Kabanata 25

56 5 37
                                    

"Where are you na?"


"'Yan talaga bungad mo sa akin? Wala ba munang 'Goodmorning, babe' d'yan?" dinig ko ang tampo sa boses ni Raven.


Lalong lumawak ang ngiti ko at inayos ang telepono sa tenga. "E 'di goodmorning babe. Nasaan ka na po?" Tukso ko.


Nanahimik siya sa kabilang linya. Tanging narinig ko nalang doon ay ang background music niya at ang paghinga niya. Pinigilan ko ang tawa ko. Pustahan tayo, kinikilig 'to!


He cleared his throat. "Tss.. I'm on my way, may binili lang ako saglit sa convenience store." Sagot niya sa kabilang linya. Narinig ko ang kalabog doon mukhang inayos ang mga binili.


"'Yan lang ang sasabihin mo? Wala bang goodmorning 'din?'"


"Goodmorning sa maganda kong girlfriend." He chuckled. "Okay na?"


Sinuklay ko ang buhok ko habang hawak parin ang telepono. "Napipilitan?"


"Hindi po. Maganda ka naman talaga, ah? Bakit ako mapipilitan?"


"Talaga? Gaano ako kaganda?" Ngumuso ako.


"Tss.. maganda nga, Chantaye. Kailangan mo pa ba niyan?"


"1-10. Rate mo. One pinakamababa."


He groaned. Kunwari naiinis daw pero natatawa naman. "One hundred, babe."


Kinagat ko ang labi ko dahil sa kilig. Bolero din talaga 'to.


"I'll hung up now. Prepare your things." he sighed.


"Okay.. Ingat!" Pagpapa-alala ko.


He chuckled. "Sure. Malapit na rin ako." aniya bago binaba ang tawag.


Maaga akong gumising kanina para mas makapaghanda at makapagayos. Tinitigan ko ang maleta na nasa tabi ng kama ko habang sinusuklay parin ang buhok ko. Naglagay lang ako ng kaunting tint sa mukha ko at ayos na sakin 'yon. Nagsuot lang ako ng denim shorts at white v-neck crop top.


Tinulungan ako ni Ate Lupe ibaba ang gamit ko at maghintay kay Raven sa living room. Ngayon ang flight namin papuntang Siargao at excited na ako dahil first time ko makapunta doon!


"Hanggang kailan kayo doon?" Tanong ni Ate habang bitbit ang gamit ko.


"Monday na po ang balik namin, ate." Sagot ko naman. Limang araw lang naman kasi kami doon dahil may trabaho pa si Raven. Busy siya at gumagawa lang siya ng time para sa akin.


"Naku at baka tatlo na kayong bumalik dito ha?!" Pag-papaalala niya na nagpawindang sa akin. Kumatok ako sa kahoy dahil kinabahan rin ako kahit di pa kami umabot ni Raven sa ganoon..


Nauna si ate sa akin sa pagbaba sa hagdan kaya naman hindi niya natanaw ang reaksyon ko. Natigilan ako ng kaunti at namula pa ang pisngi ko dahil naalala ko ang kaunting make-outs namin.


"Ano ba yan Ate Lupe!" Pabiro kong reklamo at nagpatuloy sa paglalakad.


"Biro lang! Pero dapat gagamit kayo ng proteksyon, ha? Condom ganoon!" Dagdag pa niya.


"Ate!" Saway ko dahil nahihiya na. Umupo nalang ako sa sofa dahil doon ko piniling maghintay kay Raven.


"Biro lang times two!" Depensa niya ulit.


Tinawag ni Kuya Joey ang atensyon namin dahil nandoon na daw si Raven sa labas kaya naman agad akong tumayo doon.


Pagkalabas ko ay natanaw ko na si Raven na nag-aabang sa akin sa gilid ng BMW niya.


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon