Hinahangaan ko ang mga taong kayang panindigan ang kanilang mga desisyon kahit alam nila na nagkamali sila. Minsan kasi kapag naiisip mo na ito, hahayaan mo nalang. Kasi tapos na, nangyari na, at wala ng magagawa para maibalik at maitama ang mga mali sa nakaraan.
Hinatid niya ako sa harap ng gate matapos 'yon. Nagpaalam kami sa isa't-isa. Gusto ko man makasama pa siya nang matagal, ayoko naman abalahin siya dahil may game pa sila bukas at may pasok pa kami.
Mabigat man ang nararamdaman ko ay medyo gumaan iyon nang nakasama ko si Raven. Buti nalang ay nandyan siya at naramdaman niya na may problema. Ilang ulit akong nagpasalamat sa kanya kanina at tipid lang siyang ngumingiti at hinihigpitan ang yakap. I can't help but to smile everytime I remember our scene. Alam ko na kahit anong mangyari ay babalik-balikan ko ang alaala na nabuo kanina.
"Manonood ka ba?" Tanong ni Laya pagkadating ko sa room. "Nagayos ka pa yata."
"Manonood ako.." sambit ko at umupo na. Nakatitig lang sa akin si Laya at mukhang may gustong sabihin kaya nilingon ko siya.
"Susunduin ka ba ni Raven o sasabay ka sa amin?"
"Sabay ako sainyo." I said. Tumango naman siya at nagayos na din.
Nauna na ang mga players sa venue kaya hindi kami sabay pupunta ni Raven doon. Sa ibang school kasi gaganapin ang laban at kailangan maaga makapunta ang mga players doon. Buti na lang at ang oras ng game ay oras din ng uwian namin.
Sinundo kami ni Soren. Sa kanilang SUV kami sasakay . Nagpaalam na ako kay Kuya Joey kaya pinauwi ko muna siya para makapagpahinga.
"Wala ba kayong banner?" nakangising tanong sa amin ni Alaya nang nasa daan na papunta sa venue.
Nakalimutan ko gumawa!
"Wala, sisigaw nalang ako." Sabi ni Gree habang hindi pa inaalis ang tingin sa kanyang phone.
Nilipat ni Laya ang kanyang tingin sa akin, "Eh ikaw?"
Agad akong umiling. "Nakalimutan ko.. may next game pa naman 'diba?"
"Tsk. Kahit na! Alam mo madaming may crush kay Raven kaya dapat binabakuran mo na!" Nanlalaki ang mata niyang sinambit iyon.
"Nanakot ka yata?" Gusto ko siyang irapan.
Humalakhak pa siya at pinagpatuloy ang pangaasar.
"Sa gwapo ba naman non? Matangkad na tapos yung mga mata pa niya ang ganda!" Aniya at biglang pumitik. "Huy! Lagyan mo na ng label! Umamin ka na kasi! halata naman na gusto mo siya. Ikaw rin..."
Sa sinabi niyang iyon ay humalakhak si Soren na nasa passenger's seat at si Gree na nasa tabi ko at nakikinig.
"Ewan ko! 'Di ko na alam!" frustrated kong sigaw. "Wala naman siyang sinasabi!"
"Ang hina naman niya!" Reklamo ni Laya at umirap pa.
Nakatingin lang ako sa harap dahil pinapagitnaan nila akong dalawa. Humalukipkip ako at ang mga naiisip ay isinantabi.
"Make him jealous!" Suhestiyon ni Gree sa tabi ko. Agad kumunot ang noo ko.
"Ano pinagsasabi mo diyan?" tanong ko. Tumango tango si Laya sa tabi ko at malawak nanaman ang ngisi.
"Tama! Effective 'yon!" pumapalakpak pa si Laya.
Umirap lang ako sa kawalan dahil hindi ko nagugustuhan ang sinasabi nila.
BINABASA MO ANG
Thy Heart
General FictionTunog ng mga yapak habang tinatahak. Mga biruan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mga simpleng paghatid bago ang paalam. Mga pangako bago tuluyan na magpaalam. April 2020