Kabanata 24

54 5 34
                                    

Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ng isang mainit na halik. Saglit lang 'yon dahil mukhang siya ay nagulat 'rin kaya hindi siya nakasabay. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para i-tease siya ng kaunti.


My head and my view are slightly spinning but I managed to still.


"I want to drink. Balik tayo sa loob.." aya ko sa kanya bago pa siya umamba para sa isang halik. Hindi pa man din siya sumasagot at gumagalaw ay nauna na akong maglakad doon. Nilingon ko siya at malalim ang tingin niya sa akin.


Pinagbigyan niya ako. Nalaman kong nasa couch lang sila malapit, kasama sila Regor at Arkiel at hindi ko man lang 'yon napansin. Natanaw nila ako kaya kumaway sila sa akin at ngumiti lang ako sa kanila.


"Later, okay?" bulong niya pagkahatid sa akin. My friends greeted him and he greeted them back.


"Ikaw magbehave." Irap ko pagkaupo. Tinitigan niya ako. The familiar smug look was evident on his face now. He just shrugged before he made his way to his friends.


Nakita ko ang iilang babae na napatigil dahil sa pagdaan niya at hindi naman niya 'yon pinagtuonan ng pansin. Mabuti nalang at hindi na ako inusisa nila Gree tungkol sa kung anong meron sa amin. Nakatingin lang si Alaya sa akin habang nakataas ang kilay.


Naginuman lang kami doon at nakisabay sa music habang nagkwentuhan ulit. Nararamdaman ko na ang hilo ko ngunit patuloy lang nila akong binibigyan ng shot.


"Ayoko na.."


Humalakhak ako nang natanaw si Hanika doon na nakasalampak sa couch at magulo na ang buong pagkatao. Wasted na wasted na siya!


"Anong ayaw? Walang aayaw!" Pinilit siya ni Alaya habang hawak ang isang Jose Cuervo.


Halatang basag na si Hanika kaya sinundo siya ni Ortiz at nauna na silang umuwi. Dumeretso naman sila Alaya at Gree sa Dance floor dahil may natanaw silang kakilala. Nagpaiwan ako dahil sa hilo at pumikit saglit.


"Hey.." dinilat ko ang mga mata ko dahil naramdaman ko ang presensya ni Raven sa gilid ko. Nakaupo na pala siya sa tabi ko.


"Hi," halos pabulong kong bati sa kanya.


"Are you feeling well?" He asked while wrapping his arms around my cold shoulder. "Should I take you home?"


Umiling ako. "Let's stay for a while."


Tumango lang siya at hinayaan ako doon. Ininom ko ang mga tirang shots at hindi naman niya ako pinagbawalan. Nararamdaman ko ang pagsuklay niya sa buhok ko gamit ang mga daliri niya. Marahan lang 'yon.


Napatigil ako nang maramdaman ko ang pagkawala ng kung ano sa puso ko. That act triggered some memories from our past. Naalala ko kung paano niya sinusuklay ang buhok ko noong highschool palang kami. That's when I realized that I really miss him.


I took my last shot before I rested my back on the couch. Walang pag-aalinlangan ko siyang niyakap patagilid. I rested my head on his shoulder and I inhaled his manly scent.


"Ang bango.."


He chuckled. Bahagya niya akong nilayo sa kanya kaya bahagya din na sumama ang timpla ko. I glared at him. Niyakap ko ulit siya at inulit ang ginagawa kanina. May tama na nga ako.


"'Wag, John." He chuckled again at nilayo nanaman ako sa kanya.


"Sinong John?" Nagtataka kong tanong habang tinitignan siya.


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon