80- Yes

875 17 0
                                    

Shin's POV

Lumipas ang maraming araw at buwan. Alam jong imposible na magustuhan ako ni Morrie Kaya naman tinigil ko na ang paghanga sa kanya. Nagpaparamdam naman si aiki na may gusto s'ya sa akin ngunit Hindi ko Ito siniseryoso.

"Oo nga,gusto kita"

"Ah,kwento mo sa pagong"

Lumipat ako ng pwesto ng upuan at Hindi na s'ya pinansin pa.Hays. Sana magustuhan din ako ng babaeng gusto ko. 'Yung mga kagkakagusto sa akin nirereject ko agad kahit ayos naman sila. Pero iba pala talaga kapag puso mo na ang nagdidikta sa sistema mo. Mahirap labanan,kaya nasasabihan ang iba na martyr eh,pero ang kasalanan lang naman nika ay nagmahal sila ng tao na kahit kailan ay hindi kayang ireciprocate 'yung pagmamahal nila. Ibig sabihin lang nun,kailangan nating tanggapin na hindi tayo para sa kanila,may tamang tao na nakalaan para sa atin at kailangan na lamang natin itong hintayin.

Morri's POV

Sinundan ko si jeru papunta ng field. Alas kwatro na ng hapon at nagpaiwan ako para lang mahuli si jeru. Hindi ko na sinama pa si mizu sa Plano ko. Nasa bleachers s'ya ngayon at nakaupo sa unang palapag nito. Nagtago ako sa puno na malapit sa court para hindi ako Makita. Maya Maya pa ay may lumapit sa kanyang isang babae kaya hinayaan ko Lang Ito. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at pinakinggan ang pinag uusapan nila.

"Makipaghiwalay ka na kasi sa kan'ya"

Nanlambot ang mga paa ko sa narinig. Unti unti akong lumapit sa Kanila at nagpakita dito. Tiningnan ko si jeru at si Sari na gulat na gulat sa presensya ko.

"Uy, hi Morrie" bati sa akin ni sari.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganito. Siguro dahil malapit sa akin si mizu at nasasaktan ako para sa kan'ya. Nag init ang gilid ng mga Mata ko pumatak na ang mga luha.

"Bakit?" Nagsusumamong tanong ko sa Kanila.

"Bakit Sari?"

"Morrie..."

"Bakit si jeru pa?!" Sigaw ko at hinayaan ang mga luha kong mag unahan sa pagbagsak  

"Morrie please,'wag mong sabihin" naiiyak nang Sabi ni sari.

"Kaibigan kita sari..."

"Wag ka ng makialam Morrie" sabat ni jeru Kaya sinampal ko Ito ng malakas.

"Ang kapal ng mukha mo! 'wag makialam?!ha?!niligawan mo si mizu tapos paiiyakin mo lang?!!ipapalit mo Yung kaibigan namin?!ha?!gago ka!" Sigaw ko at hinampas Ito sa katawan.

"Morrie Tama na..."

Huminga ako ng malalim at hinarap si sari.

"Magpaliwanag ka bukas kay Mizu. Mauuna na ako"Pinalis ko ang luha sa pisngi ko at naglakad palayo sa Kanila.

"Morrie!" Sigaw ni sari ngunit Hindi ko Ito pinansin.

Nangyari na Ito,ito 'yung nasa panaginip ko.Nanaginip na rin ako NG iba at ayokong mangyari 'yun. Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong chinat si mizu.

Me:

Hi. Nahuli ko na sya ;)

Mizu:

Sino?

Me:

Wag Kang mabibigla ah...

Mizu:

Sige..

Me:

Si....sari

Hindi na Ito nakapagreply at alam Kong umiiyak na s'ya ngayon.

Rus:

Next day birthday mo na. Pupuntahan Kita d'yan pangako. Sorry Kung busy ako ah. I love you.

Malapit na nga pala Yung birthday ko.

Me:

Okay lang. Ingat ka sa pagpunta dito. Mwah:^

Natulog na ako matapos ichat si Rus.
Kinabukasan nga ay Alam ko na ang mangyayari. Pero Sana wag naman malala. Wag naman sanang may magsabunutan. Nasa bleachers kami dahil lunch break na. Pinapunta namin si Sari at Jeru dito para makapag usap. Namumugto ang mga Mata ni Mizu kakaiyak at talaga namang naaawa ako sa kan'ya.
Nang magkaharap sila ay nanatili kami nila aiki at Cali sa likod ni mizu. Tinititigan n'ya Lang Yung dalawa at sinusuri Ito.

"Suntukin mo na girl" sambit ni Cali.

"Huy baliw ka" sabat ni aiki.

Kung ako sa kanya,papatayin ko na 'yan,charot.

"Uhmmm...gusto mo s'ya sari?" Tanong ni mizu. Tumango Lang si sari habang nakayuko.

"Gusto mo s'ya jeru?"

"Oo"

Aba!Ang lakas ng loob ah!

Lumapit si mizu Kay jeru at sinampal Ito ng malakas.

"Wooaahhh!hardcore 'yun ah" si Cali.

"Ang kapal ng mukha mo jeru!ako pa ang gumagastos sa date natin! Pakyu ka!" Sigaw nito at sinampal ulit si jeru. Humarap naman s'ya Kay sari at niyakap Ito.

"Hala. Bakit mo niyakap?" Tanong ko dito.

"Goodluck...ex best friend" Sabi nito at naglakad na palayo.

"Sorry mizu...." Umiiyak na sabi ni sari.

"Sari ka girl...sarrii" pang aasar ni Cali dito. Sumunod kami ay mizu at pinatahan s'yang muli.

"Wag ka ng umiyak. Birthday ko na sa Friday. Bawal umiyak dun ah" Sabi ko habang hinahawakan ang buhok nito

"Oo nga,'wag ka ng umiyak,lalaki Lang 'yan. Maraming lalaki sa mundo"

"Kilalanin n'yo muna Kasi,tingnan n'yo ako...Hindi ko pa rin sinasagot si Rus" proud na Sabi ko sa kanila.

"Walang nagtanong girl" si Cali.

"Pakyu ka bente"

Ang toxic kapag ang boyfriend or girlfriend mo ay kaklase mo Lang. Mas lalong toxic kapag 'yung pinalit n'ya sa'yo ay kaklase mo at best friend mo pa. Hays. Hindi ko Alam Kung paano kami nakakasurvive dito.

Friday na ngayon Kaya naman birthday ko na. Masaya akong bumangon sa higaan ko at hinalikan sila Lolo at lola sa noo nito.

"Happy birthday Apo"

"Salamat po"

Gaya ng sinabi ni rus ay pumunta s'ya sa Bulacan. Hinintay n'ya na matapos ang klase namin Kaya naman atat na atat akong makauwi.

"Happy birthday Morrie" pagbati ni Shin.

"Thank you"

"Happy birthday!!!"

Marami pa ang bumati sa akin at nagpasalamat na Lang ako sa mga Ito.
Nang mag uwian ay nakita ko agad si Rus sa tapat ng gate. Agad ko itong sinalubong ng yakap at kiss sa pisngi Kaya nagulat Ito.

"Oh Tara na, love" Sabi ko at hinawakan s'ya sa braso nito.

"Love?"

"Yes,love. Tayo na" Sabi ko at hinalikan syang muli sa pisngi hihihi.

"Talaga?"

"Talagang talaga"

Natahimik Ito at nagtiim bagang.

"Bakit?" Nag aalalang tanong ko dito. Baka ayaw n'ya...

"Gusto Kong sumigaw kaya Lang nahihiya ako"

"wag kang sumigaw. Ikaw naman na 'yung sinisigaw ng puso ko eh" sabit ko at tumawa

" I love you, Morrie"

"I love you too,Arvin" Sabi ko at hinila na sya papunta sa bahay.

Ipapakilala ko sya sa family koooo!!!!

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon