76- Last

760 22 0
                                    

Morri's POV

Nilibot n'ya ako sa company na pinagtatrabahuhan n'ya. Maraming tumitingin sa amin dahil halatang halata naman talaga ang agwat ng edad namin. Matured na ang mukha n'ya dahil sa ayos nito at hindi na sinuot pa ang SQR code para magpalit ng anyo. Sobrang ganda sa loob ng building na Ito. May information area sa loob,couch,madaming ilaw at nagliliwanag talaga ang buong building.

"Sa taas pa 'yung office namin" sambit nito at sumakay kami sa elevator.

Nakasabay namin ang ibang empleyado at karamihan sa Kanila ay binabati Ito. Napangiti ako sa pagiging down to earth nya kahit pa mataas na ang posisyon nito sa kumpanya. Nang matapos maglibot ay ipinasyal nya ako sa park. Kumain Lang kami doon at nagmuni Muni.

"Anong sunod ng kalbi?" Tanong ko dito.

"What?"

"Kalbo"

Napanguso Lang Ito. Matapos nun ay bumiyahe na kami pabalik ng Bulacan. Ilang oras ang inabot namin dahil sa traffic. Ibinaba n'ya Lang ako sa school at nagdrive na s'ya pabalik sa subdivision na tinitirahan n'ya. 

Tama ba na idate ko ang lalaking mas matanda sa akin ng sampung taon?

Alas kwatro na nang makauwi ako sa bahay. Agad akong nagpalit ng damit at naglinis. Pinagluto ko na rin sila lolo at lola para may pagkain na kami mamaya. Kinagabihan ay nag online ako ng account ko.

Rus:

Salamat sa pagsama sa akin. I hope you enjoy accompanying me ;)

Me:

Walang anuman basta ikaw. Nag enjoy ako salamat din :)

Natulog na ako ng mahimbing matapos nun. Kinabukasan naman ay nakipag chat lang ako sa kung Sino sino para mawala ang boredom ko.

Sari:

Ayos lang bang mainlove ulit?

Me:

ikaw ba talaga 'yan

Sari:

Seryoso Kasi

Me:

Syempre naman,basta piliin at suriin mong mabuti. Ang sabi nila,kapag daw papasok ka sa isang relasyon dapat sigurafo ka na,nakikita mo s'ya as partner mo in the future,kaya kung sa tingin mo sya na,,,edi go lang.

Sari:

What if gusto n'ya ako pero may gusto din s'yang iba?

Natawa ako sa message n'ya,siguro dalawa ang puso ng lalaki para mahalin n'ya ng sabay 'yung dalawang babae,haha.

Me:

'wag ganun baka timerin ka lang

Sari:

Okay. Thank you.

"Good morning class"

"Good morning ma'am Anita"

"So this is the last activity that will be held in this school. I'm really looking forward na dito sa section natin ang mapiling mananalo. Sa mga natanggal sa activity. I-cheer n'yo ang mga natitira pa"

"Sino pa ang kasali?" Tanong ni ma'am Kaya nagtaas kami ng kamay.

Apat na Lang kami.

"Okay. So tomorrow is the Recognition for the winner and by afternoon ay ang students day. Be prepared ha. Magpasalon kayo or what so ever Basta choice n'yo na iyon" nakangiting sambit ni ma'am.

Salon huh? Sana all may pera.

Napatingin ako Kay Rus na nakatingin Lang din sa akin. Tinatawanan ako nito. Hangga't hindi pa kasi natatapos Ang activity ay nandito pa rin s'ya Kaya naman kailangan n'yang magdisguise. Kami Lang ni shin ang nakakaalam nito at Wala kaming balak na ipagsabi pa sa iba. 

"Libre na Kita"

"No. Ayokong magpasalon or mag paayos. Kuntento na ako sa hitsura ko. Kuntento na ako sa'yo" pambabanat ko dito kaya natawa na Naman sya.
Hindi na nya kailangang maghabol pa sa mga quizzes na namiss n'ya dahil Hindi naman s'ya estudyante.

Shin's POV

"Shin salo!" Hinagisan ako ni aiki ng espada. Agad kong sinaksak ang kalaban naming estudyante rin.

"Ang lakas nila!" Sigaw ko naman.

"Kalaban natin sila sa ranking Kaya wag ka ng magtaka!" Sagot sa akin ni aiki at tumakbo na s'ya para makipag Laban pa sa ibang estudyante.

"Uy,hi dude" Sabi ng isang lalaki at winasiwas ang kanyang espada sa katawan ko. Mabuti na Lang at nakailag agad ako kung Hindi ay nadaplisan na ako ng espada.

"Sino ka?" Sabi ko at sinugod Ito.

Mabilis ang kamay n'ya Kaya naman nahirapan ako. Sa kada sugod ko ay naiiwasan n'ya.

"Hindi ako sinuka inire ako" Sabi nito at tumawa.

"Ang dami mong sinasabi"

Binilisan ko ang pag atake sa kanya ngunit nasasabayan nya Ito. Mas Lalo akong mahirapan nang nakaramdam ng pagod Kaya naman nahinto ako sandali. Ginawa n'ya iyong pagkakataon para daplisan ako sa braso. Nag init Ang braso ko at tumulo na nag mga dugo. Umatake akong muli ngunit nasaksak nya ako sa tagiliran ko.

Puta!

Nang akmang sasaksakin ko s'ya sa tiyan ay s'ya naman pag ikot nito papunta sa likuran ko kaya muli nya akong nasaksak. Bumagsak ako sa damuhan at tinanggap na Ang pagkatalo. Itutusok na n'ya sana ang kanyang espada sa puso ko nang bigla itong bumagsak sa gilid ko. Nakita ko si Morrie na s'yang sumaksak dito.

"Ops!pasensya na arch" Sabi nito at pumunta sa ibang kalaban.

"Bakit mo ako tinulungan?" Tanong ko dito.

"Bakit?masama?"

"Magkalaban Tayo dito!" Sigaw ko at kinalaban ulit ang ibang estudyante.

"Edi mamaya na Kita tatapusin" natatawang Sabi nito.

Ang yabang!

Napansin ko ang unti na lang namin na naglalaban Laban. Lumipas pa ang mga oras at kaming tatlo na Lang nila aiki Ang natitira. Binagsak ko ang espada ko at naghabol ng hininga. Yumuko ako at huminga ng malalim.

"Tapos na ba?" Tanong ko sa kanilang dalawa na nagpapahinga na rin.

"Tapos ka na" rinig kong Sabi ni aiki at sinaksak ako. Nanlaki Ang mga mata ko sa ginawa nya. Tumawa Ito dahil nabawasan na ang kalaban n'ya.
Hindi ko sya masisisi. Magkalaban kami kaya may karapatan s'yang gawin iyon sa akin. Unti unting nagdilim ang paningin ko at Hindi ko na alam Kung nasaan ako.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon