Kabanata 19

78 9 28
                                    

"Inom tayo tonight!"

Agad akong nabuhayan nang sagutin ang tawag ni Gree. Her words are like music to my ears. Agad kong sinara ang librong hawak ko at bahagyang nag-inat habang nakaupo sa upuan ko.

"G ako diyan! Hulog ka ng langit Gree!" Agad kong sambit.

Umalingawngaw ang boses ko sa buong classroom dahil halos wala nang mga tao at ako nalang ang naiwan dito. Hindi pumasok ang prof ko sa first period kaya agad nagsialisan ang mga blockmate ko at si Hanika, ewan. Baka tulog pa 'yon.

"What time out mo?" She asked. I can hear her keys sa background and her footsteps, mukhang nasa parking lot ng kanyang school.

"Around 6:30pm pa or 7pm, I guess?" Sabi ko habang nakakunot pa ang noo. Trying to figure out what will happen later.  

"Sure. I have to go na and also, bring Hanika. I'll just text you the place mamaya. Siguro dinner muna tayo bago magpunta doon." She said before I bid my goodbye to her. Agad niya naman pinutol ang tawag at niligpit ko na ang gamit ko. 

"Malas natin today," Gree habang sinasandal ang kanyang likod sa kanyang sofa. 

"Okay lang naman. Ayoko din ng ingay," Sambit ni Laya habang nilalagok ang kanyang Smirnoff.

"Ayaw mo din ng hard drinks kaya smirnoff nalang?" Sabat ni Hanika sa gilid ko. Pinapapak niya ang niluto naming fries kanina. 

"Yeah. Not in the mood," nagkibit-balikat si Alaya. Parehas silang nakaupo sa sofa at kami ni Hanika ang nasa lapag. 

9pm palang ng gabi at napagdesisyunan namin na dito nalang sa condo ni Gree kami uminom dahil kay Laya. Wala daw siya sa mood uminom at mag-bar. Naghahanap kami ng lugar kung saan pwedeng mag chill kaya lang ay lahat puno. Friday kasi ngayon kaya ganoon. 

"Traydor kaya ang smirnoff.."

"Damn right," Gree laughed. She's staring at the wall, mukhang may naalala. 

We just kept talking about the things that kept us busy in the past few days, about our programs, about the past, hanggang sa napunta na nga sa akin ang usapan. Until Hanika mentioned my relationship with Raven noong highschool. 

Tawa nang tawa si Gree. Hindi ko alam kung may tama na ba siya o natatawa lang siya na hindi alam ni Hanika na may relasyon kami noon ni Raven. Tumatawa lang din naman ako, nakikisabay sa kanila. 

"Have you seen him play, Gree? Muntik ko na siyang maging crush noong nanood kami ng laban nila against piyu. Kaso nga lang baliw sa jowa kaya ekis na.." walang prenong sambit ni Hanika.

"Tama na, Hanika.." Pula na ang pisngi niya at patuloy parin sa paginom kaya sinita ko na siya. 

"Yeah," aniya at pumipikit na. Natatawa ako dahil ang bilis niyang tamaan. "Seems like our Chantaye here's still stuck with someone in her past, guys.."

"Alam na namin 'yan!" Sigaw ni Laya sabay halakhak. Mukhang natutuwa pa sa idea na hindi pa nga ako moved on. 

"Shut up.." pabiro akong umirap kay Laya at inalalayan na si Hanika sa isang bakanteng room at pinahiga na siya doon. 

Tinulungan naman ako ni Gree at Laya dahil mas matangkad sa akin si Hanika at mas mabigat siya. Pagkatapos ay agad kaming bumalik sa table at pinagpatuloy ang inuman.

"You should let him go, Taye.."

Nabitin sa ere ang isusubo ko sanang fries dahil sa sinabi ni Gree. Lumingon ako sakanya at nakita ko ang kanyang seryosong ekspresyon habang matamang nakatitig lamang sa akin. Medyo mabigat na ang mga mata ko pero tuloy lang kami sa pag-inom. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon