46- letter

866 25 0
                                    

Morri's POV

Naging normal lang ang araw na Ito para sa akin. Nakikinig ako sa discussion ng mga teachers ko at nakikipagdaldalan kahit kanino ko man gusto.

"Nagbigay na ng update si sir Zea about sa students day that will be held on the second week of August. Ang lahat ay kailangang pumunta. Uniform pa rin ang isusuot but you are tasked to find a partner para sa sayaw. Parang sa Lang iyong JS prom or acquaintance party pero sobrang simple Lang. By next week kukunin ko Ang list ng magkapartner. Ms. Secretary kindly send me the list. Mr. President ikaw ang magpanatili ng kaayusan sa magaganap na event. Ang hawak mo lang ay buong section. Bawal Ang magkagulo doon. Ms. Vice President tulungan mo si President"

"Eh ma'am may pagkain po ba?" Tanong ni Morgan.

"Yes. Of course. Si sir Zea na ang bahala roon. It's a treat para na rin sa mga mananalo"

"Mga?" Tanong ko naman.

"Yes. The rank 10 will receive different prizes and dun naman sa rank 1 Hindi pa nasasabi sa amin"

Tumango Lang ako. Wala naman akong pakialam kung sino ang manalo. Basta nag eenjoy ako. Pero syempre,gusto ko rin manalo.

"Any question?"

"Wala na po ma'am" sagot ng iba Kong kaklase. Lumabas na si ma'am sa room at Filipino na ang subject.

"Dahil komunikasyon ang sentro ng aralin natin. Gusto Kong gumawa Kayo ng isang letter at ibigay Ito sa kanino n'yo man gustong ibigay. Matapos sumulat ay ilalagay nyo Ito sa harap at ako na ang bahalang magbigay sa paroroonan nito o pwede naman na basahin na gang din mamaya. Wag na kayong maglagay ng pangalan kung nahihiya Kayo. Ang paglagay ng codename ay optional. Maaari na kayong mag umpisa" sambit ni mam Deles.

Letter??anong klaseng letter naman?

Napatingin muli ako sa likuran ko at tiningnan ang bakanteng upuan ni Rus. Tahimik akong ngumiti at nagsulat sa isang papel.

To my someone,

Hi. Nasaan ka na ba?Hindi kita Makita?bulag na ba ako? charot. Sana masaya ka palagi. Kumain ka sa tamang oras ah. Usap Tayo pagkabalik mo. Hintayin kita.

Nagmamahal,

Lang ako

Medyo taglish ang sinulat kong liham pero ayos Lang. Kahit pala sa isang letter ay makulit din ako.

Matapos ang ilang minuto ay ipinasa ko na Ito sa harap. Pinagsama sama ni ma'am Deles ang mga liham at nagpatulong magbasa Kay shin.

"Ma'am bakit ako?" Reklamo n'ya.

"Ikaw ang presidente ng klase"

Tumango na Lang si shin at naglakad papunta sa harap. Kumuha sya ng isang papel at binasa iyon.

"Dear M,...

Hi. Sana mas makilala pa Kita. Masaya kang kausap at talaga namang nag eenjoy ako. Sana palagi kang masaya. "

Nagpatuloy pa sya sa pagbabasa at Kung hindi ako nagkakamali ay halos love letter ang lahat ng nakasulat doon. Walang nagtangkang isulat Ang codename nila.

"Nang mainlove  ako sa'yo kala ko'y pag ibig mo ay tunay"

Nagsitawanan kami dahil sa isang lyrics ng kanta na binasa ni shin.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon