32- happiness

999 36 0
                                    

Morri's POV

"salamat sa paghahatid"

"Walang anuman"

"I like you"

"Sige"

Pota.

"biro Lang"sambit ko dito na hinampas pa s'ya sa braso.

"Ahh,biro Lang pala"

"may pag asa ba?"

"Palagi namang may pag asa" sagot nya.

"Don't give me false hope"

"I'm not giving you a false hope. If you really want me...then it's okay"

"Eh bakit ka nag e-english?"

"Kasi nag e-english ka rin" sagot nya.

"Okay Lang sa'yo na magustuhan kita?"

"O-oo naman" nahihiya pang sagot nya.

"Ingat ka ah" Sabi ko dito. Ngumiti naman sya at tumalikod na sa akin.

Nakangiti ako ng Todo habang papasok sa bahay. Naabutan ko sila Lolo at lola na gumagawa ng gawaing bahay. Dapat talaga ay kumuha na kami ng kasambahay para naman may katulong sila lola. Tumutulong naman ako pero sa pagkakataon nasa school ako ay hindi ko magagawa iyon.

"Lolo,Lola nandito na po ako"

"Magbihis ka na muna at saka ka magpahinga" sagot ni Lolo Kaya pumasok na ako sa kwarto.

By next week ay makukuha na namin Yung uniform Kaya Hindi ko na kailangang problemahin Kung ano ba dapat Yung isusuot ko. Matapos magpahinga ay lumabas ako ng kwarto at tinabihan sila Lolo at lola na nakaupo sa sofa. Nilabas ko Ang cellphone ko at nakipag video chat kila mama.

Riyu's POV

Hindi ko Alam Kung kailan ba ako manliligaw. Masyado kasing naging mabilis Ang pagkakagusto ko sa kanya. Hindi ko Alam Kung kailan nagsimula ...Basta bigla ko na Lang narealize na gusto ko s'ya. Normal kaya 'yun o baka naamaze lang ako sa ugali n'ya. I really don't know.

Every time na nagkausap kami ni Morrie palagi akong nakangiti at tumatawa. Siguro Tama si shin na Kaya ako natatawa sa kanya Kasi nakakatawa ang mga sinasabi nya.
Minsan nambabara sya pero natatawa pa rin ako. Hindi ko alam Kung may gusto sya sa akin pero Hindi naman masamang sumubok.

Biyernes ngayon at balak ko sanang umamin ngayon Kay Morrie. Gusto ko kaming dalawa lang ang mag uusap para walang gulo. Kung kasama ko Kasi Yung tatlo mang aasar Lang ang mga 'yun. Wala pang isang buwan simula nung naging magkaklase kami,ang bilis nga.

Siguro ay yayayain ko s'ya sa mall tapos ililibre ko sya.

"Cali!" Sigaw ni Morrie Kay Cali na nakikipagdaldalan Lang sa mga kaklase namin. Tumingin sa akin si Cali bago lumapit Kay Morrie na prenteng nakaupo sa arm chair kaharap si Rus na nakaupo Lang din sa upuan nya at nakatitig Kay Morrie.

Nasa harap ako ngayon ni shin na nakabaliktad Ang upo para masulyapan ko si Morrie.

"Umamin ka na Kasi pre baka maunahan ka" sulsol ni rex sa akin habang busy sa paglalaro sa cellphone nya.

Napatingin sa akin si shin na malalim Ang iniisip.

"'Wag Kang epal. Ako na bahalang dumiskarte"

" Alam ko sabay silang umuwi kahapon ni Rus. Hinatid nga ni Rus si Morrie sa bahay nila. Grabe si Morrie Ang ganda talaga" sabat naman ni rix.

"Talaga?" Tanong ni shin na lumingon na sa pwesto nila Morrie.Nagtatawanan Lang sila Morrie habang pumapalakpak pa. Halatang may pinag titripan.

"Oh?bakit ka namumula?" Rinig Kong tanong nya Kay Cali na nagtatakip na ng mukha.

"Oo nga pre, tanong mo mamaya kay Morrie para sure" sagot ni rix Kay shin.

Binalik ni shin ang tingin nya sa harap habang ako ay nakatingin pa rin Kay Morrie. Halatang Hindi sya nauubusan ng tawa sa katawan at 'yun Ang gusto ko sa isang babae.

"Ang pogi naman, grabe Sana all!" Sigaw ni Morrie na tumawa na naman ng malakas. Buti lunch break ngayon Kaya pwedeng mag ingay.

"Eh ikaw nga gusto mo si Rus Hindi ka naman gusto" sabat ni Cali dito.
Napatingin ako Kay Rus na natawa Lang sa sinabi ni Cali. Gusto ni Morrie si Rus??tapos hinatid s'ya kahapon sa bahay nila?

May pag asa ba ako??

"Oh eh ano naman ngayon. Atleast ako hinahatid sa bahay eh ikaw nga Hindi nya man Lang Alam na crush mo sya " pang aasar ni Morrie Kay Cali na sinasabayan ng malakas na pagtawa.

"Oh, Sabi sa inyo eh hinatid sya eh" Sabi ni rix na naririnig pala Ang pinag uusapan nila Morrie.

"Tamang tingin Lang sa kanya "

"Epal ka girl?"

"Oo epal ako. Ikaw epal ka?" Sabi ni Morrie at humagalpak na naman ng tawa.

Natawa Lang ako habang pinagmasdan sya. Halatang expert sa pang iinis sa mga kaclose nya.

"Huy Tama na kawawa naman si Cali" sabat ni mizu.

"Okay sige ikaw naman" Sabi nito at tumawa na naman.

"Jeru pakasalan mo na raw si mizu kating Kati na sya makasama ka" pang aasar ni Morrie.

"Hoy, puta Wala akong sinasabi" inis na Sabi ni mizu.

"Oh bakit ka nagmumura??minura ba Kita?"

"Epal ka eh"

"Epal ka rin, crush mo Lang si jeru eh"

"Baka maoffice ka Morrie dahil sa mga pinagsasabi mo" Sabi ni aiki na nakikigulo Lang sa usapan.

"Ahhh edi ipaoffice nila. Samahan ko pa sila eh"

"Weh talaga ba?" Si Cali.

"Matapang ka Lang Kasi Hindi mo pa nararanasan"

"Anong Hindi??naoffice na nga ako Nung isang araw eh" Sabi nito at humagalpak na naman ng tawa.

"Biruin mo Yun. Pinilit nya akong sabihin Kung ano Yung nasa isip ko tapos Nung sinabi ko bigla akong pinapunta sa office, tangina lakas ng sapak" natatawang Sabi ni Morrie.

Natawa Lang din Yung mga kausap nya. Isa lang ang talagang narealize ko habang nakikinig sa mga pinagsasabi nya,malakas s'ya mangtrip.

"Baka marinig ka Morrie" saway ni mizu.

"Ahy sorry jeru. Pasmado bibig ko eh "

"Malapit na Yung next subject" paalala ni Cali.

"Kaya nga eh. Sabihan mo Yun si sari. Nakikipagchat pa din sa bebe nya Wala namang forever" Sabi ni Morrie na tumingin Lang Kay sari na nagsecellphone sa isang gilid. Inirapan nya Lang Ito.

Bumalik na sila sa upuan nila at tumahimik na.

Hays. Hindi ko Alam Kung itutuloy ko ba,baka Kasi hindi nya ako gusto. Gusto ko ba talaga s'ya o crush lang?ang gulo!

"Riyu!" Tawag sa akin ni Morrie.

Agad akong napatayo at tumingin sa kanya.

"Bukas ah" Sabi nya at kumindat pa.

Ha??anong meron bukas???

"Libre mo ako Hindi ba?" Tanong nya Kaya napatingin Ang karamihan ng kaklase ko sa aming dalawa.

Tumango Lang ako.

Oo nga pala!!Hindi ko na kailangang yayain sya Kasi sya na mismo Yung nag aya sa akin Nung nag usap kami matapos n'yang maoffice. Ililibre ko sya at ipapakita ko sa kanya Yung mga pictures namin ni kuya na naikwento ko sa kanya.

Naabutan Kasi ni kuya Yung nakaraang game ng  school Kaya namamangha sya dito.

Aaaaaa. Buti na Lang!!!

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon