Kabanata 6

59 11 32
                                    

Malakas nga ang ulan noong gabing iyon. Pansamantalang titigil ngunit ilang sandali lang ay bubuhos ulit. 

Inalalayan ako ni Kuya Joey papasok sa aming bahay. Agad akong sinalubong ni ate Lupe at agad akong binalutan ng bitbit niyang tuwalya at dinampi dampi niya ito sa katawan ko na para bang nabasa nga ako. Bakas pa ang pagaalala sa kanyang mukha.

"Ginabi ka," puna niya. Kinuha ko ang tuwalya at agad iyong nilagay sa buhok ko dahil iyon lamang ang parte na nabasa sa akin.

"Magbibihis lang ako, ate. Bababa din agad para kumain." Paalam ko sakanya. Tumango lang siya sa akin kaya agad akong pumanhik para makaligo at makapagpalit na din.

Nang matapos sa ginagawa ay tinignan ko ang sweatshirt na pinahiram sa akin ni Raven. Ibabalik ko 'to bukas. Napangiti ako sa naisip. Ipapalaba ko nalang ito agad para maibalik ko rin bukas.

"Ate nandyan na po ba sila Mommy at Daddy?" Tanong ko kay ate Lupe ng ipinaghanda niya ako ng makakain ko para sa gabing iyon. Hindi ko nanaman kasi sila kasabay sa hapag ngayon. Buntong hininga siyang lumapit sa akin. I can sense something. Mukhang problema.

"Oo, pero ang mommy mo lang ang umuwi noong tanghali," Nag-iingat niyang sinabi. Kumunot ang noo ko.

"Hindi umuwi si daddy?" 

"Hindi, Chantaye. Nasa taas pa ang mommy mo at nagpadala lang ng pagkain sa kwarto. Mukhang nag-away sila." Pagpapatuloy ni ate Lupe. Tumango lang ako't nagbuntong-hininga dahil sanay na ako kung may hindi nanaman sila paguunawaan.

Tinapos ko ang pagkain ko kaya tumamabay ako sa living area. Bumalot sa puso ko ang pag-aalala dahil wala pa si daddy at ang lakas ng ulan sa labas. Hindi rin maganda ang naiisip ko at bakit hindi sila sabay umuwi ni mommy? 

Nilabas ko ang phone ko upang itext na si daddy nang biglang magbukas ang pintuan at pumasok si daddy doon na basang basa sa dahil sa ulan. 

"Daddy!" napatayo ako para lapitan siya ngunit napatigil ako nang makita ang kanyang itsura. He looked so weary, but when he saw me he smiled at me, and his smile didn't even reach his eyes. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat at pag-aalala.

Bumaba si manang at may dalang tuwalya. agad kong kinuha iyon at ibinigay kay daddy. Naamoy ko ang alak sakanya. Nakainom siya ngunit wala naman siyang tama. Hindi siya lasing.

"Are you okay, dad?" I asked him. Bakit siya nagpaulan at hindi sila sabay ni mommy umuwi?

"I'm fine, anak..." sagot niya sa akin at umiwas ng tingin. "Ang mommy mo nakauwi na ba?"

Nanahimik ako bago siya sagutin. Tinitigan si dad. "Yes, dad. Kanina pa daw po mga tanghali." Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.

"Kumain ka na ba, dad?" 

"Oo, Chantaye. Aakyat lang ako at magpapahinga na." He said. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at umakyat na. 

Ilang saglit pa akong natulala dahil sa naabutan. Nag-away nanaman ba sila? Ano nanaman ba ang pinagaawayan nila huh? Malala siguro ito. Nanaig ang pait sa puso ko dahil sa mga naiisip.

Umakyat ako sa kwarto ko para makapaghanda na sa pagtulog. I guess I will sleep in my bed tonight with a heavy feeling because of my parents. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha sa mga mata ko. Umiling ako at pumikit nalang dahil ayoko ng isipin pa ang mga ito.

Naalipungatan ako nang nakaramdam ng labis na pagkauhaw. Chineck ko ang oras at nakitang alas dos na ng madaling araw kaya naman bumangon ako para uminom ng tubig sa aming kitchen. Noong pabalik na ako sa aking kwarto ay nakita ko si daddy na papasok sa guest room malapit sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Snapped, realizations hit me.

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon