"Anong lagay ng puso mo dyan?" Tanong ni Greezia kay Alaya na ngayon ay tulala.
"Anong pinagsasabi mo dyan?" Depensa ni Alaya. Tumawa lamang si Greezia kaya natawa na rin ako sa pagtataray ni Alaya.
Umihip ang pang-tanghaling hangin at naririnig ko ang pagtama nito sa mga matatayog na puno. Tumingala ako at dinama ang hangin ng kapayapaan na nadarama.
Tanaw namin ang abalang Cafeteria mula sa inuupuan namin sa ilalim ng puno na ito. Tabi ng Cafeteria ang Elementary building at malayong lakaran pa para makarating sa Highschool building kung nasaan ang silid namin.
"Basted ka diba?" Pang-aasar namin kay Alaya dahil ang maharot na kaibigan ay nababalitaan namin na may nililigawan sa sa Grade 11 ngunit basted.
"Shut up! Okay lang noh? Pakiramdam ko hindi naman siya mabait at gentleman katulad ng iba," humagalpak kami dahil sa sinabi ni Alaya. Ang isang ito talaga puro kalokohan ang nasa isip. "At feeling gwapo pa huh? Kapal naman ng mukha niya!"
"Baka ayaw sayo kasi bambini pa din ang cologne mo!" Pang-aasar pa ni Greezia
"Baliw," Samo ni Alaya na natatawa na 'rin.
"Hi!" Parehas dumapo ang tingin namin sa kumpulan ng mga grade 11. Isang matangkad na lalake ang nagsalita at saglit lamang dumapo ang tingin niya sa amin ni Greezia bago ilipat ang mga mata at nanatili naman ang tingin niya kay Alaya.
"Go, bro!" Hiyaw ng mga kasama niya sa likod bahagya pang itinulak kay Alaya.
Nagkatinginan kami ni Greezia at sabay na ngumiti dahil alam na namin ito,
"Hi, Soren." Malaking ngiti ni Alaya. "Bakit ka nandito?"
"Gusto ko lang sana tanungin kung pwede ka ba sa Sabado?" Napakamot sa batok si Soren at bahagyang namula. Naghiyawan ang tropa niya sa likod kaya naman mas lalo lang siyang nahiya. Ang isa naman niyang tropa ay lumapit kay Greezia at nag-uusap na.
Tahimik ko lang na pinagmasdan si Soren na mukhang nahihiya pa lumapit sa kaibigan ko.
"Oo naman, Saan ba tayo pupunta?" Maligayang tanong ni Alaya na handang handa na ata sumama kahit hindi pa Sabado.
"Sa mall lang sana..."
"Tapos? Saan pa?" Nagtatakang tanong ni Alaya at nahimigan ko ang excitement doon. Napailing ako. I pursed my lips to hide my smile dahil sa naiisip. Gusto ko itawa ang lahat ng ito ngunit magtataka naman si Soren sa inasal ko.
Bahagyang umawang ang bibig ni Soren sa sinabi ni Alaya. Parang mali ang napakinggan niya.
"Bakit? Saan mo p-pa ba gusto pumunta?" Nagtatakang tanong ni Soren.
Soren is very cute but also manly. Mula sa maamong mata at baby face niya, ay babagay ang panga niya na bibihagin ka. Katamtaman lang ang kutis niya at isang tingin mo pa lang sakanya malilito ka na kung magiging crush o mamahalin mo ba siya. Balita ko nga na madami ang nagkakagusto sa isang 'to.
BINABASA MO ANG
Thy Heart
General FictionTunog ng mga yapak habang tinatahak. Mga biruan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mga simpleng paghatid bago ang paalam. Mga pangako bago tuluyan na magpaalam. April 2020