Kabanata 7

70 13 33
                                    

Bumuntong hininga ako habang nililigpit ang mga gamit ko. Nakakapagod ang araw na ito dahil morning class palang ay pinuno na kami ng mga quizzes at seatworks. Malapit na kasi ang December at ibig sabihin non ay malapit na rin ang periodical test. 

"Andyan na si Kael." Mahinang bulong sa akin ni Alaya habang tinitignan ang labas kung nasaan si Kael. Sinilip ko iyon at nakita ko nga siya sa labas nakasandal sa railings at nakapamulsa.

"Nililigawan ka ba niyan?" Nagtatakang tanong ni Greezia. Tinignan ko siya at sinusuklay niya ang mahaba at straight niyang buhok. Umiling lamang ako dahil hindi naman siya nagpaparamdam sa akin ng ganoon. 

"Talaga, ah? Eh usap usapan na gusto ka niyan," sabi ni Alaya habang tinitignan ako. Nagkibit balikat lamang ako. Usap usapan nga iyon sa Junior highschool building. Pero hindi ko na iyon pinapansin dahil hindi rin naman nagsasabi si Kael kung ano ang nararamdaman niya. Baka gusto lang makipagkaibigan.

"Hala may sumundo..." bulong ni Alaya kaya napatingin kami sa kanya. Dali dali kaming sumilip sa bintana at nakita namin may kausap na si Kiel na babae na nakatalikod sa amin. Kumunot ang noo ni Kiel at mukha pa silang nagtalo at sabay na naglakad palayo. 

Nagkatinginan kaming tatlo. Nagkibit balikat na lamang ako.

"Baka may iba ka namang manliligaw?" Wika ni Greezia dahilan kung bakit ako napatingin agad sakanya. She's spraying her perfume in her white longsleeves uniform. Nakataas pa ang kilay niya at may bahid ng pang-aasar sa kanyang ngiti. Uminit ang pisngi ko dahil sa ngiti niya.

"Wala naman..." mahinang sagot ko dahil wala naman talaga. 

Bigla ko tuloy naisip si Raven. Linggo na rin mula nang mangyari iyon at 'yun na ang huli naming pagkikita kahit nasa isang school lang kami. Nagtetext siya ngunit bihira na lang din iyon. Busy siya sa school works at iyon ang alam ko.

"Eh ikaw ba Alaya kamusta naman ba yang manliligaw mo?" Balik tanong ni Alaya kay Gree habang tumatawa. Natawa na lang rin ako at inasar namin si Greezia na kaunti nalang ay mapipikon na. 

Naglakad kami palabas at naghiwalay din dahil may iba't-iba silang lakad habang ako naman ay deretso uwi na. Pinagpasalamat ko na biyernes dahil walang pasok bukas! 

Pagkauwi ay agad akong nagpahinga at nagising nalang ako noong gabi na dahil kinatok ako ni ate Lupe. Dinner na pala. Nagayos lang ako kaunti at bumaba na.

Nasa hapag na si Mommy at Daddy. Habang kumakain ay may pinaguusapan sila at noong dumating ako ay tinigil nila ang kanilang paguusap na para bang bawal ko marinig ito.

Tahimik lang akong umupo at kumain na noong nagsalita si Mommy. 

"Anak, you're already in your grade 10. What are your plans? Lilipat ka ba ng school for your senior high?" 

Nilunok ko ang pagkain ko bago umiling at sumagot. "Ayaw ko po..." 

Tumango tango lang siya. Si dad naman ay tahimik lang na nakikinig. 

"How about sa college, anak? Alam ko naman na matagal pa iyon pero may naisip ka na bang kurso?" She genuinely ask. 

"Wala pa po, mom." Maagap kong sagot kahit sa totoo lang ay may naiisip na ako ngunit ayoko pa muna na isatinig iyon. Tumango lang si mom.

"Well, you can take a business related course." Aniya. Tumango lang ako at uminom ng tubig dahil tapos na akong kumain. 

"I'll think about it, mom. Tapos na po ako kumain." Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot kaya naman deretso na akong umakyat sa kwarto ko. Nagpasya akong maligo baka sakaling antukin ulit. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon