Kabanata 35

35 2 23
                                    

We began to visit every commercial building that was near us. Lahat sila ay may benefits and at the same time may mga hindi magandang dulot rin.


Ang hirap pumili kaya naman naisip ko na ring tignan ang mga posibleng mapili ko sa Tagaytay man o Batangas.


"This is the last one for today." Ani ni Raven habang binubulsa ang susi ng kanyang Lexus.


He stood beside me at pareho naming sinusulyapan ang commercial building na nasa harapan. Isang tingin ko palang ay alam ko na agad na hindi ito ang pipiliin ko.


8pm na at ramdam ko na ang gutom at pagod. Pareho kaming work mode kanina at pure business lang ang pinaguusapan kaya siguro grabe ang atake ng pagod sa akin.


"Pag-iisipan ko 'yung sinabi mong commercial building sa Tagaytay at Batangas." I said.


Tumango siya at hinawi ulit ang buhok. Bahagyang kumunot ang noo at binasa ang kanyang labi. Humangin at naamoy ko ang bango niya.


"Tawagan mo nalang ako kung kailan mo gusto." He said.


Ngumuso ako. "Huh?"


"Kung kailan tayo pupuntang Tagaytay at Batangas." panglilinaw niya.


Nagtaka ako roon at inatake na rin ng hiya. Grabe na nga ang mga idea at pagod na naranasan niya para lang sa business ko dahil lang sa favor ni Dad.


"No. 'Wag na. Just tell me the exact location. Ako na lang mag-isa ang pupunta." Nakakahiya naman kasi.


"Sure ka? Nakakapagod kaya 'yon tapos magda-drive ka pa. Medyo malayo pa 'yun dito." Sabi niya at may bahid ng ngiti. "Ako na nga ang magda-drive para sa'yo."


Kumalabog ang dibdib ko. Gusto ko siyang irapan pero hindi ko ginawa dahil natatawa ako at nahihiya at the same time. Ano ba itong mga nararamdaman ko?


"Kaya ko naman kahit nakakapagod."


Nanahimik siya at hindi nagsalita. Nakatitig lang sa harap at ganoon rin naman ako. Nagulat dahil nasabi ko 'yon.


"I know.." mahina niyang sambit. Ayaw yatang iparinig sa akin.


Natahimik kaming dalawa.


"Pero mas less tiring kapag may kasama ka sa pagpili. Bibigyan pa kita ng maraming tips. Ayaw mo ba 'non?" Sabi niya.


"Ikaw bahala." I smiled. Hindi na nakipagtalo. Naisip ko rin ang anak ko. Maybe they deserve to know each other. Kaya I will estimate muna the time, happenings, and all. Mahirap na kasi parang family man na siya.


"Sure. Just call me." Aniya.


"Huh?" Hindi ko napigilan ang gulat dahil doon. Para akong nabingi at gustong ipaulit ang sinabi niya.


"What?" Nagtataka siyang bumaling sa akin.


"What did you say?" Medyo naiinis na dahil baka mali ako ng dinig sa sinasabi niya


Titig na titig siya sa mukha ko at nakitaan ko 'yon ng takot at labis na pagtataka.


"What? What did I say? Did I say something wrong?" Tanong niya na parang natataranta at hindi alam ang sinasabi.


"Yung sinabi mo kanina! Ano ulit 'yon?" I glared at him.


"Huh? I didn't say anything?" He laughed kahit may bahid pa rin ng pagtataka ang kanyang mukha.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon