Kabanata 18

73 8 19
                                    

"It was already done, Hani."

"Kahit na, sayang kasi!" She shouted. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ingay na dinulot noon. Ang ibang tao dito sa coffee shop ay napalingon sa gawi namin.

Sinamaan ko siya ng tingin para hinaan ang boses niya ngunit inirapan niya ako.

"Sana pinakinggan mo man lang siya." She whispered.

Sana nga. Pero tapos na at nangyari na. Nanliit ang mga mata ko habang inaalala ang lahat. It's been years. 4 years?

"You know what, Han? 'Yung maling desisyon ko noon ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon." Pag-amin ko. Sa sinabi kong iyan ay parang inamin ko na din 'yon sa sarili ko.

Hindi siya agad nagsalita nang marinig ang sinabi ko. Mariin niya lang akong tinitigan na para bang binabasa niya ako ngayon. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip.

"You didn't even regret it?" She questioned.

"Of course I did." I sighed. "But it's useless lang. Kasi kahit magsisi pa ako, wala na 'rin naman siya."

"I can't believe you didn't tell me this." Umiling siya. "But it's alright, Chant. Baka ayaw mo lang siya pag-usapan kasi sabi mo nga, useless lang."

Sa tatlong taon na kilala ko siya ay hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol sa nakaraan namin ni Raven. Because, maybe, that time, I was still in the process of moving on.

"Sobrang saya niya ngayon..." I almost whispered. I can feel some slight pain inside my chest.

"Obviously. His relationship status was never a secret, Chant. Maybe you're right. He'd never be this happy if you hadn't break-up." Tuloy-tuloy niyang saad.

Hindi ako nakapag-salita doon. Totoo naman ang sinasabi niya.

"Unfair din sa part mo kasi cheating 'yon, eh. Hindi ka naman nakinig sa kanya kaya hindi mo nalaman kung totoo ba 'yon o hindi.." sinikop niya ang kanyang mga hand-outs bago binuksan ang kanyang bag upang ilagay doon mga iyon.

"I mean, mahirap tanggapin 'yon lalo na kung 'yung rumored third party noon ay ang girlfriend niya ngayon." She said. "Closure lang katapat niyan."

Inayos ko na din ang gamit ko habang malalim ang iniisip.

"Nasaktan ako, Han. Hindi naging madali lahat." Sinauli ko ang mga hand-outs ko sa aking bag bago ko binaling ang mga tingin ko sa kaniya.

"I know. Hindi lang ako makapaniwala na naging girlfriend ka niya noon kasi akala ko first girlfriend niya si Aria.." nilipat niya ang tingin niya sa akin na parang tinitimbang niya ang reaksyon ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay para malaman niya na okay lang marinig kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Have you seen his instagram post? Anniversary yata nila 'yon. Inamin niya doon na first love niya si Arianne.." nagdadalawang-isip niyang saad.

I just smiled at her, "We don't follow each other on Instagram and we're not friends on Facebook."

She nodded her head like she expected it.

"It's hard not to hear anything about him, though. He's quite famous now.." kibit-balikat ko.

"Yeah.. Basketball player, e." She grinned.

Bumuntong hininga ako bago sinandal ang likod ko. Tumingin ako sa labas at nakitang malalim na nga ang gabi. Natanaw ko ang mga pangkalsadang ilaw at ang kaonting sasakyan na dumadaan. I can't help myself but remember him in that  simple sight.

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon