Kabanata 17

60 7 17
                                    

Lumabas ako sa aming gate para mapuntahan si Raven na naghihintay. It's saturday and we decided to go out on a date. Babawi daw siya.

"Sorry kung natagalan," I faced him. He's wearing a maroon shirt, denim jeans, and white rubber shoes. Kahit simple lang ang suot niya ay hindi nababawasan ang kagwapuhan niya.

Tumango lang siya at ngumiti bago hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Sabi ko naman sa kanya, sa loob nalang siya maghintay dahil wala sila Mommy kaso ayaw niya talaga kaya hindi ko na siya pinilit pa.

"Musta, babe?" Tanong niya habang sabay kaming naglalakad palabas ng village. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. 

"Okay lang naman.." sagot ko. Naramdaman ko ang titig niya sa akin ngunit hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Hindi na siya nagsalita kaya namayani ang katahimikan sa aming dalawa. 

Bumuntong hininga siya, "Namiss kita," 

Well, I miss him too. Ilang buwan na din ba kaming ganito na lang? Tatlo? 'Di ko na alam. 

"Anong gusto mong gawin ngayon? Nood tayo sine?" patuloy niyang tanong. Alam kong pansin niya ang katahimikan ko at sinasawalang bahala lang niya 'yon. 

Nakalabas na kami ng village at sabi niya'y commute lang ang gagawin namin para makarating sa mall na pupuntahan. Ayos lang naman sa akin 'yon. 

"I'm fine with whatever you want us to do," I said.

"Ahh, sige. Wrestling tayo?" He teased.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kahit kailan talaga 'to. Pinisil niya lang ang pisngi ko bago niya ako pinagtawanan. Alam kong pinapagaan niya lang ang sitwasyon ngayon. Saktong may dumaang tricycle kaya agad kaming sumakay doon. 

Pinauna niya ako sumakay. Hinawakan niya pa ang tuktok ng ulo ko dahil baka daw mauntog ako. Tinanggal niya din naman agad bago umupo na sa tabi ko at inabot ang bayad kay manong. 

When I smelled his familiar scent, ang tampo na nararamdaman ko ay biglang natunaw. Nanlambot ang puso ko kaya naman agad ko siyang niyakap habang nasa loob kami ng tricycle. 

"I miss you.." naiiyak kong sambit dahil totoo. Inakbayan niya ako bago ko naramdaman ang kanyang mainit na labi sa noo ko. 

"I miss you too," bulong niya sa akin, "Kung alam mo lang.." narinig ko ang kalungkutan doon.

Ilang sandali pa kaming ganoon nang nilabas niya ang kanyang phone. 

"Picture tayo," aniya. Pati boses niya ay miss ko na. He opened his phone at nakita ko na picture ko ang wallpaper niya. Napangiti ako doon. Simple things. 

"Why? Nasa loob tayo ng tricycle.." reklamo ko. 

"Oo nga," he said while opening the front camera, "Para may remembrance tayo kapag may kotse na ako." 

"You know how to drive?" I asked him.

Tumango siya, "Tinuruan lang. 'Wag ka muna magexpect kasi matagal pa 'yun! Commute muna tayo kasi hindi pa ako successful," 

"Okay po, future Engineer." I said. Hinigpitan niya ang akbay niya sa akin habang nakayakap ako sa kanya. 

"Future husband mo po." He corrected me. 

Napangiti ako doon at hinayaan siya sa gusto niya. I rested my head on his shoulder while he's taking our picture. 

Payapa ang naging byahe namin papunta sa mall at dumeretso kami sa bilihan ng ticket. Mabilis kaming nakapagdecide dahil sabi niya kung ano daw gusto kong panoorin ay okay lang sa kanya. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon