Kabanata 21

77 8 21
                                    

Trevor:

okay calamba

To Trevor:

anong calamba?

Trevor:

okay ka lang ba? psh hahaha

To Trevor:

di nakakatawa :(

Trevor:

k

dont be malungkot

chair up

Napahalakhak ako dahil sa pag-uusap namin ni Trev. Nakahiga ako sa aking kama at nagpapaantok nang bigla siyang nagtext.

To Trevor:

bakit mo naman natanong?

Agaran ang pagreply niya. Magkasama naman kami kanina buong araw dahil sabay kaming kumain ng lunch at gumala muna bago umuwi. 'Yon nga lang ay hindi na ako sumabay sa kanila pauwi dahil out of way na.

Trevor:

tahimik ka kasi kanina

To Trevor:

lagi naman akong tahimik

Trevor:

wag kang feeling dyan. alam natin na minsan ka lang tahimik

Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga 'to.

To Trevor:

okay lang ako trev haha bat mo natanong

Trevor:

pano ako maniniwala pati pagtawa mo parang hindi ka masaya e

To Trevor:

pano ba dapat?

Trevor:

HAHAHAHAHAHAHA

ganyan

kapag masaya dapat pinapatunayan

"Sinong ka-chat mong bata ka?"

Napanguso ako upang itago ang mga ngiti. Nilapag ko muna ang cellphone ko sa kama at tinignan si Ate Lupe na inaayos ang mga white uniform ko.

"Kaibigan lang, Ate." Utas ko dahil baka kung ano ang isipin niya.

"Huweh?" Sambit ni Ate at bahagya pang kumunot ang noo na para bang hindi talaga siya naniniwala.

Napangiti ako dahil sa itsura niya. Parang nagpapatawa kasi na ewan.

"Hala, oo nga! Promise!"

"'Sus, akala mo hindi ko alam na may boyfriend ka noon ah!"

Nanlaki ang nga mata naming dalawa. Ako, dahil gulat sa sinabi niya. Siya, dahil siguro'y nasambit niya ang dapat isang sikreto.

"Pero highschool ka pa noon, 'diba?hehe.." agad niyang pambawi.

Nanliit ang mga mata ko at tinitigan siya. Nang-aasar. "Paano mo naman po nalaman kung ganoon?"

"W-wala! Nakita ko lang!" Depensa niya. Naging mabilis ang pagaayos niya sa mga uniform ko.

Lalong lumaki ang ngisi ko dahil may idea na ako pero pinigilan ko 'yon.

"Kay Kuya Joey mo nalaman?" Tanong ko. Pinakita ko na parang walang malisya 'yon para makita ko ang magiging reaksyon niya.

"A-ah! Oo! Dati pa 'yon! Break na ata kayo nang ma-kwento niya 'yon! Lagi daw kayo magkasama noon tapos sobrang pogi daw? May pictures ka ba at patingin nga kung totoo?" Aniya.

Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon