Kabanata 23

47 5 32
                                    

Tahimik kaming dalawa pagkatapos noon. Agad din umalis ang mga nagpapicture sa kanya, siguro dahil sa hiya nalang. Mabuti nga at kahit papano'y naging mabait si Raven at naintindihan niya 'yon.


Bahagya akong nalungkot dahil sa nangyari kanina. I don't know. Maybe the name Arianne triggered something in me?


"Sisig din, gusto ko." Request ko sakanya. Tumango siya at sinali 'yon sa order namin. Nanatili din siyang tahimik sa harap ko at walang kibo.


The lights reflected him well making his face more defined now. Nakita niya ang paninitig ko kaya tumaas ang kilay niya na para bang nagtatanong sa akin.


"Why?"


Ngumuso ako at nangalumbaba. Tinititigan siya at pinanliliitan ng mata.


"Okay ka lang?" Nagiingat kong tanong.


"Oo naman," aniya at dumapo ang tingin niya sa kinaroroonan ng Taal lake kaya tinignan ko din 'yon.


Napakapayapa ng lahat kapag tinitignan mo ang tanawin na yan. Kung sana ganito nalang ang pakiramdam palagi. Na kahit madaming anomalya ang nangyayari sa sarili at pamilya ko ay sana makaramdam pa din ako ng kapayapaan.


The view was perfect so I had to take some photos. Dahil sa oras na nilihis ko ang paningin ko dito pakiramdam ko'y mawawala ng kaunti ang kapayapaan na nadarama ko.


"About earlier.. I'm sorry.."


Hindi ko napansin na nakatuon na pala ang tingin sa akin ni Raven. Titig na titig siya sa akin at mukhang naninimbang.


Ngumiti lang ako."Okay lang 'yon."


Humihingi siya ng tawad dahil siguro naramdaman niya na hindi ako naging komportable doon. Hindi nagbago ang ekspresyon niya at patuloy lang na nakatingin sa akin. Never letting go of his gaze.


Maybe what we have now are mutual understanding?


Nagbuntong-hininga siya at sakto naman na dumating na nga ang order namin. Halos lahat doon ay Filipino food.


"Tikman mo.. masarap." Aniya at nilahad sa harap ko ang bulalo. Agad akong natakam doon. Mahilig talaga si Raven sa ganito at 'yon ang napansin ko noong highschool kami. I don't know if he still does? Mukha naman kasi takam din siya sa bulalo e.


Agad kong kinuha 'yon at tinikman. Ang lasa'y nanuot sa dila ko at hindi maitatanggi na masarap nga 'yon.


Nagpatuloy lang kami sa pagkain at mas pinili ko nalang manahimik habang tinatapos 'yon. Ganoon din naman ang ginawa niya.


"Gusto mo pa? Order pa tayo." Alok niya. Ang mapupungay na mga mata ay nakadungaw sa akin.


"Hindi na. Busog na din ako." Nginitian ko lang siya. May mga tira pa naman pagkain sa harap at mukha nga na nakarami ako doon. He sighed. Mukhang may iniisip siya at hindi mapakali.


"What are you thinking?" Pagtataka ko. Umiling lang siya at nagbuntong hininga. Pumikit siya saglit kaya nakita ko ang itim na itim niyang pilikmata.


"Sorry talaga tungkol sa kanina.." he almost whispered.


Nanliit ang mga mata ko doon. Hindi okay sa akin 'yon pero wala akong magagawa dahil sila ang kilala. Sikat siya kasama si Arianne at ngayon na break na sila'y maraming nanghihinayang. Matagal naman na silang break ah?


Naiisip ko lang kung alam kaya ng mga tao na before Raven and Arianne, there was me? Na nagkaroon siya ng girlfriend noong highschool at ako 'yon?


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon