Kabanata 31

38 4 25
                                    

I don't know what to do now. Para akong paulit-ulit na binagsak sa lupa. Inaangat para lang malugmok ulit. I should be happy but how can I be?


Nanginginig ako, nanghihina at nalulungkot. I can't believe it. Pinangarap ko maging ina pero bakit ngayon pa? This is a mess.


"Take care of yourself, please. Nandyaan na 'yan." Hanika combed my hair. "Pupunta raw dito si Gree and Laya. Sasabay sa atin sa lunch and dinner. Kaya mo bang magreview mamaya? Baka mastress ka."


Nanatili akong walang imik. Sa dami ng nararamdaman ko ngayon ay hindi na ako makalma. Parang napupuno nalang at tahimik na sumasabog. Nasasaktan ngunit namamanhid na.


"Keep the baby, please?"


I just closed my eyes. Thoughts clouding up my mind. Hindi parin ako makapaniwala na buntis nga ako.


Kaya naman ng katawan ko. Kaya lang, nagaaral pa ako. My mother wasn't here to guide me about motherhood. My father and brother are both busy and the father of my baby isn't with me anymore.


How can I survive this fucked up situation, all alone?


Ganoon ang sirko ng buhay ko nakaraang mga araw. Nagpunta na ako sa ob-gyne and confirmed na nga buntis ako. Pumapasok parin ako at mag-aaral kahit buntis. Mabuti nalang at hindi pa gaanong halata ang baby bump.


After weeks of thinking, desidido na ako. I will keep my baby. I don't know how to be a good mom pero alam kong matututunan ko rin naman kalaunan.


Hindi ko alam saan ako humugot ng lakas pero I feel motivated because of my baby. Ngunit kapag naiisip ko ang Daddy ko ay nanghihina naman ako.


Inayos ko ang pag-aaral ko. Tatapusin ko lang ang semester na ito para hindi sayang ang pinaghirapan ko. My future is vague now but I'm too tired to even think of that.

I deactivated all of my social media accounts again except for Instagram. Hindi ko na sasabihin kay Raven ito. He's happy now.. with Arianne and their child. I wouldn't take that away from him.

Matatanggap niya ba ang bata kung nalaman niyang may anak kami? I guess, not. Hindi na lang susubukan, para hindi na dumoble pa ang sakit.


I can take care of my baby. For so long, I've been so strong. Kinaya ko ang lahat at alam kong kakayanin ko pa. Everything is in chaos now but I must go on. I need to be brave. Not only for myself but also for my baby.


"Dinner is ready.." rinig ko ang katok ni kuya.


"Yeah." Sagot ko at agad pinahid ang palad sa basa kong pisngi. Sinigurado ko na mukha akong maayos at hindi galing sa pagiyak bago bumaba.


Naabutan ko si Kuya at Daddy sa Dining area. Nakaupo si Daddy sa Kabisera at si Kuya naman ay nasa gilid. Umupo ako sa harap ni Kuya at naramdaman ko ang paninitig niya sa akin. Parang binabasa ako.


Nag-iwas nalang ako ng tingin. Oo nga at medyo nadagdagan ang timbang ko. Kinabahan ako dahil baka may napapansin na siya sa akin.


"We have a meeting tomorrow about our collaboration with the Fabians."


"Yes. And the business trip, Dad. Give me the exact date so I can tell my secretary."


Daddy started to talk about business and Kuya automatically engaged his self.


Pinilit ko ang sarili kong kumain nalang at umiwas sa pinaguusapan nila. Hindi ko rin naman maintindihan. Balak ko sanang sabihin ang kalagayan ko pero hindi ko alam kung saan naman ako magsisimula.


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon