Kabanata 32

32 4 27
                                    

"Congratulations on your graduation, Anak!"


"Thank you," I smiled widely at mom.


Sinalubong ako ni Mommy ng mahigpit na yakap habang si Kuya ay may hawak na bouquet at si Daddy naman ay buhat si Raziel.


"Mommy!" rinig kong tawag sa akin ni Raziel.


Mukha siyang excited mapuntahan ako. He wiggled at daddy's arms upang makawala at sa palagay ko ay para makapunta siya akin.


Pinakawalan siya ni Dad kaya naman tumakbo si Raziel at inalalayan lang ni Kuya dahil baka matumba. He's 2 years old now. Ang bilis ng panahon.


I squatted, anticipating his little hug.


"Mama!" He said as he hugged me. Kinarga ko agad siya at hinalikan sa pisngi.


Tinitigan ko siya habang siya ay nakangiti. His genuine smile added more to my overflowing feelings.


Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha habang tinititigan siya. He's mestizo at namumula pa ng bahagya ang kanyang pisngi. He's wearing a white polo shirt with tokong and white nike shoes.


"Picture!" Tawag ni mommy.


Kumuha pa kami isa-isa ng mga litrato. Kuya congratulated me at inabot sa akin ang palumpon ng bulaklak at ganoon din si Dad.


Nagdesisyon kaming umuwi nalang dahil doon gaganapin ang salu-salo. My friends are invited. Mga close friends lang dahil I want to keep the celebration intimate pero sa palagay ko'y hindi sila makakapunta dahil busy ang lahat.


Trev and Hanika are both busy. Board passer na kasi at hindi nagpahinga bago nagpractice ulit. I'm so proud of them. Nahuli man ako pero ginawa ko naman ang lahat para matupad pa rin ang pangarap ko.


Minsan naiisip ko nga na kasabay ko na sana sila ngayon. Pero masaya naman ako sa kung anong meron sa akin ngayon. Lalo na si Raziel.


Pagkauwi namin ay inakyat ko si Raziel sa kwarto para patulugin muna saglit so he'd have energy for later. Bibo kid kasi, e. Laging bida kapag may okasyon. Makulit siya at grabe ang energy habang lumalaki.


Mamaya pa naman ang party kaya naligo muna ako at nagbihis ng pambahay. Busy ang iilan sa baba at inaayos ang garden. They are still preparing for later so natulog muna ako kasama si Raziel.


It was 6pm when the program started. Kasabay na rin ito ng maliit na celebration dahil sa successful project nila Kuya at Dad. I don't involve my self in their business that much kaya wala akong clue. Besides, I'm pursuing a different path but I'm thinking of starting a small business.


"Taray naman!" Irap ni Alaya bago niya inabot sa akin ang kanyang gift at nilagay ko iyon sa side table.


"Syempre!" Sigaw ko at niyakap siya. She's looking at me from head to foot. Nagsuot lang kasi ako ng champagne color dress at nagmakeup ng kaunti.


"Hot mama." Bulong ni Gree sa akin.


"Of course." Irap ko kaya nagtawanan kami. Sinikap kong ayusin ang sarili at maka-recover mula sa aftermaths of pregnancy.


Mabuti nalang at dumating rin si Hanika kasama si Ortiz at Trev kahit halatang galing pa silang duty.


"Ninong!" Raziel giggled noong natanaw namin siya. Naglalaro kasi sa sala at hindi ko pa nilalabas sa Garden.


Hindi naman sa pinagdadamot sa iba.. nag-iingat lang. May mga dumalo kasi na hindi ko kakilala.


Binuhat siya ni Trev at nilagay sa kandungan nito. They are both smiling wide at nakipaglaro pa si Trev sa kanya. Sumama doon si Ortiz at nakilaro na rin kasama si Trev.


Thy HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon