53- activity # 4

853 23 0
                                    

Shin's POV

Hindi kagaya ng dating activity ay hindi kaagad kami nakabalik sa room. Nagising ako dahil sa tapik na naramdaman ko. Nawala na ng paunti unti ang sakit mula sa sugat ko. Ang mga malalaking na sugat naman ay nawala na.

"Okay ka na pre?" Tanong ni riyu.

Tumango lang ako at tiningnan ang iba pa. Gumigising na sila Cali at aiki na nasa Hindi lang kalayuan.

Ginising ko si Morrie na tulog na tulog Lang sa Tabi ko.

"Morrie"

"Morrie"

Nagmulat Ito ng Mata at dahan dahang bumangon. Kinusot nya ang mga mata nya at tiningnan ang paligid. Tirik na ang araw. Hudyat Lang na lumipas ang buong araw na nandito Lang kami.

"Tapos na ba?" Tanong nya.

"Tapos na"sagot ko.

Lumapit sa amin ang mga kagrupo ko. Kumpleto pa Rin kami hanggang ngayon.

"Bakit Hindi pa Rin Tayo nakakabalik?" Tanong ni rex na nagbubungkal Lang ng lupa. Magkakasama na rin ang iba pang magkakagrupo at Wala na ang mga kalaban namin.

"Ewan" tanging naisagot ko na Lang. Wala akong alam sa mga nangyayari.

"Lumipas na pala ang isang buong Gabi. Baka nag malfunction 'yung ginagamit nilang technology para mapunta tayo sa ibang lugar. Baka natrapped na tayo" Sabi naman ni Morrie.

"Wag ka namang manakot Morrie" sambit ni aiki.

"May nakakatakot ba dun??may sinabi ba akong multo?ha?" Seryosong Sabi nito.

"Oh bakit ka galit?"

"Hindi ako galit"

Magtitigan Lang sa mga minutong lumilipas. May ibang humihiga sa lupa meron namang ibang nanatiling nakaupo.

"Nagugutom na ako" reklamo ni sari na nakahawak na sa tiyan nya.

Tumayo ako at inaya ang mga lalaki Kong karupo.

"Maghanap Tayo ng pagkain sa buong lugar. Rix,rex,riyu,Morgan. Tara. Girls dito Lang Kayo"

Tumayo na Rin sila habang sila Morrie naman ay nanatiling nakatulala sa lupa. Tumba tumba pa rin ang mga puno. May ibang estudyanteng naghahanap na Rin ng pagkain.

"Ito ba Yung sinasabi nilang survival of the fittest?" Tanong ni riyu.

"Siguro"

"Daig pa natin Yung mga cast sa temptation island ah. Pero dito puro nakatumbang puno lang. Doon naman may island "pagkukumpara ni Morgan.

"Kainin na Lang kaya natin 'yung mga girls" suhestiyon ni rex.

"Hala. Ibang Kain 'yung naisip ko" Sabi ni rix at humagalpak ng taea..

"Dugyot ka rix. Gabi Gabi ka sigurong nanonood 'no?" Tanong ko dito.

"Hindi naman. Once a week Lang"

"Kadiri ka"

"Wow. Nagsalita Ang Hindi nanonood"pang aasar nito.

Tinawanan ko Lang Ito. Bumalik kami sa dati naming puwesto na walang dalang anumang pagkain. Bigo ang mga mata nila nang Makitang wala silang dalang kahit ano.

"Wala talaga?" Tanong ni sari.

"Wala eh. Wala ring nahanap 'yung iba. Maghintay na lang tayo hanggang sa makabalik tayo sa room"

Nahiga na kami sa lupa. May mga malalaking pagitan ang bawat Isa. Katabi ko sila rix na winawasiwas lang Ang punong kahoy sa hangin.

"Rank 1780 na ako" sambit nya. Kusang napatingin ang mga mata ko sa pulso ko at nakita ang malaking pagbabago nito.

From 2341 naging rank 1230 na Ito.

"1230 akin" sambit ko na Lang.

Nagsabi sila ng Kani kanilang rank at Gaya ng dati nangunguna pa din si Morrie.

"Rank 989" sambit nito.

"Ang Sabi ay pito Lang ang magiging activity. Nakakaapat na Tayo. May natitira na lang tayong tatlong activity at matatapos na ang lahat" Sabi ko sa Kanila.

Wala ng nagsalita matapos niyon. Pumikit na Lang ako at inalala Ang nangyari kagabi.

Yung nasaksihan ko...

Kasalukuyang nakahiga sa lupa si Morrie. Akmang sasaksakin na sya ng isang kalaban nang nahagip ng mata ko Ang isang kalaban na tumakbo papalapit sa kakampi nito at sinaksak Ito sa likod. Matapos nun ay umalis na sya at kinalaban naman Ang mga kakampi namin.

Isa syang traydor na pinakanagustuhan ko. Niligtas nya si morrie sa Hindi malamang dahilan. Alam kong kahit si Morrie ay iniisip Ang nangyari ngayon.

Hindi na normal ang Laban na Ito. Unti unti nang humihirap at nagiging kakaiba. Dapat sa mga oras na Ito ay nasa room na kami pero Wala,nakalipas na ang buong Gabi ay Hindi pa din kami nakakauwi.

Pinilit ko na ang mga mata ko at nag umpisang matulog. Kinabukasan ay nagising ako na nasa kwarto na ako ng bahay namin. Tahimik ang paligid. Nang lumabas ako ay Wala na doon sila mommy ngunit nag iwan Ito ng sulat na nilagay nya sa Mesa.

Maaga kaming umalis ng daddy mo. Sumabay na rin sa Amin Ang ate mo. Dadalhin namin si rock sa restaurant. Ingat ka sa school ah. Nga pala wag Kang nagpapastress na pag aaral ah. I love you markuz.

Markuz. Iyon nga pala ang pangalan ko. Nawala na sa isip ko ang salitang iyon dahil na rin sa nakasanayang codename. Hindi ko Alam Kung tama ba Ito pero hintayin ko na Lang na matapos ko Ito at makagraduate na sa school na iyon. Nilock ko Ang pinto bago umalis ng bahay. Dumiretso na ako sa school at nadatnan si Morrie na nakaupo Lang sa upuan nya.

"Good morning" pagbati ko dito.

Ngumiti Ito sa akin bago sumagot.

"Good morning din,shin" sambit nito. Umupo na ako sa upuan ko at Hindi na nakipag usap pa. Nakinig Lang ako sa music hanggang sa dumami na kami sa room.

Umupo sa harap ko si Mel. Kaklase din namin. Babae sya at kung Hindi ako nagkakamali ay Ito 'yung nasa tapat NG upuan ni Morrie.

"Hi Mel" masayang bati ko dito. Ayoko naman kasing maging snobber. Baka nasabihan pa akong masungit.

"Hi. Gusto kita" diretsong Sabi nito. Napalunok ako ng laway at tumitig dito. Walang bahid ng pagbibiro Ang mga sinabi nya.

Sana ganyan din si Morrie.

"Haha,nice one"

"gusto mo rin ako?" Tanong nito.

"Nope. May iba akong gusto" sagot ko dito kahit hindi naman ako sigurado Kung may gusto ba talaga akong iba.

O meron nga pero Hindi pa fully developed. Meron pero gusto Kong itanggi. Meron pero imposibleng maging kami.

"Uhmmm,ayos Lang. Maghihintay ako"

"Ha?" Naguguluhan Kong tanong dito.

"Kung iniisip mo na mabilis akong nainlove sayo nagkakamali ka. Simula nung junior high,gusto na Kita"
.

What??Hindi ko sya kilala,wala akong naging kaklaseng Mel.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon