapos Ang activity"

"Paano mo naman nalaman Yan?" Tanong ni shin.

"May nagsabi Lang sa akin. Malalaman natin Yun mamaya" seryosong Sabi nya.

Tiningnan ko Ang pulso ko at Wala namang pinagbago. Maputi at makinis pa rin.

Napansin ko ang mga suot nila. Hindi ko Alam Kung dyan sila komportable pero si Cali at aiki ay nakamaong na palda habang si mizu naman at sari ay nakamaong shorts Lang. Yung mga lalaki naman,nakapantalon na akala mo ay aattend sa party. Kaming dalawa ni Rus Yung naka jogging pants. Maya Maya pa ay dumating na si ma'am.

"This is the first activity of the school. I hope na ma-amaze Kayo sa makikita nyo. Kailangan magtulungan at hanggat maaari kailangan kumpleto Kayo at the end of the activity. Pwede nyo ring tulungan Yung ibang grupo dito sa room"makahulugang Sabi ni ma'am. Umalis na si ma'am at nag-usap usap na naman Ang mga kaklase ko. Sobrang gulo ah. Grabe na.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon