Kabanata 20

72 9 16
                                    

Hindi siya nagsalita. Madilim ang titig niya sa harap. Ang liwanag mula sa siyudad ay tila walang-wala kung tignan niya ang mga ito.

"Akala ko ako lang ang nasaktan noon. I focused on my pain without thinking about yours. Nagkamali ako na hindi kita pinakinggan, Raven." Nilipat ko ang tingin ko sa harap. Umihip ang malamig na hangin. I exhaled.

Ngayon lang ako natakot sa lamig, malamig na hangin patungo sa akin. Sa amin. Natatakot ako na baka makadagdag pa 'to sa lamig na nakapaligid sa katabi kong hindi ko na yata kilala.

Natatanaw ko sa gilid ng aking mga mata ang tuloy-tuloy niyang paglagok sa beer na hawak.

"Breaking up with you was a childish decision, Raven."

"Why are you saying these? Want me to come back to you? You want us together again?" Dumulas ang mga tanong mula sa kanya.

I just smiled. Kalmado niyang sinabi 'yon. Hindi na ako nagulat kung 'yan ang iisipin niya. I actually anticipated it.

"Hindi. Gusto ko lang malinawan." I said, making him understand the whole point of our conversation.

"Ako 'rin," seryoso niyang sambit.

Lumunok ako, waiting for his next sentence pero hindi niya 'yon dinugtungan.

"Malinawan saan?" I asked. Hoping.

He scoffed. Parang hindi makapaniwala na tinatanong ko pa ang mga bagay na iyon.

"Bakit mas nagtiwala ka sa iba kesa sa akin na boyfriend mo noong panahon na 'yon?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko. I distructed myself by holding my hands. The word boyfriend sounded so right.

"There were pictures.." I explained. "What do you want me to think, Raven? Halos hindi na tayo naguusap noon but I chose to trust you because you're my boyfriend."

Nanginig ang boses ko kaya saglit akong tumigil sa pagsasalita.

"Pero yung tiwala ko may hangganan. Naputol 'yon at naubos noong nakita ko 'yong mga pictures. Nakahalik sa'yo si Arianne.. anong iisipin 'ko?"

Muling sumingaw ang sakit sa puso ko. Dumaan sa mga mata ko ang mga nangyari sa nakaraan. Kung paano siya niyakap ni Arianne sa harap ko at kung paanong simula noon ay nagkalayo na kami. Sumibol ang mga pagdududa ngunit itinabi ko 'yon. Pakiramdam ko'y hinayaan kong mawala kaming dalawa. Hindi ko man lang siya nahila pabalik sa akin noon. Wala akong nagawa kundi ang magtiwala lang sa kanya at hayaan siya.  

Ang tubig mula sa mga mata ko ay tuluyan nang bumaba.

Masama nga talaga na itago ang nararamdaman lalo na ang mga katanungan. Darating ang araw na uusugin ka nito at wala kang magagawa kundi maghintay 'kung kailan mawawala 'yon nang pansamantala.

"Lumalayo na tayo sa isa't-isa noon. Pakiramdam ko ang layo mo na sa'kin. Naramdaman mo ba 'yon, Raven?"

"Matagal na 'yon. Bakit pa natin 'to pinaguusapan?" Aniya na parang wala lang 'to sakanya.

Sumugat sa akin ang katanungan niya. Pinahid ko ang mga luha ko bago ko siya matapang na hinarap. Nanatiling naka-igting ang mga panga niya at nararamdaman ko ang tensyon doon.

"Because I want to let you go!" I hissed.

Kahit nanghihina na ay pinilit ko ang sarili kong tumayo sa harap niya at ipagpatuloy ito. Nilingon niya ang paligid bago muling hinarap ang mga ilaw sa siyudad. Mabuti nalang at walang masyadong tao kung nasaan kami ngayon.

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon