Kabanata 28

50 6 33
                                    

Umiling ako para kahit papaano'y mawala sa isip ko ang nasilayan kaninang umaga. Palaisipan para sa akin 'yon.


Baka nakalimutan lang tanggalin?


Halos dalawang taon na kami at ako naman ang girlfriend niya kaya hindi ako magdududa. Pipilitin ko.


Tinuon ko nalang ang pansin ko sa kaganapan sa school pagkatapos ay umuwi na agad ako sa condo para makapagluto.


Wala na kasing time si Raven para asikasuhin pa ang kakainin namin kaya ako na ang naghahanda ng agahan at hapunan namin. Minsan kapag sobrang busy ako sa pag-aaral ay nagpapadeliver kami o kaya naman canned goods nalang.


Lumipas ang ilang buwan na gabing-gabi na siya kung umuuwi at madalas hindi ko na naaabutan. 


Matutulog ako ng wala siya at gigising ako, paalis na siya.


I kinda miss him. Kahit nakatira kami sa iisang bahay ay namimiss ko siya.


Next month na ang second anniversary namin at hanggang ngayon nag-iisip parin ako kung anong pwedeng gawin.


Should I visit him sa site nila or just a simple dinner date nalang?


Kahit simple lang, ayos na. Lalo't sobrang busy niya na at ako din naman.


Mabilis na dumaan ang mga araw. Malalim na ang gabi at pinipilit ko na hintayin siya if I have that time. Madalas akong magtext at bihira nalang siyang mag-reply. Hindi na 'rin siya gaanong naguupdate sa akin katulad ng nakagawian. Hindi na din kami nakakapagusap madalas dahil kahit nakatira kami sa isang bubong, madalang nalang mag-kita.


Dumalas na din ang away namin. Mula sa maliliit na bagay hanggang sa lumaki nang lumaki 'yon. Madalas ay nakakatulog na kami nang magkaaway. Pakiramdam ko nga binabalewala niya nalang ako. Hindi niya din naman ako sinusuyo..


Lumubog ang sofa noong umupo ako dahil hinihintay ko si Raven na matapos sa kanyang pagligo. It's almost 10pm at isa 'to sa mga gabing maaga siyang nakauwi sa condo. Maaga na ang 10pm.


Kaninang umaga habang nagluluto siya ay may nabasa ako sa notifications niya. It was a message on his messenger app.


Lila Sartre:

Goodmorning engineer! Hope you'll have a good day today. See you sa site and sa office!

My forehead automatically creased. Sino ba 'to at bakit sila magkikita mamaya? I scrolled upwards and saw that they had a past convo.


Lila Sartre:

I enjoyed tonight.


Raven Aronzado:

Halata naman


Lila Sartre:

Hope you liked the ramen, though. hahahaha it was a fun night.


Raven Aronzado:

Masarap nga. Gustong-gusto ni Engr. Castillo yung hinanda mong ramen


Lila Sartre:

May mas masarap pa doon, Engineer Aronzado.


Lia Sartre:

;)

Hindi na nagreply si Raven doon. Kumulo ang dugo ko at nag-iinit ang mukha ko dahil sa nabasa. 2 days after that conversation ay nag-chat ulit siya kay Raven. She called him.


Lila Sartre:

You missed a video chat with Lila

What are you doing

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon