Kabanata 13

58 7 12
                                    

Saglit akong natigilan sa sinambit niya kaya namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging ang hagikgik nalang ni Raika ang naririnig namin galing sa malayo.

How he talked about his dreams, amazed me. Sa batang edad ay marunong na siyang mangarap. Samantalang ako, kung hindi niya pa tinanong ay hindi ko pa lubos na maiisip. Hindi ko pa aaminin sa sarili ko ang gusto ko sa takot na baka hindi ito tanggapin ng Mommy ko.

I believe dreams are made because of inspiration. Everything we experience in life, good or bad, can motivate us to achieve our dreams.

All of us are living a life that is different to others. For that, how we dream and how we spend every second and every effort to achieve them differs.

"Umuwi na tayo. Dumidilim na." aniya na nagpabalik sa akin sa ibabaw mula sa malalim na pag-iisip. 

Agad siyang tumayo, buhat si baby Rhett. Naiwan akong nakaupo doon at nakatingin lang sa seryoso niyang mukha. I remember how Arkiel told me that he got some issues. He even told me that maybe soon, I'll figure it out. 

Do I need to figure it out? 

"Ano? Crush mo na?" He smirked. Napansin niya yata ang tingin ko. Agad ko siyang inirapan at tumayo. Tumunog ang mga bakal na swing dahil sa ginawa ko. 

"Ay oo nga pala. Matagal na..." pang-aasar niya lalo.

"Kapal ng pisngi mo ha?" umiiling ako. Bahagya siyang natawa. His amused eyes are now looking at me. Nakabalandra na ang kanyang mapaglarong mga ngiti. Binasa niya ang kanyang labi bago siya nagsalita.

"Hahalikan mo din 'yan balang araw..." he joked.

Nawala ako sa sinabi niya ngunit agad kong pinilit ibalik ang sarili ko sa wisyo. Nagulat man ay tinago ko iyon sa pamamagitan ng isang irap kaya tumawa siya. Bunganga talaga ng lalaking 'to.

"Tara na," hindi ko nalang pinansin iyon at tinalikuran ko siya bago tinawag sila Raika at sabay na kaming naglakad pabalik sa bahay nila. 

"Dito ka na kumain. Magluluto lang ako," aniya habang binababa si Rhett sa kaniyang crib. Binuksan naman ni Randel ang TV sa sala at nanood sila ni Raika sa Cartoon network.

Tumango ako, "Anong oras ba and dating ng mom mo?" 

Tumingin siya sa orasan, 6pm pa lang naman. "Mamaya pa 'yon," siguradong sambit niya. 

Nilihis niya ang kaniyang tingin at nagtama ang tingin naming dalawa. Nanliit ang mata ko habang tinitignan siya dahil mukhang may sasabihin siya. 

Tumaas ang kilay ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita. "Magluto ka na," pamimilit ko. 

Tumango siya, "you want to come?" 

"Uhh.. sure," tumayo ako galing pagkakaupo at sabay na nga kaming nagpunta sa kitchen nila. Umupo ako sa counter habang siya ay dumeretso sa kanilang ref at kumuha ng mga rekados.

"Ano lulutuin mo?" Tanong ko habang nakakalumbaba. Ang daya, ang gwapo niya parin kahit nakatalikod.

"Menudo," aniya at nagsimula na sa paghiwa doon. 

"Masarap yan ah?" Paninigurado ko.

"Of course. Masarap yung nagluto, eh." Umirap ako. Puro kalokohan talaga ang isang 'to. Akala mo naman natikman niya na sarili niya.

"Dami mo naman sinasabi dyan," I said. Tumawa lang siya. 

Nagpatuloy lang siya sa pagluluto doon habang naguusap kami. Paminsan-minsan ay tumutulong ako pero lagi niya lang akong pinapabalik sa upuan ko. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon