Kabanata 14

66 7 10
                                    

Agad akong umakyat patungo sa aking kwarto pagkadating sa bahay. Tinawag pa kami ni manang para sana kumain muna. Sinabi kong tapos na ako at hindi naman na siya namilit at si kuya nalang ang inasikaso.

Naligo ako at nagbihis bago humiga sa kama. Pumikit at hinila na nga ako ng antok. Umaga na nang magising ako. Bumaba na ako para sa aming agahan. Kumain lang ako at umakyat na ulit dahil wala naman akong kasabay.

Boring talaga kapag Linggo. Wala pa akong kasama at makausap dito kaya inayos ko nalang ang mga dapat kpng ayusin. I took an afternoon nap before texting my friends. Gusto ko lumabas ngayon dahil wala naman ginagawa. Pumayag naman sila kaya nagasikaso na ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nagsuot lang ako ng black off shoulder top, high waisted denim pants, at ankle strap flat sandals. Sinuot ko ang sling bag bago sinuklay ang buhok ko, hinayaang nakalugay iyon.

Tinext ko lang sila na magkita kami sa mall. Naglibot pa ako sandali dahil nauna akong makarating kaysa sa kanila. Tinext ko na rin si mommy at daddy na umalis ako. Matagal bago pa sila nakapagreply pero pumayag din naman.

Pumunta muna akong National bookstore habang hinihintay sila. I checked some books dahil marami silang bago doon. Nagikot din ako at bumili ng mga highlighters and pens. Nagtext na si Laya sa akin na nasa Mcdo na sila ni Gree kaya agad akong nagtungo doon pagkatapos kong bayaran lahat.

"Sino oorder?" Tanong ni Gree nang makaupo ako sa tabi niya. Nasa harap namin si Laya kasama si Soren na parehas may pinaguusapan. Napansin yata ni Laya ang mga titig ko kaya napalingon siya sa akin.

Nagtaas siya ng kilay at umirap, "Oo na, ako na!" Aniya at tumayo. Humalakhak lang si Soren dahil sa inasta ni Laya bago din siya tumayo at sinamahan si Laya sa counter. Nanliit pa nga ang mata ko dahil inalalayan niya ito at hinawakan pa sa bewang.

Naiwan kami ni Gree. Busy siya sa kanyang cellphone. Siguro ay may katext. I stared at her at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tanungin siya.

"Gree, what program are you planning to take for college?" I asked her.

Saglit siyang natigilan at lumingon siya sa akin. Binaba niya ang cellphone niya, her pretty chinky eyes stared at me. Ngumuso siya mukhang nagiisip pa.

"Well, maybe business or architecture. Depends. Why'd you ask? tagal pa nun ah?" she said.

"I'm just curious." I shrugged.

"Ikaw ba?" She asked. Umilaw ang phone niya at agad niyang kinuha iyon at ngumisi. She typed something. Hinintay ko siya matapos bago ko siya sagutin.

"Pharmacy,"

"Are you serious?" nanlaki ang mga mata niya, "Wow... teka pagiisipan ko pa, parang gusto ko din tuloy Pharmacy."

Binatukan ko siya, mahina lang naman. Natawa ako dahil sa sinabi niya. Talagang gagawin niya yon?

"Solid nun ah?" natatawang saad ni Laya habang umuupo sa harap namin. Bitbit ni Sage ang tray at nilapag yun sa harap namin kaya nawalan na ng oras si Gree para makapagreklamo dahil naging abala na din siya sa mga nakahanda sa harap.

"Kayo na ba ni Raven?" biglaang tanong ni Laya sa kalagitnaaan ng aming pagkain. Halos mabulunan ako doon kaya uminom agad ako ng tubig habang tinatapik ni Gree ang likod ko.

"Hindi kami..." saad ko.

"Ano lang? Landian lang, ganon? Tagal na niyan ah? Kapag tinatanong ka namin lagi lang walang sagot."

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon