Prologue

324 58 25
                                    


Thy Heart

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents, are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.

Read at your own risk.

~~~~~

Hindi natin masasabi kung paano natin gagawin ang mga bagay na gusto natin, kung paano natin makakamit ito, kung ano ang mga handa natin na gawin para lang makuntento tayo. 

"Sabi ni Father dati, ang hangganan ng buhay ng tao ay hanggang pitumpu lamang! Jackpot na kung lumagpas ka pa!" Sigaw ni Greezia habang naglalakad kami sa madamong daanan ng aming paaralan papunta sa cafeteria. Malakas naman na tumawa si Alaya samantalang tahimik lamang akong nakikinig sa kanila. 

"Jackpot! Minsan nga hindi ka pa aabot sa ganoong edad, kaya dapat gawin na natin ang gusto nating gawin. YOLO!" Sambit ni Alaya habang nakangiti pa

"Ikaw Chantaye? Any totz?" Maarteng tanong nya sakin habang inaangat angat pa ang kilay at naka-ngiti. 

"Huh?" 

Kung sa ibang pagkakataon pa sana ito, baka nakisabay ako kay Alaya sa pang-aasar kay Greezia ngunit hindi mawala sa isip ko ang narinig ko sa mga magulang ko kagabi. 



"What the fuck, Eloisa!" Napapikit ako habang narinig ang mga kalabog sa kabilang kwarto, silid ng mga magulang ko. Gusto ko sanang takpan ang mga tenga ko ngunit hindi ko magawa, na tila ay may naguudyok sa akin pakinggan ang pagtatalo nila. 

"Mahal na mahal mo parin siya?!" 

"Edmond! Huminahon ka, please. Maririnig ka ng anak mo!" I imagined my mom, my sweet and beautiful mom, walking towards my dad and trying her best to keep my father calm.

"Huminahon? Puta! Paano ako hihinahon, Eloisa? Saan ka nagpunta at ginabi ka? Nakipagkita ka sa dati mong nobyo?! At ano ang ginawa niyo habang nakatalikod ako?! Huh?!" 

I heard my father's wrath. I can hear his frustration. For mom, whom he loved the most. Pinigilan ko ang mga luha ko na tumulo,

"For years, I have loved only you, Eloisa! Did my very best to give you everything that I could and yet," hindi natapos ni dad ang sasabihin dahil sa palagay ko ay nanghina siya habang sinasabi ang mga katagang binitawan niya. Humagulgol si Mama. I can feel my Dad's pain. Their pain. 

My Dad's pain for loving my mom so dearly and my Mom's pain for loving someone else whom she can't have and stuck here with me and dad.

Hindi ko na napigilan ang luha sa kanilang pagtulo. Sunod sunod ito na animo'y tubig sa gripong hindi naisara ng maayos. Nagtalukbong ako at tahimik lamang na umiyak. 

Growing up, I saw my dad giving my mom everything. He would always hug her every time he came home. always asks her if she's okay. made her feel like a queen. I admired it then. I would always tell my mom that when I grew up, I wanted what they had.

Pero ayoko na pala. 

Hindi ko alam kung paano nagsimula na maging malayo ang loob ko kay Mama at Papa. At minsan pa'y hinihiling ko nalang na sana maghiwalay pa sila. Matanda na sila parehas at alam na nila ang ginagawa nila. Ang panahon at oras, nasasayang.

Alam ko, hindi na masaya ang Mama ko, pero mahal na mahal siya ni Papa. Hindi siya mabitawan nito. 

"Bakit hindi nalang kayo maghiwalay?" Hindi ko napigilan ang ang paglabas ng mga katagang iyan sa bibig ko isang araw habang nagsasalo kami para sa hapunan. Nag-away nanaman sila kagabi at hindi nanaman nagpapansinan ngayon. 

Hindi ako nagsisisi na tinanong ko iyon. Nagsisi lamang ako noong nakita ko ang sakit sa mata ni Dad. Iniwas ko ang tingin ko at nagpasya na na tapos na akong kumain at umakyat na sa kwarto ko. 

Tahimik lamang akong nagbabasa at nagpapantok noong kumatok si Dad sa pinto ng kwarto ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"I love your Mom, Anak. I really love her. I can't let her go. Hindi ko kakayanin, Chantaye." Umiiling pa si dad habang pinipigilan ang kanyang luha. 

"I love her so much na tatanggapin ko lahat. Kahit kakarampot na pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin, ako na bahalang mag-alaga at suklian siya kahit pa kulang ang binibigay niya,"

Noong gabi din na yon, nagpasya ako na sana, sana kung magmamahal man ako ay hindi katulad ng pagmamahalan nila. Masakit. Nakakadurog at nakakasira. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon