38- sweet

923 28 0
                                    

Morri's POV

Naglalakad na kami pauwi sa bahay. Mag aalas singko na at Hindi na masyadong mainit. Bagamat mayroon pa ring sinag ng araw na tumatama sa aming balat. Napagpasyahan nilang ihatid ako para sigurado daw na ligtas akong makakauwi sa bahay.

"Ito pa" sabi ko at ibinigay ang isang papel na nakalagay sa isang envelope na medyo malaki at may magandang design.

"May pera ba Ito sa loob?" Pambibiro nya.

"May Bomba 'yan sa loob"

"Salamat talaga ah. Babasahin ko Ito mamaya"

"Basahin mo talaga. Alangan namang titigan mo Lang"

"Ang Ewan mo talagang kausap minsan. Try mo kayang magseryoso o Kaya kumilos kang parang dalaga talaga. Masyado Kang isip Bata eh"

"Sige "

Narating namin hanggang sa Labas ng bahay namin pero Hindi ko na sila pinatuloy sa loob ng bahay. Sa susunod ko na Lang sila ipapakilala sa Lolo at lola ko.

Shin's POV

"Pre happy birthday ulit ah" sambit ni rix na katabi ko sa kaliwa ko.

"Salamat pre"

Naglakad na kami pabalik sa subdivision at nagpaalam sa isat Isa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa envelope dahil baka liparin Ito.
Pagkabalik ko sa bahay ay nandoon na sila mama at papa.

"Happy birthday markuz anak" Sabi ni mama sabay yakap at halik sa pisngi ko. Tinapik naman ako ni papa sa balikat. Kinuha ni mama ang isang bag na parang case at iniabot sa akin. Tinanggap ko agad iyon at binasa Ang nakasulat.

Hp laptop!

Nanlaki ang mga Mata ko at agad itong binuksan sa harap nila mama. Tumambad sa akin Ang pinakabagong model ng Hp na ang tagal ko ng hinihiling sa Kanila.

"Thank you ma,pa" Sabi ko habang yakap yakap ang bagong laptop ko.

"Paano ako ma?"

"May laptop ka naman na ate pagtiyagaan mo na 'yan" Sabi ni papa Kay ate.

Kumain Lang ulit kami at magkwentuhan about sa business nila mama at papa. Pati na Rin sa kurso ni ate at kukunin Kong kurso.

"Civil engineering??Gaya ng kurso na kinuha ng kuya ni cedrick?" Tanong ni papa.

"Yes pa"

"Okay sige" sambit nya.

Matapos kumain ay nagpaalam na ako na pupunta sa kwarto ko. Dala dala ko pa rin Ang laptop ko at excited na gamitin Ito. Nilapag ko Ito sa Kama at binuklat Ang envelope na binigay kanina sa akin ni Morrie.

From: Morrie jane Castro

Dear bebeqhoe,

Una sa lahat,,,happy birthday,,,pangalawa,,,happy happy birthday,at higit sa lahat,,,happy happy happy birthday . Magpakasaya ka palagi. Friends na Tayo Kaya pwede mo akong mapagsabihan ng drama mo sa buhay. Mag iingat ka palagi at kumain sa tamang oras. Sana magustuhan mo Yung regalo ko. At alalahanin mo 'yung paalala ko sayo about dun sa panyo ah,,,Kung iiyak ka wag mong ipamunas 'yan baka gusto mong ipamunas ko 'yang mukha mo sa sahig hahha charot Lang. Yun Lang,,,Kita kits sa school ah.

Sincerely yours,

Morrie

"Ang jeje mo talaga kausap kahit kailan" napakamot ako sa ulo ko habang binabasa iyon. Matapos nun ay bininyagan ko na Ang  laptop ko at nanood ng Kung ano ano sa Netflix. Mabuti na Lang at may internet kami sa bahay. Ini-add ko agad si Morrie sa Facebook dahil Alam ko na ang pangalan nya. Bukas siguro ay itatanong ko na Ang mga buong pangalan ng mga kaklase ko para mai-add ko sila sa Facebook ko.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon