Kabanata 11

42 8 7
                                    

"Saan ka na?" Ang magaspang na boses ni Raven ang bumungad pagkasagot ko ng tawag galing sa kanya. Siguro ay naghihintay na siya sa akin dahil aniya'y may pupuntahan kami mamaya. 

Inikot ko ang paningin ko at nakitang nagkakasiyahan pa ang mga classmate ko dahil sa natanggap na mga regalo. Ang iba naman ay umiindak sa isang kantang pinapatugtog sa speaker. Nakita ko si Gree at Alaya na sumasayaw doon at tinatawag ako. 'Wait' I mouthed. Gusto ko sumama kaso nahihiya ako.

Lumabas ako ng classroom upang marinig ko siya nang maayos at maging malinaw ang usapan namin ni Raven.

"Hindi pa tapos ang party namin..." sambit ko. Gusto ko na rin naman ito matapos.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko mula rito ang mga third year highschool na naghahabulan at ang iba naman ay kumukuha ng mga alala gamit ang kani-kanilang camera.

"Okay. Enjoy the party. Sama muna ako kila Theo. Ang boring ng party namin. Walang energy mga classmates ko." Magmamaktol niya sa akin. Napangiti ako. I imagined him being energetic, playing games inside their classroom. 

"Sobra lang siguro ang energy mo..." I pursed my lips. Trying hard to contain my laugh with what I imagined. Naimagine ko siya naglalaro ng trip to Jerusalem dahil isa iyon sa mga laro sa room namin kanina.

"Parang hindi naman. Vitamins lang 'to," he chuckled. Sa sinabi niyang iyon ay nakawala ang mga tawang kanina ko pa pinipigilan. Napailing nalang ako. Grabe rin talaga ang isang 'to.

Madami pa kaming pinagusapan bago ko ibaba ang tawag dahil may picture taking na magaganap para sa section namin. Last christmas party na kasi namin ito bilang Junior High at yung iba ay lilipat na ng paaralan next school year.

"Subukan mo!" Nasilayan ko ang nakangiting mukha ni Gree habang may inaabot sa akin. Tinanggap ko ang maliit na box at agad binuksan iyon. Nanlaki ang mata ko dahil isa iyong liptint! 

"Thankyou!" I said and hugged her. Inaya niya akong subukan namin iyon sa C.R. kaya agad akong pumayag. Sumunod rin sa amin si Alaya at agad pinakita sa akin ang kanya ding liptint na bigay ni Gree. 

"Light lang ang paglagay para hindi masyadong makapal..." aniya habang dinadampi iyon sa labi ko. "Ikalat mo." Ginawa ko ang inutos niya at sinubukan iyon. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at bahagyang namangha dahil sa dulot ng liptint na iyon. Nakakaganda pala talaga 'to.

"Ganda!" Sigaw ni Alaya habang pumapalakpak pa. Tumango naman si Gree at malaki ang ngisi habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Ngumiti ako habang tinitignan ang epekto ng liptint na iyon.

"Kapag nagkita kayo ni Raven ngayon, baka halikan ka na!" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Alaya at nagpatawa naman kay Gree. Nanlaki din ang mga mata ko sa bulgar na pagkakasabi non ni Alaya kaya agad akong umiling.

"We're just friends," I said with hesitation. hindi ko alam kung bakit ganoon ang tonong lumabas sa bibig ko.

Natahimik silang dalawa nang marinig ang sinabi ko. Tinignan nila ako na para bang may kakaiba sa akin. Parang hindi naniniwala.

"I don't think so," umiiling si Gree at sinimulang ayusin ang kanyang makeup. 

Hindi ako nakapagsalita. I don't want to give myself some false hopes. I like him, alright. But I don't know if he feels the same way. Pinilig ko ang ulo ko, pinipilit matanggal ang mga ganoong eksena sa utak ko ay niyaya ko na silang umalis doon.

As we were heading back to our room, someone called me. It was Kael.

"Chantaye!" Tatlo kaming lumingon kay Kiel. "Hi, Gree. Hi, Laya." Bati niya sa dalawa habang nakangiti. Ngumiti lang din ang mga kaibigan ko at bumati pabalik. Nilipat ni Kiel ang tingin niya sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. He's wearing a ripped jeans and a white tshirt. Simple pero nadadala niya iyon. 

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon