Madami na ang mga tao at napupuno na ang gym. May mga hawak na balloons at banners ang mga estudyante ng aming paaralan pati na rin sa kalabang paaralan. Ang iba ay naghihiyawan pa.
Nakaupo ako sa bleachers at katabi ko si Raven. Parehas namin tinitignan ang tablang court. Ang mga tao ay abala sa pagaayos ng kung ano doon. Nilingon ko siya upang tanungin.
"Anong school ang kalaban ninyo?" I asked habang tinitignan ang mga estudyante na iba ang uniporme sa amin.
"Marden..." sagot niya. Tumango tango lang ako at walang naisip na idudugtong pa kaya naman sa kakaisip ko ng sasabihin ay palpak ang lumabas sa bibig ko.
"hindi ba at malalakas iyon?" I said. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ko. Baka maoffend ko siya! Pero totoo naman. Matunog ang pangalan ng paaralan na iyon dahil sa galing ng mga players nila. Hindi ko first time manood ng basketball games pero bihira lang ako manood ng ganito dahil bukod sa may driver na naghihintay sa akin ay wala naman ako kasamang manood ng game.
Ang akala ko ay magagalit siya ngunit ngumiti lang siya sa akin bago tumango at mukhang sang-ayon pa sa akin.
"Malakas nga sila," he said while smiling. "Sana kayanin namin." He said. Hope was evident in his voice.
"Kayang kaya niyo yan." Sabi ko.
Hindi siya nagsalita at malalim lang akong tinignan. He looked so amused kaya naman hindi ako naging komportable. Kinapa ko ang mukha ko dahil baka may dumi iyon.
"May dumi ba?" I asked him curiously. Hindi ko na nakitaan ng kahit anong reaksyon ang mukha niya o maaring meron pero hindi ko matukoy iyon. Hindi siya sumagot at hinayaan ko iyon.
Tumikhim ako bago muling nagsalita, "Hindi ka pa sasama sa warm-up ninyo?" Nagtataka kong tanong. Bahagya siyang umunat sa tabi ko bago nagsalita. Tumingin siya sa harap. I stared at him. Kitang kita ang makapal niyang kilay at pilikmata lalo na kapag nakatagilid. Ang hugis ng kanyang panga ay lalong nadedepina at ang tangos ng kanyang ilong.
"No. Medyo nagwarm up naman ako kanina bago kita sunduin. I guess that will do." Seryoso niyang sinabi. Nanliit ang mata ko, hindi naniniwala sa kanya. I have a hint.
"Kung iniisip mo na maiiwan ako mag-isa dito at walang kasama, okay lang naman." I said wholeheartedly. I don't want him to sacrifice his warm-ups for me lalo pa at kailangan niya iyon para gumanda ang laro niya mamaya at alam ko din na mahirap sumabak sa laro kapag hindi ka nakakapag warm up kaya naman pinupush ko siya ngayon.
Agad siyang napalingon sa akin dahil sa sinabi ko. Hinawi niya ang buhok niya at sumunod naman ito sa mga daliri niya. Kumunot ang noo niya.
"No..." he said with finality. Nakakunot parin ang noo. Ang daya at ang gwapo niya lalo kapag ganyan ang reaksyon niya!
"Dali na... mag warm up ka na doon. kailangan mo iyon para sa game ninyo." Pagpupumilit ko. Bumuntong hininga lang siya at hindi na nagsalita pa.
BINABASA MO ANG
Thy Heart
General FictionTunog ng mga yapak habang tinatahak. Mga biruan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mga simpleng paghatid bago ang paalam. Mga pangako bago tuluyan na magpaalam. April 2020