64- Activity # 5

755 22 0
                                    

Morri's POV

Napuno ang gabi ko ng puro pag iisip Lang. Siguro nga dapat Hindi minamadali ang pag ibig.

"Tama!kikilalanin ko muna s'ya!" Buong loob na Sabi ko at natulog na. Pwede kong makausap si shin kapag may problema ako. Hays. Kahit Hindi n'ya ako masyadong kinausap nung mga nakaraan ay ayos Lang. Sa lahat ng  lalaking kaklase ko,medyo komportable ako sa kan'ya.

"Hoy!" Sigaw ni arch sa akin. Kakapasok ko Lang ng gate kaya naman nagsitingin sa amin ang ibang estudyante. Nilapitan ko Ito at sinipa sa tuhod. Napadaing naman s'ya sa sakit

"Problema mo Mr. Manghuhula?" Tanong ko dito.

Naglakad na ako papunta ng room at nakasabay ko s'ya.

"Igu-goodluck lang kita sa activity mamaya"

"Eh bakit ka sumisigaw?"inis na Sabi ko dito at Hindi Ito nilingon.

"Para dama"

"Dama mo mukha mo"

"Basta goodluck ah. Rank 9 pa rin ako kasi hindi ako nakapasok noong nakaraan. Hintayin kita sa finals" Sabi nito at tumakbo na papunta sa building na kasunod ng rivus building.

Rank 989 ako eh. Paano ko mahahabol 'yun? Engot talaga tsk.

Sa hagdan malapit sa room na ako dumaan. Matapos ang isang libong taon ng pag akyat ay narating ko na ang tuktok ng Mt. Everest,charr.

"Good morning,guys!" Masayang bati ko sa lahat.

"Good morning, Morrie"

"Good morning din"

May iba pang bumati sa akin. Wala pa si Rus Kaya naman nakipag usap lang ako Kay mizu.

"Hi mizu" Sabi ko na nakadungaw malapit sa kanya. Buti Wala pa  si jeru.

"Bakit?"

"Kamusta na Kayo?" Tanong ko dito Kaya napangiti agad sya.

"Ayos Lang naman,masaya,nakakakilig"

"Nagkiss na kayo?" Tanong ko dito.

"sa pisngi pa lang,masyado pang maaga para doon"

"mabuti naman"

"Eh,kayo ni Rus?nagkiss na kayo?"

"Biro Lang na kami na,hindi pa kami pero nanliligaw s'ya" paliwanag ko dito. Wala Kasi s'ya noong Friday sa bahay nila Rus Kaya Hindi n'ya Alam.

"Ahh scam pala yon"

"Nanay mo scam" asar ko dito.

Lumipas ang ilang oras at nag umpisa na ang activity. Iba na ang setting ngayon. Gaya ng dati ay ako na naman ang mag Isa. Pero sa isang room Lang na walang upuan at blackboard. Bintana at pinto Lang.

"Anong gimik na naman Kaya Ito?"

"Unang katanungan" rinig kong Boses ng lalaki na nagsasalita rin dati noong first activity namin.

"Kung pipili ka ng Susi. Alin sa mga Susi ang kukunin mo?Susi ng kayamanan?Susi ng katalinuhan?o Susi para makita ang hinaharap?"

"Susi NG...katalinuhan"

"Bakit?"

"Wow,parang essay pala Ito, may bakit sa dulo"natatawang sabi ko.

"Kasi kapag matalino ako Kaya jong gumawa ng mga panibagong bagay na pwede kong ibenta sa mga company para magkapera ako. Makakabuo ako ng mga strategies para makatulong sa mga Tao. Makakadiscover ng mga gamit at Kung ano ano pa. Gamit ang katalinuhan ko ay makakagawa ako ng mga bagay na magbibigay sa akin ng kayamanan" matapat na sagot ko dito.

"Susunod na tanong,ngayong nakita mo na ang hinaharap. Patuloy mo pa rin bang gagawin ang kasalungat nito?"

"Hindi ko pa nakikita Ang hinaharap"matapat na sabi ko. Hindi ko namna talaga nakita ang hinaharap,o baka iyon ang mga nakikita ko pero hindi naman ako sigurado. Matapos ang ilang minuto ay Wala ng nagsalita. Ngunit tumambad sa akin ang dalawang imahe. Nakatayo Lang sila at tahimik na nakatingin sa akin. Si Rus at si shin.

"hi guys,bakit kayo nandito?"

Hindi Ito nagsasalita Kaya naman nagtaka ako at nilapitan Ito. Hinawakan ko si Rus ngunit Hindi pa rin Ito umiimik,ganun din si shin.
Pinagmasdan ko ang mga hitsura nila. Sila pa Rin ito ngunit hindi nagsasalita.

"Ikaw ay naatasang pumili sa dalawang lalaking Ito"

"Piliin para saan po?"

"Isa sa Kanila ang may hawak ng iyong puso. Kapag Hindi mo napili ang tamang lalaki ang iyong ranggo ay bababa"

" Ano ito?road to forever?isa lang naman Yung gusto ko eh..."

"Si Rus  po" sagot ko at unti unting nawala Ang imahe ni shin. Ngunit nakangiti na Ito.

Nakaramdam ako ng awa sa kan'ya ngunit agad ko itong tinanggal sa sistema ko. Lumapit ako Kay Rus at akma itong yayakapin nang bigla n'ya akong saksakin. Napahawak ako sa tagiliran kong mayroong kutsilyo. Napatingin ako sa kanya ngunit Wala pa rin s'yang emosyon. Agad akong bumagsak sa sahig at napalitan Ang imahe ni Rus ng imahe ng isang babae.

"Ik-ikaw?"

"Oo ako nga. May problema ba?"tanong nito at tumawa ng malakas. Nag echo Ang Boses n'ya at para syang isang demonyo.

"Ang..."

"Ang?"

"Ang...pangit..mo!"sigaw ko Kaya natahimik Ito.

" funny ah,bye" Sabi nito at bawal na Ang imahe nya. Unti unting nagdilim ang paligid at tuluyan nang nakatulog.

Unknown's POV

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Samantha dahil bigla n'ya akong itinali sa isang puno.

"Tinatali ka"

"Bakit?!" Sigaw ko dito ngunit tumawa Lang s'ya.

" ano pa ba?edi para matulungan ka"

"Matulungan saan?!!pakawalan mo ako dito kung hindi papatalsikin kita sa school!"

"Sige,pero hintayin mo na lang ako. Ako na ang gagawa sa misyon mo"

"Misyon?".

"Misyon para pahirapan s'ya"

"Baliw ka na Samantha!!ano bang nangyayari sayo?!"

"Wala naman,bye bye" natatawang sambit nito at hinalikan ako sa labi.
Agad akong lumingon sa gilid para maghiwalay sa kan'ya.

"Kadiri ka!!!"

Lumabas na Ito ng room habang ako ay pinilit tanggalin ang pagkakatali sa akin. Nang matanggal ko Ito ay lumabas ako nt room at hinanap s'ya ngunit Hindi ko na Ito Makita. Ang ibang estudyante ay nagkaklase habang ang ibang room naman ay walang mga Tao.

Riyu's POV

Napunta ako sa mini forest at tinahak ang building na hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Walang mga teacher doon Kaya naman mas madali akong nakapaglibot. Nang matapos Ang activity ay bumalik ako sa room. Naabutan ko doon ang mga kaklase ko. Nakaupo lang sa Kung saan saan.

Gaya ng dati ay parang napagod din sila. Hindi naman nakakapagod ang activity ngayon dahil puro tanungan Lang ang  nangyari. Ngunit kahit ganoon ay Hindi ko nagustuhan Ang nangyari sa akin.


Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon