Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iyak ay nakatulog na ako. Ang lungkot at pagod ay nakatulugan ko nga.
Naalimpungatan lamang ako dahil sa patuloy na pagtunog ng phone ko. Nanlalabo ang paningin ko at nararamdaman ko ang hapdi noon.
Si Raven ang tumatawag. 11 missed calls at walang text. Nakaramdam ako ng kaba kaya sinagot ko 'yon. Why would he call me when it's already past 1 am? And he's not yet home?
"Hello?" I gulped. My voice was hoarse because of sleep.
"Chant!" It was Jeda. I checked my phone again to see the caller. Still, it was Raven's name on my screen.
Sumibol ang kaba sa akin.
"Where's Raven?" I asked him.
"Chill. He's with me and we're outside your condo. Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot." He explained.
"Tangina naman p're, gising.." he grunted. "Hello? Sorry. Your boyfriend's half asleep and he's drunk, almost passed out."
"Huh?" I asked confused. Agad kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan silang dalawa.
Tumambad sa akin si Jeda na inaalalayan si Raven. Halos hindi na makatayo si Raven dahil sa sobrang kalasingan. Magulo ang kanyang buhok at namumula ang mukha.
"Nag-inuman pala kayo?" Tanong ko, sinusubukang kunin si Raven sa kanya. Hindi siya agad nakasagot. If it was a random day, I'll ask. Pero ngayon alam ko ang dahilan kung bakit siya nagpakalasing. Hindi dahil sa gumuguho naming relasyon, hindi dahil sa akin. Dahil kay Arriane. It will always be her.
"Hmm.." amoy na amoy ko ang alak kay Raven.
"Siya lang umiinom mag-isa tapos niyaya niya kami nila Theo." Jeda finally said.
"Dapat sainyo na natulog. sa condo mo ba kayo nag-inuman?" I asked.
He nodded, "Gusto niyang umuwi, e."
Tumango ako, "Ako na rito,"
Kinuha ko si Raven at inalalayan kahit mabigat. Mabuti nalang ay naalimpungatan naman siya at kahit paano'y inalalayan ang kanyang sarili.
"Sure ka?"
"Oo. Salamat, Jeda." I smiled at him. Tumango lang siya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko dahil may gusto akong itanong.
"Jeda!" Pagtawag ko sa kanya.
"Yes?" lingon niya sa akin.
"Ikaw ba yung tumawag? yung 11 missed calls gamit phone ni Raven?" or tinawagan talaga ako ni Raven..
Bahagya pa siyang nalito sa tanong bago sinabing, "Ah! oo, ako 'yon!"
Mabuti nalang ay kinaya kong alalayan si Raven at nahiga ko pa siya sa kama. Tinanggal ko ang kanyang sapatos. Amoy usok at alak ang kanyang suot kaya naman tinanggal ko rin 'yon. Sinunod kong tanggalin ang kanyang slacks.
Kumuha ako ng bimpo at binasa ko iyon para mapunasan ko siya.
I looked at his face. Nakakunot ang noo niya kahit tulog na tulog na siya.
Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Nagusap sila kanina ni Arianne at uminom siya kaya ngayon lang nakauwi.
I wonder what will happen later in the morning. Hihilingin niya na ba na maghiwalay na kami? Hindi ko alam kung kakayanin ko 'yon pero sa estado naming dalawa ngayon, hindi malabo na mangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
Thy Heart
General FictionTunog ng mga yapak habang tinatahak. Mga biruan sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mga simpleng paghatid bago ang paalam. Mga pangako bago tuluyan na magpaalam. April 2020