08- conversation

1.2K 37 2
                                    

"Morrie Jane name ko...pero Morrie na Lang pag tinamad Kayo" pagbibiro ko.

"Joker ka pala" sabat ni riyu.

"Jokerist dude" Sabi ko at nginitian Ito. Nagtawanan Lang Yung mga kagrupo ko.

"Galing kaming Bataan tapos nagtransfer Lang ako dito dahil Wala na akong kamag anak dun sa iniwan Kong lugar"

"Sana all may lugar" pambabasag trip ni shin.

"Hayaan mo na,may lugar ka naman sa puso ko eh"

"Yieieiieei" pang aasar nila.Natahimik Lang si shin sa sinabi ko.

Baka mainlove ka sa akin. Easy ka Lang.

"Mabait ako sa personal"

"Eh ano ka ba ngayon?" Natatawang tanong nila.

"Tao"

"Puta joker amp" si rex na tumatawa Lang.

"Basta magtulungan Lang Tayo...gagawin nating the best Yung grupo natin" Sabi ko kahit Wala naman talaga akong pakialam sa grupo namin.

Next na si mizu.

"I'm Michelle zurriah,mizu for short"

"Michelle!" Tawag ng Isa Kong kaklase.

"Bakit?" Tanong ni mizu.

"Zurriah" Sabi nito at humagalpak ng tawa. Natawa din ako kahit Ang korni.

"Bakit?" Naguguluhang tanong nya.

Ahy Bobo nga pala. Hindi nya nagets Yung joke. Parang 'sorry ah' Kasi Yung second name nya.

"Wala Ang ganda mo" Sabi ng lalaki na si Morgan pala. Ang bilis Kong makalimot. Gaya na Lang ng paglimot nya sa akin.

"Thanks" Sabi nito.

Nagpatuloy pa Ang pagpapakilala hanggang matapat na Kay Cali.

"Catherine Danielle...Cali na Lang para mas madali"

Nakatuon sa kanya Yung atensyon ng mga kagrupo ko. Hindi na ako magtataka. Sya Kasi Yung pinakamaganda sa group namin. Para sa akin Lang Yun. Baka next ako.

"Ako naman si Sarah miandra...sari na Lang " pakilala ni sari na flat ang boses.

Wow. Ang cold kausap.

 

"I'm rushan zaccharid" Sabi ng bago naming kaklase.

"Ang cool NG name mo pre ah" Sabi ni rex.

"Thanks"

"Yun Lang sasabihin mo?"

"Yes" sagot nito na ikinatawa namin.

"Hindi ka naman nagtitipid 'di ba pre?" Tanong naman ni Morgan.

"No"

Okay. So I guess Yun na talaga. Wala na talaga kami. Charot.

"Okay next naman...marunong ba Kayo sa martial arts or kahit ano Basta sa field NG pakikipag Laban?" Tanong ni shin.

"Ano namang konek Nyan sa grupo natin?" Tanong ko.

Mema sya eh.

"Wala Lang...masama bang magtanong?"

Inirapan ko Lang Ito.

Riverretus High AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon