09- Moody

1.3K 39 0
                                    

Shin's POV

Dahil sa pagiging leader ko feeling ko tinitingala na ako ng mga kagrupo ko.
Ang Saya dahil nakapag usap kami ng iba kong mga kaklase. Halata naman na approachable ang lahat maliban lang kay morrie na mabait daw sa personal eh Ang lakas namang mang asar.

Saka ang hilig nyang mantrip. Joker daw sya eh wala namang nakakatawa sa sinasabi nya. Kapag nahanap nya Yung paki ko baka sakaling matawa ako. Yung si rus naman. Pamysterious effect pa. Pasalamat sya pogi din sya kagaya ko Kung Hindi baka nabully na Yun. Pero infairness ah. Ang pogi ko talaga.

Pero Ang pinagtataka ko ay Kung bakit nagkausap sila Rus at Morrie kanina sa gilid ng building. Akala ba nila Hindi sila makikita doon??Sana man Lang Kung maghaharutan sila...dapat sa medyo private na lugar like cr or somewhere else!

Pwede rin namang sa kwarto ng Isa sa Kanila hehe. Or sa kwarto ko tapos panoorin ko sila. Char!!!

Naglakad Lang din kami pauwi nila riyu. Iisa Lang kami ng subdivision na inuuwian pero ang bahay namin Yung pinakamalayo. Dadaan pa sa maraming puno at ang mga nakatira  ay sobrang tahimik Kaya minsan parang ayokong dumaan mag Isa doon Lalo na pag Gabi. Hindi naman sa natatakot ako,mabuti na rin ang nakakasigurado,baka bigla akong patayin ng kung sino dyan.

Pero si Morrie may boyfriend na daw??sino kayang baliw ang pumatol dun?

Pumasok ako sa bahay namin. Sobrang simple Lang pero may ikalawang palapag. Puro white ang pintura at black naman ang gamit like sofa and Yung aparador. May kotse din kami pero for the whole family Lang. Pinakamayaman sa Amin ay sila rix. Yung parents nya kasi nagpapatakbo ng restaurant at marami na silang branch. Kaya busog na busog kami kapag kasama Yun.

Pagkabukas ko pa Lang ng pinto ay tumambad na sa akin Ang nagkalat na mga laruang sasakyan ni rock. Pasaway talaga itong batang Ito. Si ate namanay nasa kusina lang. Nakaupo sa mataas na upuan at nakatutok sa laptop nya. Baka may ginagawang project. Business management Yung kumuha nya at graduating na sya ngayon.

Ako naman. Ilang Taon pa mag aaral. Balak kong kumuha ng kursong engineering dahil na rin sa favorite ko ang math at pangarap ko na ako ang bubuo ng sarili kong bahay

Dumiretso ako sa kwarto para nagbihis. Matapos nun ay humilata na ako sa Kama. Sa pag iisip ng Kung ano ano ay nakatulog ako. 

"Shin!"

"Shin!"

Nagising ako nang may yumugyog sa balikat ko. Tiningnan ko ng maige Kung Sino Yung hinayupak na nanggising sa akin.

"Huy!bakit ka nandito?!" Sigaw ko sa kanya.

" Kain na Tayo kanina ka pa natutulog" tuwang tuwa pa sya habang sinasabi nya Iyon.

"Eh bakit??makikikain ka??ganon?" Nang aasar na Sabi ko.

"Ano bang sinasabi mo??"

Tumayo ako at kinausap sya ng maayos. Nakatingin Lang sya sa akin na parang sinusukat Ang reaksyon ko.

"Ano din bang sinasabi mo?"mahinahong ng sagot.

"Yung anak mo pakainin mo na...may tinatapos akong project para sa company"

"Putangina. May anak ako?!" Naisigaw ko na.

Sinapak nya ako ng malakas at feeling ko nabingi ako dahil tumama Ang halos kalahati ng palad nya sa tenga ko. Parang namanhid ang parte na nasampal sa akin kaya napahawak ako sa pisngi ko.

"Aray!" Impit na sigaw ko. Ang sakit nun ah.

Dumilat ako ng dahan dahan at tumingin sa kwarto ko. Ang dilim na. Walang ilaw. Panaginip Lang pala. Grabeng panaginip Yun. Akala ko mamamatay na ako.

Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko si mama na nagluluto ng ulam namin. Wala Kasi kaming katulong sa bahay. Hindi namin kailangan ng ganun dahil kaya naman namin itong ligpitin,gastos lang kung mag ha-hire pa kami ng katulong .

Si papa naman nagbabasa Lang ng dyaryo sa Mesa kahit Gabi. Sa gilid nya nakaupo si ate na nagsecellphone naman at si rock na hinihintay Lang Ang pagkain.

"Ma" Sabi ko at umupo na sa tabi ni rock.

"Ah gising ka na pala...kumuha ka na ng Plato dito at magsandok ka na"

Bakit ako?

Tumayo Lang ako at sumunod na. Wala naman akong Laban kapag si mama Yung nagsasalita. Lalo na kapag si papa.

Morri's POV

Kinabukasan ay maaga na akong pumasok para Hindi ako matanong ng teacher ko Kung bakit ako late tinatanong pa nila parang Hindi sila nalate nung nag aaral pa sila.

6:30 pa Lang nasa room na ako. Nagtaka nga din Lolo Kung bakit Ang aga ko daw papasok. Ang Sabi ko May date ako. Binuksan ko ang room dahil sira naman Yung lock nung nasa unang pinto. Dalawa Kasi ang pinto every room. Yung pinto malapit sa board ang sira. Pagkapasok ko ay napahinto agad ako dahil sa gulat. Hinalikan Kasi ako ni Rus!!charr!!

Nandito na agad si rus at prenteng nakaupo sa pwesto nito. Nagbabasa sya ng isang makapal na libro. Nakataas ang paa nya sa upuan ko Kaya pinatungan ko Ito ng bag ko. Tiningnan nya ako ng masama at binaba na Ang paa.

"Good morning" pagbati ko dito saka umupo.

Hindi na ako aasang babati ka. Mas malala ka pa sa mga artista na snobber eh

"Good morning din" rinig Kong Sabi nya Kaya napalingon ako bigla.

"Wow"sambit ko nang sumagot ito.

Tumigil nito Ang pagbabasa at tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Ang aga mo ...binati mo ako...crush mo ako?" Tuloy tuloy na Sabi ko. Bakit ba??pasmado bibig ko eh.

Natawa Lang Ito at umiwas ng tingin. May kinalikot syang Kung ano sa bag habang ako ay nakatingin Lang sa kanya.

"May ibibigay Kang gift??grabe ah "

"Hindi kita crush" Sabi nito at nilabas Ang isang notebook at ballpen.

Ha!haha!hahaha!

"Joke Lang" Sabi ko at humagalpak ng tawa.  Tumawa din Ito pero walang tunog. Parang Yung umiri Lang kapag natatae tapos walang tunog.

"Really?"

" English speaker ka pala?"

"Hindi"

"Okay"

Ang gara nun. Medyo moody,parang timang . Hindi nya daw ako crush  Sino bang nagsabi na crush ko sya??Hindi ko din sya crush.

Nagcellphone na Lang ako at nag scroll sa Facebook. Nagshare Lang din ako ng post para may magawa. Unti unting dumami Yung mga kaklase ko hanggang sa nakumpleto na kami. Wala akong masyadong makausap dahil tahimik si Rus. Si mizu naman maingay nga Ang Hina naman pumick up.

Si Cali,maingay pero Hindi ko pa sya masyadong kaclose. Yung iba hindi ko pa Rin kilala hanggang ngayon. Marami pa naman akong oras para makipagkilala sa kanya.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon