Kabanata 30

48 6 24
                                    

Umiikot ang mundo. Nagpapalit ang araw at buwan dahilan kung bakit kailangan magpatuloy sa buhay na kinalakhan. Some questions are made because we are destined to know things and to understand them better.


But my questions about some things, only remain as they are.


"Absent ka nanaman?"


I can imagine Hanika's frustrated face behind the line.


"Papasok na ako bukas," pinilit Kong sumagot kahit nanghihina ako.


"Chant, umayos ka nga. Siguraduhin mo lang 'yan!" She shouted. Ramdam ko ang galit at concern niya doon. Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita.


"Yes," sagot ko. Wala ako sa mood para makipag-usap.


"Nasaan ka ba?" Tanong niya pa.


"Bahay lang." I said. Wala akong gana ngayon. Kahit makipag-usap sa mga kaibigan ay hindi ko na 'rin magawa.


Naramdaman niya siguro na ayoko munang makipag-usap. I heard her sigh. I bet she knew already what happened between me and Raven. Ilang weeks na ba or month since we broke up? I can't recall.


I spent my days sleeping. Hindi na ako halos bumababa sa kwarto, tuwing dinner nalang para masabayan si Daddy.


Good thing hindi niya ako masyadong tinatanong kung bakit ako ganoon dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. As much as I want to tell Dad my problems, I just can't. I tried to open up pero hindi ko talaga kaya at hindi ko alam kung bakit.


"You okay?" Trev look at me worried.


"Of course," I said. Pinilit kong ngumiti.


"Luh? Sinungaling 'yan?" He joked. Trying to lift my mood up.


I just smiled. Atleast he tried.


"Hindi naman ako sinungaling, 'di ba?"


"Hmm.." aniya. Nanliit ang mga mata niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa building namin.


"Loading? Sabagay ang aga pa kasi." Utas ko. Sinasabayan ang gaan niya sa akin.


"Anong kinalaman ng maaga roon?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.


"Isipin mo tapos kapag naisip mo na, sabihin mo sa akin ang sagot." Sabi ko.


He laughed, "1k likes and 500 comments muna bago ko i-reveal."


Napahalakhak ako roon. "Talagang ginamit mo pa 'yan, ah?"


"Bakit masama ba?" Aniya bakas parin ang ngiti sa kanyang mukha.


Nasinagan ng pang-umagang araw ang kanyang balat. Tall, dark and handsome talaga. Kaya hindi ko na masisisi ang mga babae kung bakit patay na patay kay Trev, eh. Sobrang good boy ng mukha minsan hindi. Depende yata talaga sa sitwasyon.


"Oh bakit?" Tumaas ang kilay niya at bumaba ang tingin sa akin habang hinahawi ang kanyang buhok.


"Wala naman." Sabi ko nalang.


Umiling lang siya at inakbayan na ako upang alalayaan papunta sa building namin.


Normal na araw lang para sa isang Medicine student. Puspusan sa aral pero ewan ko ba kung bakit wala naman ako sa mood mag-aral. Hindi dapat ganito.


"Sure ka na bang hindi ka sasabay sa amin?" Hanika hugged me.


Nasa harap namin si Ortiz na sinundo siya rito sa coffeshop na pinagtambayan namin para makapag-review para sa test namin sa Pedia.


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon